bc

Zeph (Complete)

book_age16+
2.0K
FOLLOW
4.2K
READ
sweet
lighthearted
serious
like
intro-logo
Blurb

Nakilala ni Ara si Zephyrus "Zeph" De Villar nang gabing tumakas siya. Dinala siya ng lalaki sa hotel na tinutuluyan nito. Sa una ay hindi pinagkatiwalaan ni Ara si Zeph pero nang mga sumunod na araw ay napatunayan niyang mabuting tao ito.

Sapat na ang naging tulong ni Zeph sa kanya para makauwi si Ara nang ligtas sa kanilang probinsiya. Pero may isang 'trabahong' inalok sa kanya si Zeph bago siya umalis—isang nakakatuksong alok para sa isang gaya niyang nangangailangan.

At natukso nga si Ara. Hindi nga lang niya naisip na sapat ang sampung araw para magbago ang buhay niya...

chap-preview
Free preview
One
NARAMDAMAN ni Carnation—‘Ara’ para sa pamilya at mga kaibigan—na pumaikot sa kanyang baywang ang mga braso ng lalaking lumapit. “Gawin na natin ngayon ang plano,” anas ng pamilyar na boses. “Hindi ka na ligtas sa mga susunod na araw.” Si Edgar ang nasa likuran ni Ara. Edgar sa iniwan nilang probinsiya pero sa lugar na iyon ay kilala ng lahat bilang Bren. Bouncer ng limang araw, macho dancer sa ikaanim na araw sa bawat linggo. Paborito ni Mami sa lahat ng mga lalaki sa Neon Place. Tahimik lang lagi. Walang kaaway. Sa trabaho naka-sentro ang buong atensiyon. Sa mga araw na nasa Neon si Ara, si Edgar ang parang liwanag na tinatanaw niya. Ang pakiramdam na biglaang pagkahulog sa dilim, ang lalaki ang naging parang sinag ng liwanag na tmatagos sa madilim na lugar na iyon. Ang pag-asang kinakapitan niya. Ang kakamping pinagkakatiwalaan niya. Ang nag-iisang sigurado siyang hindi demonyo sa lugar na iyon. Marahang hinapit ni Edgar palapit ang katawan ni Ara, na kung ibang tao ang gumawa ay nagpumiglas at nagtitili na siya pero dahil ito lang ang tanging mapagkakatiwalaan niya sa mala-impiyernong lugar na iyon, nagpaubaya ang dalaga. “Lumabas ka na. Ngayon na, Ara,” bulong ni Edgar, gumapang ang kamay pababa sa baywang niya at pasimpleng pumaloob sa bulsa ng kanyang maikling palda. “Numero ko at perang sapat para makalayo ka rito. May taxi na naghihintay sa ‘yo sa tabi ng drug store, doon ka sumakay. Lakad na. Deretso lang, Ara. `Wag ka nang lumingon kahit anong mangyari. Tawagan mo ako kapag nakalayo ka na.” Patuloy na bulong nito, nagkunwaring pinagagapang ang mga labi sa balikat niya at hinahagod ang braso niya. Ang palabas na napag-usapan na nila.             Dumaan sa tapat nila si Delilah, ang isa sa mga ‘bituin’ sa lugar na iyon. Isa sa iilang babae na nasa edad na. Karamihan ay menor de edad na hindi na nakawala pa. Sipsip si Delilah kay Rondita o ‘Mami,’ ang bugaw na nagpapatakbo sa Neon Place at contact ng kababayan niyang si Mila na nanloko kay Ara kaya siya napadpad sa putikang iyon.             Music ‘N Lights, iyon ang pangalan ng music bar—may hindi kilalang banda nga na tumutugtog sa lugar. Ordinaryong music bar ang nabubungaran ng sinumang pumapasok roon. Na panlansi lang iyon. Front lang ang music bar. Ang totoong mukha ng Music ‘N Lights ay makikita pagpasok sa tagong pintong naglalagos sa sekretong lugar—ang Neon place, o “Neon” na tawag ng lahat sa tagong lugar na iyon. Mga parokyano lang ni Mami ang mga nakakapasok. Nasa lugar na iyon ang entablado kung saan nagsasayaw ng hubad ang mga ‘bituin’ ng Neon Place. Naroon rin ang mga VIP rooms para sa mga parokyano na hindi na gustong lumabas. Liban sa VIP rooms, may maliliit pang na silid para sa parokyanong maikling oras lang ang binabayaran. Ang lahat ng waitress na nasa ‘Neon’ ay inilalabas ng mga parokyano sa presyong takda ni Mami. Ilan sa mga iyon ay sanay na sa ginagawa at ang karamihan ay katulad niyang nasadlak roon at hindi na nagawang makatakas. Mas marami ang bilang ng mga menor de edad. Isang lugar lang ang tinutulugan ng lahat ng waitresses at nakakandado iyon sa umaga at sa madaling-araw naman ay may bantay sila. Sa oras ng trabaho lamang sila malayang nakakaikot-ikot sa paligid kaya marahil iyon ang oras na sinasamantala ni Edgar para isagawa ang ipinangakong tulong sa kanya.             Hinigpitan ni Edgar ang yakap sa kanya. Nagpaubaya siya sa halik nito sa gilid ng leeg kanyang leeg. Hinayaan din niya ang pagdaan ng haplose nito sa katawan niya. Alam ni Ara na ginawa lang ni Edgar iyon para ipakita kay Delilah na abala sila sa isa’t isa kaya sila nasa sulok at madilim na bahaging iyon ng Neon.             “Sige, Bren!” ani Delilah sa nakakalokong tono. “Pagsawaan mo na ang gaga na ‘yan na nagpapanggap na inosente habang may oras ka pa. Hindi ka naman siguro gago para isiping  pagbibigyan ni Mami ang pabor na hiniling mo habang-buhay ‘no? Bilang na ang araw ng babae mong ‘yan. Maraming parokyano na ang naglalaway sa katawan n’yan!” saka humalakhak si Delilah. Puno ng malisya. Marumi. “Pasalamat ka, nagpapasok ka ng pera kaya hindi ka matiis ni Mami!” Naintindihan ni Ara ang ibig sabihin ni Delilah. Isa si Edgar sa dinarayo ng mga bading at matrona sa Neon tuwing Sabado. Isa si Edgar sa tatlong lalaki na nagsasayaw sa entablado sa ganoong araw. “Pagsawaan mo na siya habang may oras pa!” Ang tunog ng tawa nito, nage-echo sa utak niya ang dumi. Alam ni Ara na isa ito sa mga magdidiwang kapag napahamak siya. Iniisip niya hanggang nang sandaling iyon kung bakit may mga taong nagagawang magsaya sa kapahamakan ng iba. Ang tinutukoy ni Delilah na pabor na hiningi ni Edgar kay Mami ay ang panatilihin siyang waitress hanggang sa ‘handa’ na siya. Umasa si Ara na maitatakas siya ng lalaki bago siya maging ‘handa’ sa tunay na trabaho ng mga babae roon. Hindi siya kailanman magiging handa sa trabahong iyon kaya alam ng dalaga na sinabi lang iyon ni Edgar para magkaroon ito ng sapat na oras para itakas siya. Kung paano napapayag ng kababata ang mukhang perang si Mami ay walang ideya si Ara. Siguro ay tama si Delilah, malakas si Edgar sa bugaw na iyon dahil nagpapasok ito ng pera. Nilampasan sila ni Delilah. Hindi niya kailangang sundan ng tingin ang babae para malamang halos hubad na ito sa suot na lace underwear. Sasalang ito sa entablado maya-maya at walang ititirang saplot sa katawan. Alam niyang matutulad siya kay Delilah sa mga susunod na araw pagkatapos pagsawaan ang katawan niya ng mga lalaking regular na naroon. Iniisip pa lang ni Ara ang mga parating na araw ay abot-abot na kilabot na ang hatid sa sistema niya.             Ngayon siya mas naniniwalang ang mga taong hindi bumibitaw sa Panginoon ay patuloy rin na ginagabayan gaano man kadilim na landas ang bagsakan ng mga iyon—tulad niya. Akala ni Ara ay malulubog na siya sa putikang iyon pero isang tagapagligtas ang natagpuan niya sa katauhan ni Edgar. Kababayan niya si Edgar at kababata. Magkaklase sila sa Elementarya. Nawala na lang ito sa lugar nila pagka-graduate nila ng Elementarya. Ang balita ay lumuwas ang binatilyo ng Maynila. Hindi naisip ni Ara na sa lugar na iyon umiikot ang buhay ni Edgar ngayon.             Mag-iisang linggo na si Ara sa Neon bilang waitress—siya ang bukod tanging waitress na hindi nailalabas ng mga parokyano ni Mami—dahil kay Edgar. Alam niyang hindi lang iyon ang nais gawin ni Mami sa kanya lalo at pataasan ng alok ang mga regular na naroon mailabas lang siya pero pinagbigyan ng bugaw si Edgar.             At nang gabing iyon ay tinutupad ni Edgar ang pangakong tulong. Ayon sa lalaki, tama nang ito ang malubog sa putikang iyon dahil iyon na ang mundong kinasanayan nito pero siya ay hindi nababagay roon. Nangako ito na gagawin ang lahat para maialis siya sa lugar na iyon.             “Sige na, Ara,” bulong uli ni Edgar pagkaalis ni Delilah. “Maglakad ka lang nang normal. Hindi ka sisitahin ng guwardiya, bago ‘yan at dikit kami. Sumakay ka sa taxi na naghihintay sa ‘yo ro’n at pagkatapos, huwag ka nang lumingon kahit ano’ng mangyari.” Inulit na naman nito ang sinabi kanina. “Mag-iingat ka,” bilin pa nito. “Hindi na ako nakasunod sa labas para protektahan ka.”             Sunod-sunod ang pagtango ni Ara. “Salamat, Ed,” isinuot nito sa kanya ang jacket, pinisil ang balikat niya at itinulak na siya palayo sa katawan nito.             Patuloy siya sa pag-usal ng panalangin sa isip. Alam niyang hindi siya ligtas hangga’t hindi nakakalayo ang taxi na sasakyan niya.             Matiwasay na nakalabas ng lugar si Ara. Dalawang taxi ang nakita niya na naka-garahe sa tapat ng drug store na binanggit ni Edgar. Wala ang driver ng isa kaya sa pangalawang Taxi sumakay ang dalaga             “Umalis na tayo, Manong. Ngayon na ho, pakibilisan….” kung hindi napansin ni Ara na nanginginig ang sariling boses ay hindi rin niya mapapansin na nanginginig rin pati mga kamay niya.             Umusad ang taxi na hindi man lang niya nagawang tingnan ang driver niyon. Abala sa labas ang mga mata ni Ara. Mabilis ang kabog sa kanyang dibdib habang ino-obserbahan niya ang mga nakasunod sa kanila. “Pakibilisan ho parang awa n’yo na. Kailangan kong makalayo agad…” hindi mapakali ang nanginginig niyang mga palad.              “Saan ba tayo, Miss?”             Natigilan si Ara. Saan nga ba siya pupunta ngayon?             Simbahan ang unang naisip niya kaya sa unang simbahan siya nagpahatid. Habang nakasubsob sa nakasarang pinto ng simbahan ay inilabas ng dalaga ang halo-halong emosyon Nag-break down siya nang mga sumunod na sandali.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

His Obsession

read
71.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook