Two

1682 Words
HINDI niya kilala ang babae kaya hindi maintindihan ni Zeph kung bakit apektado siya sa nakitang pagyugyog ng mga balikat nito matapos sumubsob sa nakasarang pinto ng simbahan.             Dapat ba siyang matuwa sa kapalaran niya nang gabing iyon? Napailing si Zeph, mayamaya ay napahagod sa batok. Hindi iyon ang naisip niyang last scene sa ginawang pagbiyahe. Unang gabi niya sa Maynila. Pagkagaling niya ng airport kaninang hapon, iniwan lang niya ang gamit sa hotel at tumuloy siya sa bahay ng kaibigang si Ferdz. Napahaba ang bonding nila, inabot na siya ng hatinggabi sa bahay nito. Sapilitang ipinagamit sa kanya ng kaibigan ang kotse nito para mapaniwala ang ex-gilfriend turned stalker na wala ito sa Maynila at ibang tao ang gumagamit ng sasakyan. Natawa na lang si Zeph nang sabihin ni Ferdz na nasa talyer pala ang sasakyang tinutukoy nito—sa kagagawan ng ex-gilfriend na pinag-uusapan nila—kaya gamitin na lang daw muna niya ang isa sa mga taxi na pag-aari nito. Ipapakuha na lang ni Ferdz ang taxi sa driver pagkahatid sa kanya sa Hotel. Gusto niyang mag-drive kaya tumanggi siyang magpahatid. Nagbigay na lang siya ng oras para makuha ng driver ang taxi pagkahatid niya ng iba pang gamit na kailangan niyang bilhin bago bumalik sa hotel.             Dumaan si Zeph sa drug store para bumili ng food supplements na hindi niya naisama sa mga gamit. Salamat na lang at bukas ng twenty-four hours ang drug store na iyon na nadaanan niya. Nagulat pa siya nang hindi pa man nakakalabas ng sasakyan ay nagmamadaling pumasok ang babaeng naging ‘pasahero’ niya. Hindi na nasabi ni Zeph na hindi for hire ang taxi nang makita niya ang panic sa kilos ng babae. Nanginginig rin ang mga kamay nito habang hindi mapakali sa puwesto. Lingon ng lingon na para bang hinahabol ng mga kaaway. Natagpuan na lang niya ang sariling pinagbibigyan ang pakiusap ng babae na lumayo na sila. Hindi nito kailangan ulitin ang sinabi para malaman niyang may tinatakasan. At sa anyo ng babae, may kutob siyang lalaki iyon o grupo ng lalaking nagtangkang gawan ito ng masama.             Hindi inaasahan ni Zeph na simbahan ang sasabihin nitong destinasyon—wala sa ayos ng babae kung huhusgahan niya ito base sa pisikal na anyo. Ang kutob niya ay hindi ito ligtas sa pinakamalapit na simbahan kaya dinala niya ito sa simbahang iyon—malayo na sa lugar na pinanggalingan nila.             Hindi inalis ni Zeph ang tingin sa babae.             Fifteen minutes later, inayos na nito ang pagkakatayo. Nakatalikod ang babae sa direksiyon ni Zeph pero nakita niya ang pag-angat ng kamay nito para tuyuin ang mga luha. Hindi niya napigilang lihim na humanga rito nang huminga ito nang malalim, tumuwid ang mga balikat at itinaas ang mukha—na para bang nais sabihin sa mundo na kaya na nitong harapin uli ang buhay.             Humarap ang babae sa direksiyon niya. Huminga ulit nang malalim, tumingala at nagbuga ng hangin. Magaan na ang mga hakbang nito pabalik sa taxi. Mugto man ang mga mata ay maaliwalas na ang mukha ng babae.             Tough babe, sa isip niya habang nakasunod ang tingin sa bawat paghakbang nito. Hindi siya naging interesado sa kahit kaninong babae dati. Isang babae lang ang nakikita niya hanggang nang mga sandaling iyon—si Tiffany lang. Ngunit may kung ano sa babaeng ito na humahatak ng interes niya.             Nais niyang malaman ang dahilan ng takot nito. Nais niyang malaman ang nagpapabigat sa dibdib ng babae para umiyak nang ganoon na lang. Nais niyang mas kilalanin ito.             Pumasok ang babae sa backseat at tahimik na naupo.             “Saan na tayo ngayon, Miss?” tanong ni Zeph.             “Sa…sa ligtas na lugar na puwede akong magpa-umaga, Manong. Wala bang nabanggit si Ed sa inyo—” hindi na nito naituloy ang pangungsap matapos mag-angat ng mukha at mapagmasdan siya. Pinigilan niyang mapangiti nang umawang ang mga labi nito. Rumehistro rin sa mga mata ang gulat na para bang hindi makapaniwala sa nakikita. Huling-huli ni Zeph ang paglunok ng babae. Hindi na niya napansin ang huling sinabi nito. Naaliw siya sa reaksiyon nito pagkakita sa kanya.             Sa kabila ng suot ng babae, sa palagay ni Zeph ay hindi ito isa sa mga babaeng nababagay sa kalye sa kalaliman ng gabi. Itutuloy niya ang unang naisip kanina.             Dinaanan niya ng tingin ang simbahang iniwan nila. Nakamasid nga siguro ang Diyos nang mga sandaling iyon kaya sa taxi niya sumakay ang babae. Hindi nga niya ito pababayaan na lang basta pagkatapos ng mga nakita niya. “Safe place ba? Sige, do’n tayo.”  PARANG estatwang nakatayo sa isang sulok ng lobby ang babaeng kasama ni Zeph nang balikan niya. Napailing na lang siya sa hindi man lang nito pag-upo habang nasa reception siya. Ang anyo nito, parang gusto talagang isiksik ang sarili sa sulok para walang makakita. Binalikan niya ang babae pagkaraan ng ilang minuto.             “S-Sigurado ka bang dito ang lugar na sinabi ni Ed?” tanong nito nang magkaharap na sila. “Hindi ko…hindi ko kayang bayaran ang overnight dito—”             “Sagot ko na,” putol ni Zeph at mahigpit niyang hinawakan ang bisig ng babae. Napansin niyang pinagtitinginan ito ng mga kasabayan nila. Maging ang mga staff na nakakakilala sa kanya ay sinusulyapan ito. Nahulaan na niyang dahil iyon sa ayos ng babae. “Sa ‘taas tayo mag-usap bago ka pa matunaw sa titig ng mga foreigners,” ang tatlong hapones na guest na nasa lobby rin ang tinutukoy niya na hindi na inalis ang tingin rito mula pa kanina. Iginiya na niya ang babae patungo sa elevator. Pilit niyang binalewala ang mga matang tumutok rin sa kanya. Nasa tapat na sila ng elevator nang magpumilit pumiglas sa hawak niya ang babae. Nabasa ni Zeph ang takot sa mga mata nito nang igala ang tingin sa paligid habang patuloy ang pag-iwas sa hawak niya. “Hindi ako sasama sa ‘yo. Hindi nabanggit ni Ed na—” “Kung sino man ang Ed na sinasabi mo,” putol niya, sinapo ang mga balikat nito at isinandal ang babae sa dingding. “Hindi siya ang kailangan mo ngayon.” Mariin ang naging pagbulong niya. Ramdam ni Zeph na may mga mata nang nakatutok sa kanila. Pagbukas ng elevator ay nahila na niya ang babae papasok bago pa man ito nakapalag. Diniinan niya ang palapag ng silid niya.             Pilit pa rin na umaalpas ang babae sa hawak ni Zeph kahit nasa loob na sila ng elevator. Nakawala ito sa hawak niya. Nagsumiksik sa sulok na parang ang distansiya sa pagitan nila ay kaligtasan para rito. Hindi niya nagustuhan ang nakita niyang takot sa anyo ng babae. Hindi na niya ito sinubukang hawakan matapos mas isiniksik pa ang sarili sa sulok para lang makalayo sa kanya. Alam niyang sapat na distansiya ang magpapapalma rito. Hindi talaga siya nagkamali ng kutob, may tinakasan ang babae at ang ganoong takot nito, hindi talaga para sa kanya.               “Hindi mo…hindi mo kilala si Ed,” ang halos wala nang tunog na sinabi nito. “Hindi…hindi ikaw ang dapat kasama ko ngayon. Wala ako dapat dito. S-Saan mo ako…saan mo ako dadalhin? Ayoko. `Wag mo akong hawakan. Hindi…hindi kita kilala…” paputol-putol na sabi nito, kulang na lang ay magpalamon sa puwesto. PARANG estatwang nakatayo sa isang sulok ng lobby ang babaeng kasama ni Zeph nang balikan niya. Napailing na lang siya sa hindi man lang nito pag-upo habang nasa reception siya. Ang anyo nito, parang gusto talagang isiksik ang sarili sa sulok para walang makakita. Binalikan niya ang babae pagkaraan ng ilang minuto.             “S-Sigurado ka bang dito ang lugar na sinabi ni Ed?” tanong nito nang magkaharap na sila. “Hindi ko…hindi ko kayang bayaran ang overnight dito—”             “Sagot ko na,” putol ni Zeph at mahigpit niyang hinawakan ang bisig ng babae. Napansin niyang pinagtitinginan ito ng mga kasabayan nila. Maging ang mga staff na nakakakilala sa kanya ay sinusulyapan ito. Nahulaan na niyang dahil iyon sa ayos ng babae. “Sa ‘taas tayo mag-usap bago ka pa matunaw sa titig ng mga foreigners,” ang tatlong hapones na guest na nasa lobby rin ang tinutukoy niya na hindi na inalis ang tingin rito mula pa kanina. Iginiya na niya ang babae patungo sa elevator. Pilit niyang binalewala ang mga matang tumutok rin sa kanya. Nasa tapat na sila ng elevator nang magpumilit pumiglas sa hawak niya ang babae. Nabasa ni Zeph ang takot sa mga mata nito nang igala ang tingin sa paligid habang patuloy ang pag-iwas sa hawak niya. “Hindi ako sasama sa ‘yo. Hindi nabanggit ni Ed na—” “Kung sino man ang Ed na sinasabi mo,” putol niya, sinapo ang mga balikat nito at isinandal ang babae sa dingding. “Hindi siya ang kailangan mo ngayon.” Mariin ang naging pagbulong niya. Ramdam ni Zeph na may mga mata nang nakatutok sa kanila. Pagbukas ng elevator ay nahila na niya ang babae papasok bago pa man ito nakapalag. Diniinan niya ang palapag ng silid niya.             Pilit pa rin na umaalpas ang babae sa hawak ni Zeph kahit nasa loob na sila ng elevator. Nakawala ito sa hawak niya. Nagsumiksik sa sulok na parang ang distansiya sa pagitan nila ay kaligtasan para rito. Hindi niya nagustuhan ang nakita niyang takot sa anyo ng babae. Hindi na niya ito sinubukang hawakan matapos mas isiniksik pa ang sarili sa sulok para lang makalayo sa kanya. Alam niyang sapat na distansiya ang magpapapalma rito. Hindi talaga siya nagkamali ng kutob, may tinakasan ang babae at ang ganoong takot nito, hindi talaga para sa kanya.               “Hindi mo…hindi mo kilala si Ed,” ang halos wala nang tunog na sinabi nito. “Hindi…hindi ikaw ang dapat kasama ko ngayon. Wala ako dapat dito. S-Saan mo ako…saan mo ako dadalhin? Ayoko. `Wag mo akong hawakan. Hindi…hindi kita kilala…” paputol-putol na sabi nito, kulang na lang ay magpalamon sa puwesto. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD