bc

Eira (Complete)

book_age16+
779
FOLLOW
1.9K
READ
goodgirl
self-improved
sweet
lighthearted
first love
naive
like
intro-logo
Blurb

Nang mamatay ang lola na nag-iisang pamilya ni Eira, pakiramdam niya ay nawalan siya ng lugar sa malawak na mundo. Pero sa sitwasyong iyon ay dumating ang isang abogado para ipaalam sa kanya ang isang balitang kabilang siya sa walong tagapagmana ng pinakamayamang tao sa Sagada na si Don Alfonso Banal Sr. Ipinapasusundo siya ng don para makilala na rin daw niya ang sinasabi nitong bagong pamilya.

Eira was looking for a new home, a new family. Umaasa siyang matatagpuan iyon sa bagong pamilya na naghihintay sa kanya sa Sagada. Pumunta siya sa Sagada. Pero ilang araw pa lang ang lumipas ay namatay ang don. Natagpuan ni Eira ang sarili na tinutupad ang mga huling utos nito. Kaakibat ng pagtupad sa utos ay nakilala niya si Lessandro "Alex" Callanta, ang lalaking nagturo sa kanya kung paano magmahal.

Kaya lang, may iba na palang mahal si Alex. Kailangan niyang umalis para umiwas sa sakit. Pero kung iiwan niya ito, bibitawan din niya ang posibilidad ng tunay na kaligayahan.

Pipiliin ba niyang maging duwag o pipiliin niyang sumubok kahit na posibleng sakit lang ang naghihintay sa kanya?

chap-preview
Free preview
Prologue
"EIRA, hija?" Mula sa pagtitig sa tanawin ng siyudad sa labas ng glass wall ay lumingon si Eira sa tumawag sa kanya. Nasa coffee shop siya, kaharap ang hot coffee na wala siyang balak inumin. Hindi siya nagkaka-kape pero gusto niyang manatili muna sa lugar na iyon-para sa sandaling katahimikan, ng paligid at ng puso niya. Hindi siya handa sa nangyari kay Lola Stefania, ang lola niyang seventy-five years old na pero umaasa siyang makakasama pa niya sa susunod pang seventy-five years. Alam ni Eira na pinaniniwala lang niya ang sarili pero iyon ang gusto niyang isipin. Hindi niya nais mag-isip ng mga bagay na maghahatid lang ng negatibong emosyon sa kanyang puso. "Ang bawat tao, apo, laging may pagpipilian. Sa lahat ng pagpipilian na nakalatag sa harap mo, lagi mong piliin ang positibo gaano man kahirap." Ang pangaral ni Lola Stefania sa kanya na natatandaan ni Eira. "Piliin mo rin lagi na maging masaya." "Lagi, lola?" "Lagi. Ang saya ay hindi dumarating lang sa isang tao. Ikaw ang pipili niyon. Ikaw ang lilikha ng mga dahilan para maging masaya ka. Maniwala ka, napakalawak ng mundo para hindi ka makahanap ng isang dahilan para sumaya, apo." "Kayo pala," lingon ni Eira sa matandang inabutan niya sa pribadong ospital kung saan ay dalawang araw nang comatose si lola Stefania. Ngumiti pa rin siya sa matanda kahit alam niyang kulang sa buhay iyon. Naalala ni Eira ang nangyari bago ang sitwasyon niya ngayon. Isang ordinaryong araw lang sa farm ang araw na iyon na bigla na lang nag-collapse si Lola Stefania. Next thing she knew, sinasabi na ni Doctor Montez, ang mahigit dekada na na doctor ng lola niya na inaasahan na nito na darating ang sitwasyong iyon. At alam iyon ng lola niya, ayon sa doctor. Nahulaan na ni Eira na hindi lang binanggit sa kanya para wala na siyang isipin. Ganoon lagi ang kanyang lola. Lahat nang maaring makasakit sa kanya, lahat nang maaring magpasama ng loob niya ay inaako na nito-wala nang nakakarating pa sa kanya. Inilaan na talaga ni Lola Stefania ang sarili para protektahan siya. Na-realize ni Eira, kaya pala madalas magbanggit ang abuela ng tungkol sa pag-alis at pagdating ng mga tao sa mundo, na ang una raw ay hindi dapat iniiyakan habang ang huli ay sinasalubong nang may galak sa puso. Ang totoo ay hindi niya masyadong naintindihan iyon. Malalim naman talaga ang mga pangaral ng matanda sa kanya kaya inakala niyang isa lamang iyon sa mga araw na nagdaragdag ito ng life lessons sa isip niya. Hindi naisip ni Eira na tungkol na sa nakatakdang 'pag-alis' nito ang tinutukoy ng matanda. Hindi handa si Eira na maiwan. Hindi siya magiging handa kailanman na mag-isa pero alam niyang iyon na ang kanyang realidad mga susunod na araw. Ang mga mapagkakatiwalaang tao na ng abuela ang magiging bago niyang pamilya sa mga susunod na araw. Mula sa ospital ay laging tumatawid si Eira sa coffee shop na iyon para magpalipas ng ilang minuto, para saglit na makatakas sa masakit na realidad na nasa harap na niya ngayon. Isa sa mga bagong mukha na dalaw ni Lola Stefania ang matanda na ngayon ay sinundan siya sa coffee shop. "Puwede bang maupo, hija?" banayad na tanong ni Lolo Juan-iyon ang gusto ng matanda na itawag niya rito. Naabutan ni Eira si Lolo Juan na kausap si Doc Montez. Marami namang bagong mukhang dumadalaw sa lola niya kaya tulad ng mga bagong mukhang iyon na binabati niya ng ngiti, ngiti rin ang bati ng dalaga sa matanda. "Sure po, Lolo Jay." "Jay?" balik ng matanda. "As in 'Jar'," sabi ni Eira na mas ngumiti pa. "Masyadong common ang Juan, Lolo. Initial n'yo na lang para may dating. Jay-cute po 'di ba? Tunog bata at tunog guwapo po!" sana lang hindi nahimigan ng matanda na pilit lang niyang pinasisigla ang kanyang tono. Natuwa siya nang tila may damdaming dumaan sa mga mata ni Lolo Juan. Napansin ni Eira na sa unang pagtatama pa lang ng mga mata nila sa ospital ay may iba na sa titig nito sa kanya. Hindi niya alam kung ano eksakto pero iba ang titig ni Lolo Juan kaysa sa ibang dalaw ng abuela. O baka siya ang may ibang pakiramdam kaya ganoon? May kakaibang kabog kasi siyang naramdaman nang magtama ang mga mata nila at ipakilala nito ang sarili. Hindi na lang niya pinansin. Naisip ng dalaga na baka dahil iyon sa commanding na dating ng matanda. Sa kabila kasi ng edad ay bakas na bakas pa rin ang awtoridad sa tindig at kilos nito. Ang tangkad pa ni Lolo Juan kaya kailangan niyang tumingala. Hindi rin ito ngumiti nang magkaharap sila, tinitigan lang siya. Sa tingin niya ay isa si Lolo Juan sa mga taong mahirap pangitiin. Mali si Eira-matipid na ngumiti ang matanda sa kanya matapos ang huling pangungusap niya tungkol sa bagong nickname nito. "Jay," anang matanda at naupo sa harap niya. Tumutok sa coffe cup sa harap niya ang tingin nito. In-order lang ni Eira iyon para hintaying lumamig. Ang paglamig ng hot coffee ng dalaga ay hudyat na sapat na ang oras na pinalipas niya roon, kailangan na niyang bumalik sa ospital...at sa realidad. "Hindi mo iinumin?" Marahang iling lang ang sagot ni Eira. "Hindi po ako nagko-coffee." "Bakit hindi ibang inumin na lang ang pinili mo?" "Gusto ko po ang aroma ng coffee. Noong malakas pa si lola Stef, nasa garden kami bago sumikat ang araw. Pareho kaming may kape na pareho rin naming inaamoy lang hanggang sa lumamig. Hindi na namin magagawa iyon ngayon..." inilayo niya ang tingin at huminga nang malalim. Tumingala rin siya para pigilang mapaluha. Isa pang malalim na paghinga ang ginawa ng dalaga bago niya ibinalik kay Lolo Juan ang atensiyon, nakangiti na siya. "Gusto n'yo po ba ng kahit ano'ng inumin, Lo-" "No, thank you, Eira," putol ni Lolo Juan na nagpahinto sa sana ay pagtayo niya para pumunta sa counter. "Gusto ko lang magpahinga sandali kaya ako pumasok dito. Nakita kitang nakatanaw sa labas kaya lumapit ako. Ano ba'ng tinatanaw mo?" parang curious na tanong ng matanda, tumingin pa sa labas, hinanap ang kung anumang tinatanaw niya. "Hindi mo makikita, Lolo Jay," sabi niya at muling ibinalik sa labas ang tingin. "Masyadong manipis po, eh." "Masyadong manipis?" "Super thin thread-thread na naghihiwalay sa fantasy at reality ko. Pagpasok ko kanina, masaya ang kalye. Maingay, buhay na buhay-iyon ang scene sa fantasy ko. Nasa gitna po 'yong thread. Super thin kasi 'pag lumamig na po ang coffee ko, napuputol iyon-at nagbabalik ako sa reality ko-na comatose si Lola Stef sa ospital...at saglit ko lang siyang iniwan para huminga sandali..." sa pagkakataong iyon ay namasa na talaga ang mga mata ni Eira pero hindi pa rin niya hinayaang tumulo ang mga luha. "Nakikita ko rin ang thin thread na sinasabi mo, hija," mababang sabi ni Lolo Juan na nagpabalik ng mga mata ni Eira. "Pagpasok ko kanina, mga sasakyang nagdadala ng polusyon sa hangin ang sumalubong sa paningin ko. Hindi ko gusto ang tunog. Dagdag ingay lang sa kalye. At sa kabila ng thin thread, may magandang anghel akong nakikita. Nakangiti kahit malungkot ang mga mata. Alin sa dalawa sa tingin mo ang realidad at alin ang pantasya?" "Siyempre po, 'yong anghel ang fantasy." "Mali." "Mali po? Eh, nasaan ang anghel, Lolo Jay?" "Ikaw." Napakurap-kurap si Eira bago napangiti uli. "Kayo, ha? Alam na alam n'yo kung paano ako pangingitiin." Inabot niya ang kape at minsan pang sinamyo ang aroma. Malamig na ang kape niya. Kailangan na niyang bumalik sa ospital. "Salamat po sa visit kay Lola Stef," sabi ni Eira at lumigid sa upuan ng matanda. Nasa likuran na siya nito. Hindi niya alam kung nahulaan ni Lolo Juan ang gagawin niya, parang hindi dahil naramdaman ng dalaga na nagulat ito nang biglang ipinulupot niya sa balikat ng matanda ang isang braso kasunod ang mabilis na halik sa pisngi nito. "'Kiss ng angel, Lo," masiglang sabi niya bago paatras na lumayo. Ngiting-ngiting kumaway siya sa matanda bago tuluyang tumalikod. Nasa labas na si Eira nang muli siyang lumingon-nakatitig sa kape na iniwan niya si Lolo Juan at bahagyang nakangiti. Pagdating ni Eira sa ospital, nangyari na ang kinatatakutan niyang eksena-iniwan na siya ni Lola Stefania. Sa libing na ng abuela sumunod na nakita ni Eira si Lolo Juan. Isang sketch ang iniwan nito sa kanya bago umalis, na nang tingnan niya ay isang anghel na lumilipad paitaas ang nakaguhit. Sa ibaba ay nakasulat ang mga salitang: Soon, she'd be home. Tumulo ang mga luha ni Eira sa mismong sketch. "Home," mahinang usal niya at inilibot ang mga mata sa napaka-tahimik na farmhouse. "Where?" Paano pa magiging 'home' ang bahay na iyon ngayong wala na ang Lola Stef niya?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
71.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook