bc

Rigorr (Complete)

book_age16+
1.2K
FOLLOW
2.2K
READ
confident
sweet
like
intro-logo
Blurb

Nag-iwan ng trauma kay Wendy ang karanasan sa una niyang bodyguard noong fifteen years old siya nang pagtangkaan siya nito ng masama. Pagkatapos ng karanasang iyon ay naging pare-pareho na ang tingin niya sa mga lalaking may baril. Pati sa security team ng ama niya na mayor ng Victoria ay masasamang tao na rin at mga hindi karapat-dapat pagkatiwalaan ang tingin niya sa mga ito. Kaya hindi siya pumayag nang ipilit ng ama niya na ikuha siya ng bagong bodyguard. Hanggang sa na-ambush ang kanyang ama. Sa kritikital na sitwasyon nito sa ospital at wala siyang makapitan ay dumating ang bago niyang bodyguard. He was black and beastly. Sa unang gabing magkasama sila ay nagpakita ito ng isa pang B—bad. Mas masama ang ugali nito kaysa sa kanya! Naghanda siya para sa giyera sa pagitan nila. Kaya lang noong all geared up na siya para sa misyon niyang mapalayas ito, nakalimutan niyang protektahan ang puso niya habang binabantayan siya nito...

chap-preview
Free preview
One
Iginala ni Rigorr ang tingin habang mabagal silang naglalakad ni Uncle Soilo patungo sa sasakyang naghihintay. Hindi niya na-realize agad, na-miss pala niya ang Pilipinas. Tama ang uncle niya, Pilipinas ang tahanan na hinahanap nila. Pakiramdam ni Rigorr ay nakabalik siya sa isang pamilyar na lugar na matagal na panahon niyang hinahanap-hanap. Yes, he was home... A year later... "PERSONAL BODYGUARD?" puno ng disgusto ang anyo at tono ni Wendy Veltrano, kuyom ang mga palad at halos nagmartsa palapit sa puwesto ng amang nagbabasa ng broadsheet sa sala. "No!" sigaw pa niya. "Not again, Dad!" tandang-tanda niya ang karanasan niya sa pinakaunang bodyguard—na naging traumatic experience sa kanya kaya isinusumpa na niya lahat ng bodyguards sa mundo—lahat, pati ang mismong security team ng ama. Hindi makalapit ang isa man sa mga tao nito o magwawala siya. Binabato niya ng anumang bagay na mahawakan ang sinumang lalapit. Ang mga inatasan ng ama na magbantay sa kanya ay sumusunod at nagmamasid lang nang palihim, kadalasan ay nagpapanggap na mga civilian sa paligid, sa ganoong strategy lang siya nasusundan ng mga ito. Paano niya pagtitiwalaan ang mga taong nasa utak ang s*x hormones? Laman lang naman ng bangungot niya mula noong fifteen siya ang gabing muntik na siyang ma-r**e ng hayup na iyon na pinagkatiwalaan nilang mag-ama. Tandang-tanda ni Wendy ang gabing iyon na malakas ang ulan, kulog at kidlat sa labas. Takot siya sa kulog at kidlat kaya tinanggap niya ang yakap ni Jojo Catiwala—na dapat pala ay Ajas o kaya ay Hudas ang surname nang sa ganoon ay bagay sa pagkatao nito. Pinagkatiwalaan ito ng husto ng Daddy niya para lang gantihan sila ng ganoong kahayupan. Inakala ni Wendy na gusto lang siyang i-comfort ni Jojo nang gabing iyon. Buo ang tiwala niya rito dahil espesyal ang turing nito sa kanya.Tulad ng Daddy niya, ipinaramdam ng lalaki sa kanyang 'prinsesa' siya sa paningin nito. Young, naïve and trusting as she was, she let him hold her...hanggang naramdaman niyang hindi na yakap lang ang ginagawa nito—pinaglalandas na ni Jojo ang mga kamay sa buong katawan niya, at ang labi sa leeg niya... Mabilis na ipinilig ni Wendy ang ulo para pigilan ang pagdaloy ng alaala sa isip. Hindi niya gustong balikan ang gabing iyon dahil nabubuhay lang ang galit at takot niya. Kasunod nang alaalang iyon ay isa pang bangungot. Nagawa pa ng hayup na humarap sa ama niya at sabihing may relasyon sila at siya ang nang-akit rito. Hindi lang iyon, pera at kandidatura ng ama niya ang nawala sa pagnanais nitong maprotektahan ang pangalan niya bilang nag-iisang anak nito. Isang termino ang pinalampas ng Daddy niya alang-alang sa kanya. Siya naman, mula noon ay nahirapan nang magtiwala, lalo na sa mga uniformed men na nasa paligid para sa proteksiyong binabayaran ng ama niya. Naging pare-pareho na ang tingin niya sa mga ito—mga nagpapanggap na matino pero ang totoo ay naghihintay lang ng pagkakataon para sirain ang tiwalang ibinibigay ng mga taong nagbabayad sa serbisyo. Mula noon ay kaaway na ang tingin niya sa mga bodyguards ng ama at sa lahat ng bodyguards sa mundo. "It would be different this time, sweetheart—" "No!" malakas na putol ni Wendy. "Remember how we suffered, Dad? We've talked about this many times, right? And you agreed! Why now? Walang threat sa kaligtasan ko noon at ngayon. I don't need a jerk in uniform nor an asshole with a capital A following me! I'd rather die!" "Wendy, baby—" Naniningkit ang mga matang binalingan niya ang ama. "I'm not a baby anymore! Kung hindi ko mapipilit mag-suicide ang bodyguard ko, I'll kill him myself, I swear!" puno ng disgustong hayag niya, sinipat ang dalawang kamay. "With these," aniyang nakalahad sa ere ang mga kamay niyang may mahahabang kuko ang mga daliri at shocking red na nail polish. "My two beautiful bare hands! Hmp!" inirapan niya ang ama at saka siya nagmartsa patungo sa room niya. Hindi niya pinansin ang pagsapo nito sa dibdib na parang maatake sa puso sa stress sa kanya. Sanay na sanay siya roon. Ganoon lagi ang epekto niya rito kapag nag-aargumento sila. Sa huli ay sinusuyo siya ng ama. Pero nang sandaling iyon ay duda siyang iyon ang gagawin nito, sa tingin niya ay ipipilit ng Daddy niya ang pagkakararoon niya ng bodyguard. Aalamin niya sa sariling paraan kung ano ang nagpabago sa isip nito. Pagdating ni Wendy sa room niya, mahabang sandaling nakaupo lang siya sa malawak na kama, yakap ang sarili ang nakatingin sa family picture nila—sa nakangiting mukha ng late Mama niya nakatutok ang tingin ng dalaga. Inisip na lang niyang naroon ito nang sandaling iyon at yakap siya. Hindi na nga lang niya nararamdaman dahil kaluluwa na lang ito. Noong fifteen si Wendy ay malakas na iyak na ang kasunod nang bawat pagtitig niya sa larawan. Hindi na niya ginagawa iyon ngayon. Ginawa ng dalaga ang lahat para pigilan ang mga luha mula nang pang-seventeen na birthday niya at sinaktan siya ng first crush at first love niya—si Jael Quiros, na naging first heartbreak din niya. Mas pinili nito ang bestfriend niyang si Deserée Duran, na halos kapatid na ang turing niya. At ang magaling niyang bestfriend, tinanggap agad agad si Jael na hindi man lang inisip ang pagkakaibigan nila. Nabuntis ang ex bestfriend niya at the age of seventeen. Ang karanasan ni Wendy sa bodyguard, kay Jael at Dessy, at sa mga kadugo ng ama niyang sa halip na kapamilya ang turing sa kanila ay kaaway--ang nagturo sa kanyang ipagtanggol lagi ang sarili sa mga nagtatangkang saktan siya. Nawala ang dating pagtitiwala niya sa kabutihan ng bawat tao. Nawalan na rin siya ng interes sa pakikipagkaibigan dahil naisip niyang one way or another, kung hindi siya gagamitin ng mga ito ay paiikutin rin siya at sasaktan. Natuto rin siyang kunin ang gusto niya sa kahit anong paraan at kahit makasakit pa siya ng iba. Naisip ni Wendy na nagawa sa kanya ni Dessy iyon, magagawa rin niya nang doble pa. Natatandaan niyang inakit niya ang boyfriend ng bunsong kapatid nito at nagtagumapay siya. She dumped the weak jerk after. Kung hindi pa niya alam ay interesado rin ito sa yaman ng Daddy niya. Tuwing taon ng Eleksiyon ay siya lagi ang target ng mga kalaban ng ama sa politika. Siya at ang mga maling gawain niya mula noong sixteen years old siya. Nagpapatinag siya?  No!Nagpapatawag rin siya ng sariling presscon at magpapakita siya sa publiko ng napakaganda at the same time ay vulnerable. Iiyak siya sa harap ng cameras at sasagutin niya bawat tanong. Ipapaliwanag niya ang mga 'dahilan' na matagal na niyang memoryado at magso-sorry siya sa publiko. Makukuha niya ang simpatiya ng publiko at pagkatapos ng presscon ay lalabas siya ng nakangiti at nakataas ang kilay. Kung siya na lang ang natitirang 'dungis' sa malinis na record ng ama na nagsisisilbi ng tapat sa bayan, ay tinitiyak din niyang kaya niyang baliktarin ang dungis na iyon para ang isang panig naman niya ang makita ng publiko—siya bilang biktima, ang 'Wendy-the victim' na matagal na niyang inilibing sa hukay. The new nineteen year-old Wendy Veltrano is a fierce, wise, fighter princess and a worst witch rolled into one. Ang ugali niya ay base sa turing ng taong kaharap niya. Nagbibigay lang siya ng respeto kapag tintrato siya nang may respeto. Kapag binastos siya ay dobleng kasamaan ang ibabalik niya. At ang nag-iisang taong nirerespeto at napapasunod siya, ang nag-iisang taong poprotektahan niya maging ng mismong buhay niya ay ang taong sa kabila ng negatibong bahagi ng pagkatao niya ay tanggap siyang buong-buo. At pinakamamahal siya—si Mayor Willard Veltrano, ang marangal na ama ng bayan ng Victoria—ang kanyang ama.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
70.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook