Two

1009 Words
Ang nag-iisang taong nirerespeto at napapasunod si Wendy, ang nag-iisang taong poprotektahan niya maging ng mismong buhay niya ay ang taong sa kabila ng negatibong bahagi ng pagkatao niya ay tanggap siyang buong-buo. At pinakamamahal siya—si Mayor Willard Veltrano, ang marangal na ama ng bayan ng Victoria—ang kanyang ama. Bandang alas siete na nang gabi nang marinig ni Wendy ang inaasahan niyang pamilyar na katok ng ama. Tuwing nag-aaway sila ay nasa room lang siya, nagkukulong. Wala naman kasi siyang ibang mapupuntahan. Wala siyang mga totoong kaibigan dahil hindi na niya hinayaan ang sariling magtiwala. Meantime friends lang ang meron siya, mga nakakasama niya sa party, sa disco or sa bar. Sa paghihiwalay nila ng mga iyon ay limot na rin niya pati pangalan. Wala rin siyang kaibigan sa mga kasama nila sa bahay. Iniisip niyang mabait lang ang mga ito dahil binabayaran ng ama niya. Kung kapamilya ang turing ng ama niya sa mga ito, siya ay mailap at halos hindi kausapin ang mga maids at drivers. Nasa room lang siya lagi, libro, iPod, iPad, laptop, iPhone, patung-patong na DVDs at Magazines, ang tatlong poodle puppy stuffed toys niyang nasa kama—ang mga iyon ang kasama niya o kaya naman ay buong maghapon siyang tulog. Nakasanayan na rin ni Wendy ang limitadong paglabas mula nang nagbalik politika ang ama niya. Ayaw niyang isugal ang kaligtasan o i-tempt ito na kumuha uli ng bodyguard kapag may nangyari sa kanya sa labas. Kaya naman ang mundo niya ay bahay-eskuwela lang. Ang driver niya ay forty years old na may black belt sa karate, magaling sa baril-- at babae, si Bettina. Ito ang tanging pumasa sa kanya sa halos sampung driver na hinarap sa kanya ng ama para pagpilian niya. Nagustuhan ni Wendy  si Bettina nang mga sumunod na araw dahil manibela lang ang pinakikialaman nito. Kakausapin lang siya kapag siya ang nagbukas ng usapan. Wala silang naging problema sa isa't isa. Hatid-sundo siya nito sa school at kung magsa-shopping siya ay strikto nitong sinusunod ang utos niya. Mabagal ang hakbang ni Wendy nang buksan niya ang pinto. Ang ama nga niya ang naroon, suot pa nito ang uniporme sa City Hall. Nasa anyo nito ang pagod. Nahulaan na niyang siya ang una nitong pinuntahan bago tumuloy sa sariling kuwarto. Nakasimangot na humalik siya sa pisngi ng ama. Magkaaway o hindi, iyon ang pagsalubong niya rito. Niyakap siya nito. Umungol si Wendy. "Dad, it's still a big no." may sobrang diin sa 'no.' "Kahit sa next life ko, isusumpa ko pa rin ang mga bodyguards." "Sweetheart..." "No." "Bettina is leaving." "What?" bulalas niya, iglap ay kumawala siya sa yakap nito. Ang tanging driver na tumagal sa kanila ng tatlong taon, iiwan na siya? Marahang tumango ang ama niya. "Nakapagpaalam na siya sa akin at pinayagan ko na. Magpapaalam raw siya sa 'yo bago ang pag-alis niya." "Why? We're okay, Dad. Gusto ko siya at hindi namin naging problem ang isa't-isa. Bakit siya aalis?" "May sakit ang ina niya at kailangan siya. May sapat na raw siyang ipon para magtayo ng maliit na negosyo. Sa kalagayan ng ina niya ay hindi na makakabubuti sa kanilang pareho ang malayo niyang trabaho." Natahimik si Wendy. Hindi niya maiwasang malungkot. Dadaanan na naman niya ang mahabang pilian ng magiging bago niyang driver. Hindi kasi siya pumili ng kahit sino lang. Mahirap sa kanya ang magtiwala nang ganoon kadali sa isang bagong mukha. "Siya ba ang reason kaya mo ako ikukuha ng bodyguard?" "Kasama ang pag-alis niya sa mga rason ko." Huminga ito ng malalim at tumuloy sa kuwarto niya, naupo sa gilid ng kama. Paglingon ni Wendy ay matagal siyang pinagmasdan nito. Kumunot ang noo niya. "What it is, Dad?" Umiling lang ito at marahang ngumiti. "Nothing, sweetheart. I just..." "What?" Huminga na naman ito nang malalim. "Time flies really," sinenyasan siya nitong maupo sa tabi nito. Sinunod ni Wendy ang gusto ng ama. Gusto niyang marinig ang mga susunod nitong sasabihin. "Kahapon lang, natutulog ka pa sa braso ko. Kahapon lang, ayaw mong lumipat sa room mo dahil may mumu at nawawala sila kapag katabi mo ako sa pagtulog. Kahapon lang ako ang unang-una mong niyayakap tuwing masaya ka, ang unang-una mong iniiyakan tuwing nasasaktan ka." "Dad..." "Ngayon, mga alaala na lang ang kahapong iyon, Wendy. I just woke up one morning and my baby's gone." hinaplos nito ang buhok niya. "Mula noong sixteen ka, hindi ko na naramdamang kailangan mo pa si Daddy—" "I still need you, Dad," agap niya. "I just grew up fast," nakatutok ang tingin niya sa sahig. "I have to." "Why do you have to?" "So I can fight my own battles—and win them all." "Battles?" ulit ng ama niya at mapait na napangiti. "You're just nineteen, sweetheart. I—" "Dad," putol niya sa mga susunod nitong sasabihin. "You've always been in a battlefield. Marami ka nang battle na kailangang ipanalo—sa mga kamag-anak natin, sa mga kalaban mo sa politika, sa mga kaaway mo na hindi mo alam na kaaway mo pala—ang dami nilang kaaway mo, sobra-sobra na ang 'battle' mo, no need to take mine. Kayang-kaya ko na 'yon. Kayang-kaya ko silang itumba sa sarili kong paraan." "Dear God," nausal nito na parang helpless na ang tono. Sa tingin niya ay tumanda ito ng limang taon sa totoong edad na fifty-three. "What happened to my baby?" Natawa siya sa tila shocked na anyo ng ama. Patuloy ito sa pag-iling na nagpalakas ng tawa niya. Yumakap siya sa baywang nito at sumubsob pa sa dibdib. "Hindi ako magso-sorry," sabi niya. "Ikaw ang nag-umpisa ng away natin kanina." "I did?" "Yes!" bulalas niya. "No bodyguard, Dad, and that's my final answer." "Yes." "Yes? As in—" "Yes, your new bodyguard will be here on Wednesday." "Dad!" bigla siyang kumawala sa yakap nito. "No! No!" naglakad siya pabalik-balik sa gitna ng kuwarto niya, sa tapat ng ama. "Hindi ko gagawin ito nang wala akong malalim na dahilan, Wendy." Nahinto ang pabalik-balik niyang paglalakad, napatitig sa ama...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD