Three

1020 Words
SA IBANG pagkakataon ay hinagis na ni Rigorr sa trash bin sa silid ang envelope na kinalalagyan ng bago niyang assignment. Sa mahigit isang taon na niyang kasama ang big boss ng RRS na si Rance, unang pagkakataon iyon na gusto niya itong bugbugin hanggang magkalatay lahat ng parte ng katawan.             Bakit hindi? Ang assignment na ibinibigay nito sa kanya ngayon ay mas masahol pa sa ginawa nitong pakikipag-deal sa kanya a year ago, para mahanap niya ng madalian ang anak ng ni Uncle Soilo. Si Rance ang kumilos nang mabilis para sa kanya. Nang mabuo nito ang mga impormasyon ay ipinasa iyon sa kanya kapalit ng ayon dito ay simpleng pabor. “Be one of my men,” pantay na sabi nito noon, hawak ang file folder na naglalaman ng lahat ng impormasyong kailangan niya—kailangan niya ASAP dahil sa palalang-palalang kondisyon ng Uncle niya. Tinanggap ni Rigorr ang kondisyon ni Rance nang hindi nag-iisip. At gusto niyang saktan ito nang malaman niyang isa sa mga tao nito ay may direktang kaugnayan sa pinsang hinahanap niya. Pinaikot lang pala siya para makuha ang pabor na hininging kapalit.             Si Sarah ang pinsan niyang iyon. Asawa na pala ang babae ng isa sa mga tao ni Rance, si Verge. Hindi niya alam kung ano ang talagang nangyari sa dalawa at pinutol na lang ng pinsan niya ang komunikasyon kay Verge mula noong sumama ito sa kanila ni Ella sa Vigan. Sa ama nito itinuon ni Sarah ang buong atensiyon. Natuwa siya nang sa huli ay nagkasundo rin ito at si Ella. Natupad ang huling wish ng Uncle Soilo niya—namatay ito na nasa tabi ang dalawang babaeng mahal.             Sa ngayon ay abala pareho ang dalawa sa pagpapaganda. Naimpluwensiyahan na ni Ella nang tuluyan si Sarah. Natutuwa naman siyang sa pamamagitan ng sabay na physical activities ng mga ito ay nalampasan na ng dalawa ang lungkot, gaya niya. Mula nang makita ni Rigorr na unti-unti nang nagbabalik ang sigla ng dalawa ay naging okay na rin siya. Malaking tulong rin na ipinaparamdam sa kanya ng mga ito na bahagi siya ng iniwang pamilya ni Uncle Soilo. Hindi nga lang dependent sa kanya ang dalawa dahil sa presence ni Wyco, ang kaibigan ni Ella na regular na tanawin na sa bahay nila. Parang hindi ito makahinga tuwing hindi nakakadaan sa bahay. Kung hindi lang niya alam ang pagmamahal ni Ella sa Uncle niya, iisipin ni Rigorr na may tagong relasyon ang dalawa.              Lalong kumulo ang dugo ni Rigorr nang mapansin niyang nagpipigil ng ngiti ang dalawang taong kasama niya sa private office—sina Randy at Verge. Si Verge lang ang may hawak na envelope sa dalawa kaya nahulaan na niyang siya at si Verge lang ang may bagong assignment. At base sa anyo nito, mukhang sa kanilang dalawa ay siya ang mas magiging miserable. Hindi nila maaring baliin ang rule ni Rance pagdating sa pagtatalaga ng bawat assignment. Hindi siya maaring tumanggi dahil kahit minsan ay hindi ito nagbigay ng assignment sa maling tao. Sa kanya nito ipinapasa ang bagong trabaho na iyon, ibig sabihin, siya ang pinaka-karapat-dapat sa gumanap sa iniaatas nitong responsibilidad. May tiwala ito sa kanya. Alam nitong kaya niyang tapusin iyon nang wala silang magiging problema—at ni minsan, hindi pa nagkamali si Rance sa pagbibigay ng assignment. Natatandaan niyang may mga trabaho na hindi ito panatag ipagkatiwala sa kanila—sa mismong isa sa mga kaibigan nito ipinapaubaya ang bagong assignment.             Kaya naman sa pagkakataong iyon ay alam niyang para sa kanya ang trabaho—ang trabahong magka-nervous breakdown sa konsumisyong dala ng kliyente niya.             Gustong magtagis ng ngipin ni Rigorr nang ngingisi-ngising nagpaalam na si Verge dala ang envelope nito. Si Randy naman ay narinig niyang sa Bicol ang destinasyon. Si Zairo na partner niya ay kasalukuyang nasa Mindanao.             Habang siya ay unti-unting mawawala sa katinuan dahil sa kliyente niya. Pinigil niyang magmura nang malutong. Alam niyang mabilis si Rance. Sa pagkalukot pa lang ng mukha niya ay sigurado siyang nahalata na nitong hindi niya gusto ni katiting ang bago niyang trabaho.             Si Wendy-Worst Witch Veltrano lang naman ang babantayan niya. Ang brat na unica hija ng Mayor ng Victoria, si Willard Veltrano. Mas masahol pa sa pinakamasamang witch ang kamandag nito pagdating sa trato sa mga bodyguards. Kilala ang prinsesang-bruha ni Mayor sa kalupitan sa  security team ng alkalde. Maging professional bodyguard killer yata ang pangarap nitong profession. Nakarating sa kaalaman niya na ilang beses tinanggihan ng magkakaibigan niyang boss ang trabahong may kaugnayan kay Wendy.             May masama yatang nakain ang big boss na si Rance at tinanggap na nito ngayon ang alkalde bilang bagong kliyente.             “Go on with the details, Finch.” pormal na sabi nito, hindi pinansin ang maasim niyang anyo. Sa hula niya ay mas umitim yata siya sa inis. Inis na dahilan rin kaya hindi niya binasa ang detalyeng tinutukoy nito.             Ibinaba niya ang mga mata sa itemized sentences sa ibaba ng nakangiting picture ni Wendy. Sinadya niyang hindi pansinin ang magandang larawan nito na ngiting-ngiti—parang anghel ito sa larawang iyon. Nakaka-distract ang tamis ng ngiti at ganda ng mga mata. Kung sana hindi niya alam ang kalupitan ng babaeng iyon…             “Abut-abot ang pakiusap ni Mayor Willard,” sabi ni Rance. “Lihim ang pakikipag-ugnayan niya sa RRS. Gusto kong tumulong kaya hindi ko na siya tinanggihan. Seryoso ang kaso niya.”             Gusto niyang magtanong at magmura ng sabay pero mas pinili niyang ilugar sa tama ang sarili—mas pinili niyang tumango at manahimik.             Nagpatuloy ang mga mata niya sa pagbabasa. Awtomatiko ang pagkunot ng noo niya nang mabasa ang huling pangungusap. Nakaawang ang bibig na bumaling siya kay Rance na titig na titig pa rin sa kanya.             “Long lost brother!?” bulalas ni Rigorr at natawa nang walang laman. “Ako?” Sana nga ay kalokohan na lang ang lahat ng nabasa niyang iyon pero base sa tingin sa kanya nito ay iyon na ang magiging realidad niya sa mga susunod na araw—long lost brother ni Wendy Witch Veltrano.             Nahulaan na ni Rigorr na araw araw siyang magkaka-migraine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD