bc

Rogue (Complete)

book_age16+
1.3K
FOLLOW
3.9K
READ
brave
comedy
humorous
secrets
gorgeous
seductive
like
intro-logo
Blurb

Inakala ni Diwa na matatakasan na niya nang tuluyan ang dati niyang buhay sa barrio nila bilang tagapaghatid ng mensahe sa mga ligaw na 'mumu'—nang isinama siya ng kaibigang si Maya sa Maynila.

Nagkamali siya. Ilang araw pa lang ang lumipas ay kumatok sa pinto niya ang artistang si Enrique Ruiz para humingi ng tulong—pakalmahin daw niya ang nagpaparamdam na multo sa bagong biling bahay nito. Ang kaibigang si Maya ang dahilan kaya siya pumayag na tulungan ang actor.

Pumunta siya sa bahay. Handa siyang sagupain ang ligaw na kaluluwa gamit lang ang tapang at ganda—okay, joke lang 'yong huli. Mala witch kasi ang dating niya—ang looks na panakot sa mga taong hindi siya talaga kilala pero 'ginulang' ng Mama niya kaya naniningil.

Ang problema, sa unang gabi pa lang ni Diwa sa bahay ni Enrique, hindi multo ang kaaway na nakaharap niya kundi isang guwapo at makisig na intruder na naroon para pagnakawan ang actor—si Rogue.

Akala ng dalaga ay maiisahan niya ang hot inruder. Mali siya. Mukhang siya ang paglalaruan nito.

Nang mga sumunod na araw, natakot na si Diwa. Nanganganib na siya—pati kasi ang puso niya ay ninanakaw na rin ni Rogue!

chap-preview
Free preview
One
"DIWATA MALASANTA!" Boses lalaki ang malakas na narinig ni Diwa. Nagising hindi lang ang diwa niya, pati kaluluwa at inner monster na rin na natuwa at naki-join sa kanyang matulog nang bongga. Naputol ang panaginip niya sa parte mismong sinusunog na siya ng mga taga-barrio. Sinusunog siya habang inaakusahang mangkukulam at salot. Ang saklap ng kapalaran niya sa panaginip—hindi, bangungot na! Pupungas-pungas na bumalikwas ng bangon si Diwa. Napasobra yata talaga ang panonood niya ng Pinoy Horror nang nagdaang gabi kaya pati sa subconscious mind niya ay na-stuck ang ganoong ideya. Grabe lang. Buhay na buhay ang scene! Pati galit na mukha ng mga taga-barrio na kilala niya, ang linaw sa panaginip. Galit nag alit talaga sa kanya. Hindi man guilty, ramdam niya talaga sa panaginip na isinusumpa siya ng mga kababaryo! Wala na si Diwa sa barrio na pinanggalingan kaya imposibleng lalaking nasaniban ang nag-aamok sa labas ng apartment ni Maya. Sigurado rin ang dalaga na hindi siya nito tinatawag para utusang makipag-meeting sa mumu—'graduate' na siya sa ganoong trabaho niya sa barrio Labo. Salamat sa kaibigang si Maya, ang unica hija ng Kapitan nila na isinama siya sa apartment nito sa Maynila, may bago na siyang buhay ngayon. Hindi na siya si Diwata Malasanta ng barrio Labo. Hindi na siya ang Diwata na tagapaghatid ng mensahe sa mga mumu. Sa Maynila ay hindi na rin siya ang anak ni Maruca. Si Maruca Malasanta na tanyag bilang mangkukulam s***h manggugulang—ginogoyo kasi nito ang mga kababaryo nila sa kung anu-anong orasyon, halamang gamot, gayuma, nagmimilagrong tubig at kung anu-ano pang ibinebenta. Binuhay siya ng ina sa ganoong raket. Benta rito, benta ro'n ng kung anu-anong imbentong gamot sa maraming sakit. Na pinaniwalaan naman ng mga tagabaryo. Kung paanong gumagaling ang mga iyon, iniisip pa rin ni Diwa hanggang nang sandaling iyon. Hindi totoong mga gamot ang inimbentong formula ng ina. Pinaghalo-halo lang nito ang mga dahon—mga halamang gamot, kung ano anong klase ng oil at holy water. Hindi na niya alam ang iba pang sangkap kung mayroon man. Hindi rin niya alam kung saan galing ang mga sangkap na iyon pero hindi na magugulat si Diwa kung dahon lang ng puno sa likod-bahay ang 'niluto' ng ina. Expert sa diskarte ang nanay niya. Walang kupas at walang makakatapat. Nagtataka talaga siya kung paanong gumagaling ang mga kababaryo na bumibili ng mga iyon. Naisip na lang ni Diwa, ang paniniwala ng mga ito ang talagang nagpapagaling—hindi ang mga imbentong gamot ng ina. Ganoon naman iyon, kaya nga tinawag na 'faith healing'. Hindi man napigilan ni Diwa ang ina sa pagra-raket, may positibo namang dulot iyon—nakapagtapos siya ng dalawang taong kurso sa kolehiyo sa bayan nila. Naging daan iyon para tanggapin siya ng Kapitan bilang sekretarya ng barangay Labo. At pagkalipas ng tatlong buwan, bumalik sa barrio ang kababata at kaibigan niyang anak ni Kapitan—si Maya. Gusto nitong isama siya sa Maynila para tumao sa apartment na maiiwan. Pumayag si Diwa. Hindi rin siya pinigilan ng Kapitan. Basta para sa unica hija, payag agad ito. Mangingibang-bansa si Maya. Kung tourist o may kinalaman sa trabaho, hindi na nagtanong si Diwa. Magse-share naman ang kaibigan kung gusto nitong ipaalam sa kanya ang detalye. Naghintay na lang siya. Siya ang naiwan sa apartment. Pagbalik ni Maya, nangako ito na tutulungan siyang humanap ng trabaho. Malawak ang Maynila ayon kay Maya. Gusto nitong makita niya. Hindi lang daw ang barrio Labo ang dapat niyang maging mundo. Dagdag pa ni Maya, nami-miss siya nito. Gusto ng kaibigan na siya ang kasama sa apartment. Hindi raw ito malulungkot kung naroon siya. Hindi na nag-isip na sumama si Diwa. Mag-isa na rin kasi siya sa barrio. Ang nanay niya, napilitang itigil ang raket. Ipinagtulakan niya talagang sumama na sa isang Indian na nagkagusto rito, ang five-six king sa Labo. Alam niyang kung hindi gusto ng ina ang lalaki, nunca na sumama ito. May feelings rin ang nanay niya sa five-six king, nagpakipot lang! Pero hindi talaga ang magkaroon na ng stepfather ang rason ni Diwa. Ang kutob niya kasi, hindi magtatagal ay mabubuko na ng mga taga-barrio na wala naman talagang bisa ang kung anu-anong tinda ng ina. Natakot siyang baka ang kahantungan ni Maruca Malasanta ay tustadong faith healer. Hindi malayong mangyaring sunugin ng mga taga-barrio ang nanay niya kapag nabuko ang panggugulang! Mas panatag si Diwa na mapunta na lang ang ina sa Indian na iyon kaysa matusta. Lagi man silang nag-aargumento sa maraming bagay, mahal na mahal niya ang ina. Silang dalawa na lang ang magkapamilya. Hindi siya papayag na mapahamak ito. Sa record naman ng Indian sa barangay Labo, mabuting tao ito. Wagas lang talaga maningil ng tubo. Pumayag naman agad ang nanay ni Diwa. At nang malamang luluwas na siya ng Maynila para sumama kay Maya, nagbalot na rin ng gamit. Susundin na raw ang tawag ng puso. Natawa si Diwa. Ang higpit ng yakapan nila habang parehong tumatawa. Magkasunod na iniwan nila ang maliit na bahay. Pinaghatian rin nilang mag-ina ang halagang nakuha nito mula sa pagsasangla ng bahay at lupa. Hindi gusto ng ina na ibenta ng tuluyan ang bahay at lupa. Kung ano't anuman daw ang mangyari sa kanilang dalawa sa piniling mga bagong lugar, mas magandang may babalikan pa rin silang bahay sa Labo. Kaya naman ngayon, heto na siya—mag-iisang linggo nang nasa bahay ni Maya. Ang unang dalawang araw ni Diwa, ginamit nila sa paglilibot. Ayon kay Maya, para naman may alam na siya sa lugar bago ito umalis. Tinandaan niya ang ilang importanteng lugar—ang madalas niyang pupuntahan para buhay pa siyang abutan ni Maya at hindi tumirik ang mata sa gutom. Mahirap nang mawala siya. Wala pa naman siyang kakilala sa Maynila. Kahapon lang, umalis na si Maya patungong Korea. Babalik rin ang kaibigan pagkatapos ng ilang linggo. 'Gifted' si Diwa. 'Gift' daw ang tamang term sabi ni Maya. Nakakakita siya at may kakayahang makipag-usap sa mga nilalang na wala na sa mundo—in short, multo, mumu, kaluluwa. Siguro ay karma iyon ng ina at nasalo niya. Pinagloloko kasi nito ang mga kababaryo nila. Kaya tuloy, siya na walang kamalay-malay na anak ang nagkaroon ng ganoong kakayahan. Pakiramdam tuloy ni Diwa, abnormal siya. Pero dahil kay Maya, na naniwala at tumanggap sa kanya ng buong-buo, nagawa niyang yakapin ang kakayahan. Ayon pa sa kaibigan, hindi siya ang nag-iisang may 'gift' sa mundo. Ituring daw niya na regalo nga iyon at gamitin niya sa mabuti. Na-realize ni Diwa, tama naman si Maya. Tinanggap niya sa sariling iba siya pero hindi ibig sabihin na kabawasan na sa pagkatao niya. Lalong hindi basehan ng pagiging normal o abnormal. Gifted siya, iyon lang iyon. Huwag nang pahabain pa ang issue. Period na agad. Pagkatapos ng dalawang taon, nakasanayan na ni Diwa ang kakayahan. Nawala na ang pakiramdam na para siyang taga-ibang planeta. Twenty four years old na siya ngayon at normal na babae ang tingin sa sarili. Normal, oo—liban sa mga pagkakataong kailangan niyang maging 'abnormal'. "Diwata Malasanta—" "Ano?!" bulyaw ni Diwa sa lalaking sumisigaw pagkabukas niya ng pinto. Walang pakialam kung halos takpan ng mahaba at itim na itim niyang gusot na buhok ang mukha. Wala rin siyang pakialam kung duster na itim na nagungupas na at hanggang sakong ang suot niya—ang paboritong suutin ng ina kapag nagpapanggap na mangkukulam na 'nagluluto' ng formula ng gayuma at potion para mapauwi ang nambabaeng asawa ng isa sa mga tagabaryong suki nito. Manipis ang tela at presko. Masarap pantulog kaya naging paborito rin ni Diwa. Sinadya niyang hingin iyon sa ina para hindi niya ito laging nami-miss. "Oh god!" Parang natuklaw ng anaconda ang lalaking nabungaran niya. Laglag ang panga at nanlalaki ang mga matang nakatutok sa kanya. "You...you don't look like a fairy," nasabi pa at kumurap-kurap. "Hindi rin santa—" "Sira-ulo," iritadong putol ni Diwa. "Natural! Pangalan ko lang ang Diwata at apelyido ko ang Malasanta! Hindi ako diwata at hindi rin ako santa, mister! 'Problema mo, ha?" Bulyaw pa niya at tinapunan ito ng matalim na tingin. Napaurong ang lalaki ng isang hakbang. Parang gustong mag-panic. Bakas sa mukha na hindi gaya niya ang inaasahang magbubukas ng pinto. "Sino ka bang loko ka, ha? Kung makasigaw ka para kang hari. Naninira ka ng tulog! Gusto mong gawin kitang ipis?" Ang lakas ng loob ni Diwa na manakot at magtaray. Sigurado naman kasi na hindi bisita ni Maya ang lalaki. Malinaw na binanggit nito ang buong pangalan niya. Hindi si Maya ang kailangan kundi siya. Wala nga lang siyang maisip na dahilan... Natigilan bigla ang dalaga. May dahilan nga pala—ang mga niloko ng nanay niya! Naitago na ba agad ng Indian ang ina kaya siya ang nahanap sa Maynila? Pero imposible namang maging kamag-anak ng isa sa mga kabaryo nila ang lalaki. Kutis pa lang, wala na. Ang layo sa mga kakilala niya! Bluffing. Inunahan na agad niya ang lalaki. Sa suot at hitsura niya, siguradong maniniwala ang mestisong bangus na kaharap niya ngayon na mangkukulam nga siya. "You're a witch—" "I am!" Agaw niya agad at ngumisi ng wicked. Proud na proud ang tono. Gusto niyang batiin ang sarili na swak na swak ang pang-aagaw niya ng linya. Pang-kontrabida talaga. At gustong humalakhak ni Diwa na halatang halata ang pagngiwi ng lalaki. Napalunok pa. Parang ayaw nang humakbang kahit isa palapit sa pinto. "Witch nga akong ginugulo mo ang pananahimik." Itinuro niya ang makinis na mukha nito. "Ano'ng gusto mo, labasan ng uod 'yang ilong mo o maging ipis? Nganga ang mestisong bangus!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

His Obsession

read
71.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook