“HINAHANAP kita,” sabi ni Sir Rolf na bumasag sa katahimikan. Hindi ko napansin kung gaano kami kalapit sa isa’t isa kung hindi ko lang naamoy ang hininga niyang amoy mint. Nakayuko siya sa akin. Bagong gising ang hitsura pero walang morning breath? “Naisip kong umuwi ka mag-isa sa Corazon.” Dugtong niya. Ginawa ko na nga iyon ng dalawang beses. Busy siya at gusto ko talagang umuwi. Nag-commute ako at nakuha ko naman ang tamang daan. “Mag-iiwan naman ako ng note sa ref kung umalis ako, Sir,” sabi ko. Dahil nga hindi na kami halos magkita, sa mga notes na nakadikit sa refrigerator na lang namin inaalam ang mensahe para sa isa’t-isa. Biyernes ng gabi ay itatapon ko lahat ng nakadikit, sisimulan na naman naming magdikit pagsapit ng Lunes. “Hindi rin kayo aalis?” sana naman hindi, dugtong ko

