5

1912 Words
"If he love you, he'll never hurt you." I PARKED my car and walked towards the special elevator. Sosyal nina Catherine dahil may pa-special na elevator. Sana ako din, someone special rin. Pero nganga. Wala na. Sumakay ako sa elavator. I checked my phone. Maraming text messages and missed calls from Jero. Should I change my number? Tumigil ang elevator saka ako bumaba. Naglakad ako papunta sa penthouse nina Catherine. How lucky she is to find her true love. Sana all talaga. I pressed the buzzer and wait for someone to open it. I am busy looking at my phone and frowned when I read one of Jero's text message. Hindi ko kayang mawala ka, beb. Please let's talk again and let me explain. "Seriously..." sabi ko sa kawalan. Nag-angat ako ng tingin at halos lumundag ang puso ko nang bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Arion. Bakit siya narito?! Akala ko ba kaming magkakaibigan lang? He turned his back on me and walked inside. Suplado! Akala mo naman... Muling kumabog ang dibdib ko. Iyong mga nangyari sa amin kagabi... bigla kong naalala. Napalunok ako. His rule, yes, sinabi nga pala niyang hindi na dapat niya ako makita but look at us now, nagkita na naman kami. Ah, that's why he ignored me. Fine, let's ignore each other. Ang nangyari kagabi, hanggang kagabi lang. We won't see again, except today, we don't need to talk to each other. Pumasok na ako sa loob saka sinarahan ang pinto. Naabutan ko silang nagsasaya. May mahabang mesa sa may salas, nakapalibot sila sa mahabang sofa. "Maleha, alam mo bang ikaw nalang ang kulang? Nakakainis ka! Saan ka ba galing?" Sinalubong ako at niyakap ni Catherine. Pasimple akong tumingin kay Arion. He's not even looking at me. He's busy with his phone. "Ah, na-late lang ako ng gising." Sabi ko. "Kanina pa kaya kami dito! Tulog na nga 'yung mga pinsan ni Lucio na babae kasi umaga palang umiinom na sila dito." Tumingin ako sa wall clock nila. It's already five in the afternoon. Paano naman kasi, ang tagal kong nagbabad sa bath tub kanina plus, nakaidlip pa ako dahil antok na antok pa ako. Hindi na nga dapat ako pupunta kung hindi lang magtatampo si Cath. "Sorry." Sabi ko. Hinila niya ako sa living room. Narito rin sina Kelly, Rocky at Sam. Wow, buti okay na sila at tanggap na ni Sam ang lahat. Sabagay, sports naman siya at tanggap naman niya na pagkakaibigan lang ang kayang ibigay ni Cath sa kaniya. "Hey, Maleha! You're so late! Lasing na lasing na ako, nakakainis ka!" Bakit parang kasalanan ko? Saka, para namang napaka importante ko. Umupo ako sa tabi ni Cath. Sa kanan ko ay si Rocky, Kelly at Sam. Sa kabilang part ni Cath ay si Lucio, ay iyong mga pinsan niyang na-meet ko noong first time naming makapunta sa penthouse na 'to. Aries, Ludwig, at sa dulo ay si Arion na abala pa rin sa phone niya. Busy with his flings or girlfriends? Sabagay, hindi nga ako counted as his fling e. Saka hindi naman nakakapagtala kung marami man siyang babae. Besides, alam kong nasaktan rin siya dahil gusto niya si Cath. "Dahil late ka, Maleha, inumin mo 'to. Bottoms up." Ibinigay sa akin ni Rocky ang isang basong beer. Puno iyon. I gulped. Parnag lasang alak pa nga ang bibig ko dahil sa nainom ko kagabi. "One shot! One shot!" Sigaw nilang lahat. Parang ang star ko naman, fudge, bakit kasi nagpahuli ako. "Fine." Sagot ko saka ininom ang beer, bottoms up. Napangiwi ako nang maubos iyon. "Punyeta ka, Rocky, hinaluan mo 'to ng hard!" Humagalpak sila ng tawa. Sinamaan ko sila ng tingin. "Parusa mo 'yan. Late ka e." Sabi niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Maleha, kumusta ka? Did he talk to you or what?" I heaved a sigh. As expected, siguradong magtatanong si Cath about Jero. Napansin kong kanya kanya sila ng ginagawa. Umiinom, kumakain, kanya kanyang topic, at ano ano pa. Si Kelly ay nakasandal na sa sofa. She looked drunk. Si Sam at Rocky ay nagku-kwentuhan habang umiinom. "Pinipilit pa rin niya akong kausapin siya at pakinggan..." sagot ko. Sinalinan niya ako ng beer sa baso. "Ako na ang magtatagay sa 'yo, okay? Since bawal akong uminom dahil alam mo na, buntis." Ngumiti ako. "Alright, but you know Cath, hanggang ngayon parang hindi ko pa rin matanggap na nagawa niya sa akin 'yon." "He congratulated me, Maleha. Pero I told him naman na sana hayaan ka na niya at huwag nang guluhin because I know how much it hurts. Ilang araw ka nang umiiyak dahil sa kaniya? Ilang araw ka nang umiinom? He's an asshole." I nodded at her. "Truth." Muli kong ininom ng bottoms up ang beer. Pakiramdam ko ay gusto ko na namang magpakalasing. "Pinupuntahan ka pa ba niya sa condo mo?" Umiling ako. "Good thing, hindi. Ewan ko ba Cath, pero pakiramdam ko tuloy kapag nakita ko pa ulit siya, bibigay ako and worst, baka balewalain ko ang ginawa niya. I... kept on missing him." I tried hard not to cry. Ayokong maging mahina. Saka hinding hindi ko gagawin na makipagbalikan sa kaniya. Kailangan kong labanan ang gusto ng puso ko. Nagsalin ulit siya ng beer sa baso. Inabot ko ang alfonso saka sinalinan niyon amg baso ng beer. Gusto ko ng mas matapang. Ininom ko iyon ng isang inuman. Fudge, ang pait. Ni wala akong chaser. Kumuha ako ng isang piraso ng ubas sa mesa saka kinain iyon. "Alam mo Maleha, tama nang ako lang ang marupok sa grupo natin. Please? Don't ever come back to him. Ayokong manghimasok sa relasyon niyo pero tama na iyong kagaguhang ginawa niya sa 'yo." "I know... I know, Cath." "Buti naman. Normal namang ma-miss mo siya e. Syempre, nasanay kang kasama siya. Halos live in na kayo sa condo mo and now, bigla nalang nawala." "Makakaya ko rin 'yan. May alak naman e, para makatulog nalang ako ng diretso sa gabi." I don't mind sleeping all day just to avoid thinking about him. "Aalis kami sa saturday papuntang Europe, Maleha. Please take care, okay? Si Kelly, magbabakasyon naman siya sa US for a week, kasama niya ang family niya. Kaya nag-aalala talaga ako na maiiwan ka namin." Sanay naman akong maiwan... "Okay lang ako, Cath. Ano ka ba!" I smiled in sadness. "Marami pang lalaki." "Oo tama 'yan! Hayaan mo, may irereto talaga ako sa 'yo. Naaalala mo ba si Kenneth? Iyong classmate natin noong college? 'Yung crush na crush ka? Ni-congrats niya ako noong wedding, and nabanggit ka niya. Alam mo bang single din siya. Bagay na bagay kayo! He asked for your number and sorry girl, binigay ko. Kapag niyaya ka niyang lumabas, sumama ka, okay?" Tumango ako. "Fine, fine. Maybe I should do that para mas madali akong makamove on." Sa halip na beer ang inumin ko ay hindi ko na iyon pinansin. Kinuha ko ang bite ng alfonso saka iyon ang isinalin ko sa baso. "Wala kang chaser?" Tanong ni Cath. "May fruits naman." Sagot ko. Ininom kong muli ang alak sa baso, saka sumubo ng ubas. Okay lang namang magpakalasing dahil nasa bahay naman ako ni Cath, and besides, ayoko nang mangyari iyong kagabi na nabitin iyong inom ko. Mas gusto kong makatulog sa kalasingan. Gusto ko ring... mabura na rin ang nararamdaman ko para kay Jero. ❁ NAGKAYAYAAN nang umuwi. Si Sam ang maghahatid kay Kelly at Rocky. Mga lasing na rin kasi. Gusto rin niya akong isabay pero hindi naman ako gaanong nalasing. Kaya ko pang mag-drive. Anyway, kanina ay nakakita ako ng note sa table sa may living room na nasa parking lot na raw iyong kotse ko, and 'yung susi ay kasama ng note. Kaya dala dala ko ang kotse ko ngayon. "Sure ka ba, Maleha?" Nag-aalalang tanong ni Cath. "Parang hindi mo naman ako kilala, Cath. Kaya ko pa, okay?" Sabi ko. "Man, send her home." Sabi ni Lucio kay Arion. I looked at him. Nakapamulsa siya. Nakatayo sila ng mga pinsan niyang lalaki. Binuhat kasi nila isa isa iyong mga pinsan nilang babae sa sasakyan nila. "She said she can drive." He said without looking at me. "Just send her home." Ulit ni Lucio. "Ask Ludwig." Bagkus ay sabi niya. Bakit ganoon, bakit parang may kumirot sa bandang dibdib ko? Paninindigan talaga niya iyong wala nang pansinan after ng nangyari kagabi. We should stick to his rules, okay. Let's do that. "Ludwig, okay lang sa 'yo?" Tanong ni Cath. "Kaya ko na. Kaya ko talaga. Saka kailangan pa nilang iuwi iyong mga pinsan nilang babae. I can drive. Don't worry, Cath. Tatawagan nalang kita mamaya pagdating ko sa unit." Singit ko. "Sure ka talaga ha?" "Oo nga." Sagot ko saka tumingin kay Lucio sa tabi niya. "Lucio, thank you. Uuna na ako." Tumango lamang siya. Nakipagbeso ako kay Cath. "Aalis na ako." "Ingat ka ha? Please lang." Paalala ni Cath. I nodded at her. Hindi na ako tumingin sa gawi nina Arion. Bakit ko nga ba siya aabalahin? Wala siyang responsibilidad sa akin. We had a one night stand at hanggang doon lamang iyon. He just do that to at least help me forget Jero. I walked towards my car and get inside. I started the car engine and drove. Mabagal lang ang takbo ng kotse ko dahil nakaramdam na naman ako ng kakaibang lungkot. Ramdam na ramdam kong nag-iisa nalang ako. Aalis si Cath, aalis rin si Kelly... all of them... I took a deep breath and focus on driving. Sa halip na tahakin ang daan pauwi sa condo ko ay lumihis ako ng daan. Gusto kong panoorin ang buwan mag isa. Dumiretso ako sa seaside. I parked my car. I opened the windows saka in-adjust pahiga ang driver's seat. Masarap sa pakiramdam ang maramdaman ang simoy ng gabi. Naramdaman ko na lamang na tumutulo na ang luha ko. Bakit ba hindi maubos ang punyetang luha na 'to? Bakit ba ako nadasaktan ng ganito? Sobra sobra na e. Nagmahal ako ng totoo, nagmahal ako na ibinigay ko ang lahat, nagmahal lang ako pero bakit ganito ang iginanti sa akin? Ano bang nagawa kong kasalanan para maranasan ang ganito? Araw araw nalang, sinisira ko ang sarili ko. I am now living in pain because of him. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin para mawala 'to Should I kill myself so I can't feel any pain? I can't work, I can't eat normal, I can't sleep withour liquour, I can't... smile again. Mahigpit ang kapit ko sa damit ko, sa bandang dibdib ko dahil ramdam na ramdam ko iyong sakit. I want to cry forever so it can ease the pain. Humagulhol ako. Umubob ako sa manibela. Gusto ko lang iiyak ang lahat ng sakit. Umaasa ako na sana pagkatapos nito, wala na akong maramdaman pa, na sana mabura nalang iyong pagmamahal ko sa kaniya, na sana tanggapin na ng puso ko na hanggang doon nalang. Nag-angat ako ng tingin sa paligid. May mga ilaw sa paligid na nagsisilbing liwanag. I wiped my tears but it's flowing like a river. Hindi ko iyon magawang patigilan. Ano nang gagawin ko? Paano na ako? Paano na... My phone suddenly rang. Ayoko sana iyong pansinin but it kept on ringing. Dinukot ko iyon sa pouch ko. It's an unregustered number. I answered it─still crying in pain. "WHERE THE f**k ARE YOU, MALEHA?" And with that voice, pakiramdam ko ay hindi na ako nag-iisa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD