Halos hindi ako makahinga sa higpit ng pagyakap ng asawa ko. Talagang diniin niya pa ang mukha ko sa dibdib niya. Takot na takot na may makita ako'ng hindi kaaya-aya sa paningin! Hmmmp... na curious tuloy ako. Sinubukan kong makawala mula sa yakap niya. Para sumilip man lang sana kung ano nga ba ang nakita niya. Pero lalo lamang niya na diniin ang mukha ko sa dibdib niya. "Di... bakit ba?" tanong ko pa. Iling lamang ang tugon niya. Tanda na ayaw nga niya akong sumilip man lang. Nagpakawala siya ng marahas na buntong-hininga. Pero wala pa talaga siyang plano na bitiwan ako. "Walang hiya ka, P're! Alalang-ala ako sa'yo! Kahit masakit ang katawan, kahit nanginginig ako. Nagpumilit pa rin ako na alamin kung ano na ang kalagayan mo! Akala ko, kung na pa'no ka na! Nagpapasarap ka lang

