Hindi na ako makagalaw. Hindi ko na rin maawat ang mapahagulgol habang nakatingin sa kanila. Natiim ko ang nga mata ko kalaunan at napayuko na lang. "Vianna May—" Mama ni Romeo ang nagsalita. Hindi ko na siya magawang tingnan. Hindi ko magawang batiin. Yuko-ulo pa rin akong humahulgol lang. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanila. Lalo't rinig ko rin ang paghikbi nila. Bakit ba sila nandito? Gayo'ng alam nila na sariwa pa sa akin ang lahat. Sana hinayaan na muna nilang maghilum kahit man lang ang mga sugat sa aming katawan. Doble-dobleng sakit kasi ang nararamdaman ko. Dahil alam kong nasasaktan din sila, lalo't nakita nila ang mga pasa at sugat sa katawan ko na gawa ng demonyo nilang anak. Akmang tatalikod na ako para lumabas, pero pinigil ako ng asawa ko, kasabay ang pagha

