Abala ako sa pag-aayos ng mga gamit ko nang may kumatok sa pinto ng hotel room ko. Iniwan ko muna sandali ang ginagawa ko saka naglakad patungo sa pinto para tingnan kung sino ang kumakatok. "Hello, Chris. Ayos lang ba ang hotel room mo?" nakangiting tanong sa akin ni Hydie. Ngumiti ako pabalik sa kaniya saka niluwagan ang pagkakabukas ng pinto ng hotel room ko. "Oo, okay naman, komportable naman ako. Maayos naman akong nakatulog kagabi," sabi ko. "I see, may gawa nga pala akong cupcakes." Ipinakita niya sa akin ang hawak na kahon na sa palagay ko ay may laman na cupcakes. "Pasok ka." Nauna na akong maglakad patungo sa maliit na kusina ng hotel room ko. Presidential suit 'to kaya naman may kalakihan 'to kumpara sa ibang mga hotel room na nandito sa building. May mini kitchen, mini sal

