"Bakit magkahiwalay kayo ng hotel room ni Hydie?" tanong ni Cleo habang nakahiga sa kama. "Sayang naman—" Pinukol ko siya nang masamang tingin dahil pakiramdam ko ay nagsu-super saiyan na si Ate Kristine pero tahimik lang 'to. "Tumahimik ka na!" singhal ko rito. "Cleo, tumigil ka na, bumaba ka na at mag-ckeck in. Nakakahiya kina Chris, nakakaabala na tayo." "No, hindi, okay lang naman na magpahinga muna kayo rito," baling ko kay Lindzey. Napag-alaman ko na ito pala ang kinababaliwan ni Cleo ngayon. "Mamaya na lang kayo mag-check in." "Thank you, Chris. Pero magche-check in na kami para makapagpahinga na kami nang maayos." Napangiti na lang ako. Hindi ko kasi masabi kung masaya ba o hindi si Lindzey, ang lamig kasi ng ekspresyon nito kapag nakikipag-usap. "Sige, kayo ang bahala," sa

