AK28 - Welcome Party 2(Chris POV)

2201 Words

Naging tahimik kaming apat sa lamesa na inupuan namin. Wala silang kibong lahat. Hindi ko alam kung nagulat ba sila sa nakitang si Hydie ang kasama ni Mr. Dela Vega pero nito lang naman nila nakilala ang babae kaya imposible ang nasa isip ko. Maraming mayayaman na negosyante ang nasa paligid namin. Nahagip din ng mga mata ko ang ilang nakaharap ko no'ng sa meeting sa Ilocos. Mukhang imbitado rin sila. Napapikit ako at mahinang napabuntonghininga. "Chris, paanong nangyari na magkakilala sina Hydie at Mr. Dela Vega?" nagtataka pa ring tanong sa akin ni Cleo. Mukhang hindi pa rin siya makapaniwala sa nakita. Kahit naman ako at sigurado akong hindi lang naman kami ang nabigla. Kilalang negosyante si Mr. Dela Vega, inaasahan ng marami na ang makakasama niyang babae ngayong gabi ay anak ng ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD