AK29 - Who really is Hydie(Kristine POV)

1813 Words

Nakahiga habang pilit na nilalabanan ang mga hikbi na gustong kumawala sa aking mga labi. Yakap ko ang aking sarili habang inaalala ang mga nangyari kanina. Pakiramdam ko ay kinukurot ang puso ko kapag bumabalik sa alala-ala ko ang mga nakita at narinig ko. Dumating na ba? 'Yong kinakatakutan ko na baka isang araw ay may magustuhan ng ibang babae 'yong nag-iisang lalaki na laman ng puso ko. Ayaw kong pag-awayan namin ang bagay na 'to, ayaw kong lumayo ang loob niya sa akin kaya naman hangga't nakakaya ko, pinipigilan ko ang sarili ko na mapagsalitaan siya nang hindi maganda dahil sino ba naman ako? Ate niya lang ako. Kapatid niya lang ako. Kadugo niya ako sa paningin niya kaya bawal ang nararamdaman kong pagmamahal sa kaniya. Nang umalis kanina si Chris pagkatapos niya akong ihatid, hind

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD