Nagising si Hiyasmen sa isang puting silid at doon niya napagtanto na nasa hospital siya. "Anak kumusta? Ayos kana ba? Anong gusto mo? Nagugutom kaba? Tell me anak," sunod sunod na tanong ng ina ni Hiyasmen sa kanya. "Si Adrian po Mommy? Nariyan ba siya? Sabihin mo kailangan ko siya now," tanging naging tugon ni Hiyasmen sa kanyang ina. "Nak," tumingin ang kanyang ama na nasa kabilang side niya na halata rin nag aalala sa kanya. "Please Hiyasmen, para sa amin ingatan mo naman ang sarili mo. Mabuti na lang at malakas ka at si baby mo, kung may masamang nangyari sa iyo patawarin ako ng Diyos baka ikamatay ko iyon anak," tanging saad ng kanyang ama. Hinawakan ni Hiyasmen ang kanyang maliit na umbok na tiyan at doon niya naalala na buntis nga pala siya na muntik na niyang makalimutan

