"Hiyasmen!!!" sigaw ni Ejay nang makita ng dalawang mata niya paano nawalan ng malay ito habang nakaluhod sa harap ng kanyang magulang. Agad tumakbo si Ejay at binuhat si Hiyasmen at dali dali namang tumawag ng sasakyan ang magulang niya. Mabuti na lang at mabilis ang kilos ng driver ni Hiyasmen, kaya agad siyang nadala sa pinaka malapit na hospital. Upo.. Tayo.. Lakad.. Ang tanging nagagawa ng mga magulang ni Hiyasmen maging si Ejay. "Sino po ang kamag anak ng pasyente?" tanong ng doctor pagkalabas nito sa emergency room. "Kami po," sabay sabay na tugon ng tatlo. "I'm very sorry, dahil kailangan na natin dalhin ang pasyente sa Manila. Nasa critical kondisyon pa rin ang mag ina," saad muli ng doctor. Hindi naman nagdalawang isip ang magulang ni Adrian at Ejay at sumang ayon aga

