Chapter 3

1647 Words
Lumipas muli ang isang oras kaya nagpalit na lang ng damit si Hiyasmen ng pantulog. Inis na inis sa kanyang sarili higit sa lahat kay Adrian sa patuloy na pag deadma nito sa kanya. Tinangal na rin niya ang kanyang make up dahil gusto na niyang matulog. Hihiga na sana siya sa kanyang kama ng may kumatok sa kanyang kwarto. Alam niyang ama niya ito. Siguro, ipapaalam na hindi nito na kumbinsi si Adrian na e-date siya. Kaya padabog niyang tinungo ang pinto. "Hi, ahmm.. Narito ako upang yayain ka sana na lumabas kung pwede?" tanong nito sa kanya. Ito ang bungad na tanong ni Adrian ng pagbuksan niya ito ng kanyang pinto. Napa nganga na lang si Hiyasmen sa kanyang nakita. Napaka gwapo ni Adrian sa suot nitong long sleeves na pulong kulay white na pinarisan ng slacks na black pants with leadershoes. Ngayon lang niya itong nakitang naka semi formal na suot kaya hindi niya napigilang lalong humanga dito. Ahh...Ano? Ba-bakit ka narito?" Halos mabuhol-buhol ang pagtatanong ni Hiyasmen kay Adrian. Hindi kasi niya alam kung anong pakiramdam niya ng pagkakataong iyon. Tila nasusunog siya sa init ng kanyang katawan sanhi ng presensya ng binata. "Sabi ko, pwede kabang yayain kumain sa labas?" At ngumiti si Adrian kay Hiyasmen. Doon naman napansin ni Hiyasmen na bagong gupit din pala ito, at lalong bagong shave kaya kitang kita ang napakalinis na mukha nitong napaka gwapo. "Ahh... Oo naman, wait. Ahmm.. Wait mo na lang ako sa baba at mag bibihis ako," tugon ni Hiyasmen. Na hindi pa rin ma alis-alis ang ngiti sa labi at ang intense na kanyang nadarama. Nang maka alis si Adrian, dali daling tinungo ni Hiyasmen ang kanyang walking closet at sinuot ang kanyang damit na sinuot kanina. Tatlong beses niyang tiningnan ang kanyang replika sa salamin bago lumabas ng kwarto. Paminsan minsang sinusulyapan ni Hiyasmen ang kanyang kaharap na lalaki, hindi kasi siya makapaniwala na dinala siya nito sa isang mamahaling restaurant. At hindi rin basta basta ang set up ng kanilang mesa. Napaka engrande. Isang mamahaling bouquet ng bulaklak din ang binigay ni Adrian sa kanya. "Salamat dito ha," saad ni Hiyasmen. Kahit sumasagi sa isip niyang magulang niya ang may pakana nito. Iniisip nga niyang kahit ipunin ni Adrian ang tatlong buwan na sahod niya ay hindi sasapat ito para sa gabing iyon. "It's ok po, basta para sa iyo. Saka treats ko ito sa iyo, kasi natapos na high school day mo. Mag aral ka ng mabuti ha. " Ngumiti si Adrian kay Hiyasmen. Kaya hindi maiwasang mamula ng pisngi nito. "Sandali may kukunin lang ako," paalam ni Adrian. Tumungo ito sa parking lot. Pagbalik ni Adrian, nagtaka siya bakit may dala dala itong suit. Nabigla si Hiyasmen ng isuot nito sa kanya. Tinakpan lang naman ng suit ang kanyang likuran. "Next time h'wag mo na itong susuotin ito ha. Ang init ng mga mata ng mga lalaking nakapaligid sa atin kakatingin sa likod mo," wika ni Adrian habang nilalagay ang suit sa likod niya. Bahagyang kinilig si Hiyasmen ng pagkakataong iyon. Dahil pakiramdam niya napaka sweet at conservative ni Adrian sa kanya, kaya hinayaan niya lang ito. Napaka saya ni Hiyasmen ng gabing iyon, dahil sa tagal ng panahon nakasama niya ang kanyang labis na hinahangaan. Kaya wala siyang atungal ng hilingin ng kanyang magulang ang magbakasyon ng dalawang buwan sa kanyang lola bago siya tumungtong ng senior high school, dahil natupad nito ang kanyang hiniling. Magpapa alam sana muna siya kay Adrian bago umalis ang kaso nga lang nasa trabaho na ito kaya hindi siya nakapag paalam dito. Lumipas ang dalawang buwan sabik na sabik si Hiyasmen na umuwi sa kanila. Ang dami niyang pasalubong na binili para kay Adrian, wala kasi siyang ibang ginawa sa America kundi ang mamasyal at mag shopping sa loob ng dalawang buwan. "Tao po... Adrian.. "Naka ilang katok na siya sa pinto bago may nagbukas dito. "Hi, Ahmm.. Kayo po ba si Ma'am Hiyasmen?" tanong ng babaeng nagbukas ng pinto. Hindi iyon kilala ni Hiyasmen, kaya napa taas ang kanyang kilay. Maputi, maganda, balingkinitan ang katawan nito. Sa tingin niya ay ka edad ito ni Adrian, saglit niya ring sinulyapan ang tindig nito. Kaya alam niyang anak mayaman rin itong tulad niya. "Ahmmm.. Sino ka? Oo, ako si Hiyasmen. Si Adrian nariyan ba siya?" Sumilipsilip pa si Hiyasmen sa loob ng bahay habang nag tatanong. "Ako si Kristina, Kristina Silay." Ngumiti ito sa kanya at nakipag kamay. "Ma'am Yasmen, naka uwi na po pala kayo? Oh, by the way nagka kilala na po yata kayo nitong girl friend ko, si Kristina po bagong tour guide natin. " Muling pakilala ni Adrian kay Kristina at umakbay pa ito sa babae. Parang binuhusan ng malamig na malamig na tubig si Hiyasmen ng pagkakataong iyon. Ang akala niyang labis na kaligayahan ang mararamdaman niya sa muling pagkikita nila ay hindi pala kundi sakit at sama ng kalooban. "Hi," Maikling bati niya dito. Tila wala kasing salita siyang gustong bitawan dito. Hindi niya alam kung anong sasabihin kaharap ang kanyang lalaking laging pinag sasabihan ng nararamdaman kasama ang pinakilalang girl friend nito. Sa loob ng dalawang buwan ng kanyang bakasyon ganoon lang kadali nagkaroon ng girlfriend ito, iyon ang hindi niya matanggap. "Sige, alis na ako. Ahmmm.. Ano, siya ngapala may pasalubong ako sa iyo Adrian, ito." At agad nilapag ni Hiyasmen ang lahat ng paper bag niyang hawak saka umalis. Mabilis na tinungo ni Hiyasmen ang kanyang kwarto ng makarating siya sa mansyon. Doon niya binuhos ang kanyang mga luha, dahil labis siyang nasasaktan. Labis labis siyang nasasaktan dahil ang lalaking matagal niyang hinahangaan ay may mahal ng iba. "Anak, kumain kana please! Kaninang umaga kapang walang kain. Ikaw rin baka mangayayat ka, pumangit ka," saad ng ina ni Hiyasmen. Nang pumasok ito sa silid niya. "Wala po akong ganang kumain," tugon ni Hiyasmen. "Anak, please. " Muling pakiusap ng ina. "Bakit hindi ninyo sinabi sa akin?" tanong nito. Alam niyang alam ng ina niya ang punto niya. "Anak, napaka bata mo pa para pag aksayahan ng oras at efforts si Adrian, kaya tumayo kana diyan at kumain. Tigilan muna ang pag e-mote mo. Hindi namin sinabi sa iyo, bakit? Kasi alam naming uuwi ka agad. Noong umalis ka kasi kinabukasan pinakilala ni Adrian si Kristina, ayon nairito niyang tanggapin bilang isang tour guide, at saka ang alam ko kaibigan niya lamang iyon, tinutulungan. Ang pagkakaalam ko pa nga buntis ng tatlong buwan pero hindi si Adrian ang ama, kaya nagtataka akong girl friend ang pakilala ni Adrian kay Kristina sa iyo." Paliwanag nito. "Ano!! Buntis ng tatlong buwan!? Wow! Ano ganoon na lang ang gayumang pinainom noong babaeng iyon kay Adrian kaya kahit buntis na ginawa pa niyang girl friend." Hindi makapaniwala si Hiyasmen ng mga oras na iyon. Kaya napag disisyonan ni Hiyasmen na puntahan ulit si Adrian at ipamukha dito na siya lang dapat ang maging girlfriend nito hindi ang babaeng iyon. Maingat niyang tinungo ang kinaroroonan ni Adrian at si Kristina sa may labas ng bahay ni Adrian, gusto niya kasing marinig ang pinag uusapan ng dalawa. "Iyon pala 'yong Hiyasmen, magandang bata ha. Saka hindi halata sa hitsura niya ang pagiging katorse, kaya nag tataka ako sa iyo hindi ka ma in-love sa batang iyon," saad ni Kristina. Lalong lumapit si Hiyasmen sa kinaroroonan ng dalawa, dahil gusto niyang marinig ang sasabihin ni Adrian. Mabuti na lang may puno kaya nakapag kubli siya. "Malabong mangyari, ang immature ng batang iyon. Spoild brat, careless. Walang pigil sa gustong sabihin. Naku! Sana nga pag tumungtong siya sa tamang edad eh magbago siya. Palibhasa nag iisang anak kaya lahat ng gusto nasusunod, ewan ko ba. Sa lahat kasi ng ayaw ko sa babae ginagawa niya, ayaw ko sa lahat iyong ng co-confess sa akin na gusto ako. Oo, maganda siya. Sexy pero hindi sapat para magustuhan ko. Ang gusto ko kasi iyong katulad mo," tugon ni Adrian. Napangiti pa ito kay Kristina. Hindi alam ni Hiyasmen kung anong gagawin niya ng pagkakataong iyon. Habang pinapakinggan niya ang sinasabi ni Adrian ay ganoon din karami ang mga luhang tumutulo sa mata niya. Kaya napag disisyonan niyang umalis sa lugar na iyon at umuwi ng mansyon. "Immature ha. Careless, spoild brat, bata, hindi sapat!" Halos ubusin ni Hiyasmen ang lahat ng babasaging bagay sa loob ng kanyang kwarto kakahagis. "Hindi sapat! Ok, ganyan pala ang tingin mo sa skin. Ngayon, sisiguraduhin ko sa iyo na sa muli nating pagkikita hindi na ako ang Hiyasmen na kilala mo. Kundi ang Hiyasmen na sapat na sapat sa paningin mo, ewan ko lang kung hindi ka magsisi." Agad niligpit ni Hiyasmen ang kanyang mga gamit at nag empake. Nagpaalam siya sa kanyang magulang na doon siya mag aaral ng senior high school at koleheyo sa America, mag aaral din siya doon ng modeling. Noong una tumutol at nabigla ang kanyang magulang pero wala rin itong nagawa sa kanyang disisyon kaya pinagbigyan na lamang siya. Sa loob ng ilang taon na pananatili niya sa America ay lihim niya paring pinasusubaybayan si Adrian. Kaya alam na alam niya ang nangyayari dito. Alam niyang tuluyang nagkaroon ng relasyon si Adrian at Kristina na mauuwi na sana sa kasalan ngunit hindi natuloy dahil kasal na pala ito sa ama ng anak niyang itinuring na anak ni Adrian. Labis ang kasiyahan ni Hiyasmen dahil nalaman din niyang naghiwalay na si Adrian at Kristina, na ang totoong pangalan pala nito ay Krisha. Tama siya dahil anak mayaman din ito. Matapos ang anim na taon na pananatili niya sa America sa wakas uuwi na siya ng Pilipinas. Top model, sexy, famous at higit sa lahat napaka ganda. Ganyan na maiilarawan ang isang Hiyasmen Mendez sa kanyang pagbabalik. At ito rin ang gusto niyang ipamukha sa lalaking minahal niya ng una na ngayon ay sawi dahil sa pagpili nito sa babae at hindi siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD