Chapter 4

1523 Words
"Welcome home anak, finally naka uwi rin ang aking nag iisang princess," saad ng ama ni Hiyasmen ng sumalubong sa kanya. At yumakap ito nang mahigpit. Nasa New York ang kanyang ina at abala ito sa kanilang ibang negosyo kaya tanging ama niya lang ang kanyang makakasama sa Pilipinas. "Yes Dad, pero sa ngayon gusto ko muna magpahinga pwede? Alam n'yo naman na may schedule pa ako for photoshoots mamaya. Manang paki dala sa kwarto ko ang lahat ng bagahe ko, akyat po muna ako sa kwarto ko Dad," saad ni Hiyasmen at humalik muna ito sa pisngi ng ama bago ito umakyat sa kanyang kwarto. Matapos makatulog at makapahinga ng ilang oras ni Hiyasmen ay nagshower muna ito bago bumababa upang mag meryenda. "Anak gising kana pala? So, anong meryenda gusto mo?" tanong ng kanyang ama. Hindi nakatugon si Hiyasmen sa kanyang ama sapagkat dumating ang isang katulong. "Sir narito na po si Adrian ang inyong pinapatawag," saad ng katulong. Hindi halos makagalaw si Hiyasmen sa kanyang pagkakatayo dahil sa biglang pag iiba na kanyang nadarama na parang naging manhid at punong puno ng kaba ang kanyang puso nang marinig niya ang pangalan na anim na taon niyang tiniis na hindi makita at anin na taong niyang gabi-gabing iniiyakan. Ang lalaking naging dahilan ng kanyang paglayo, ang unang lalaking kanyang minahal ng sobra mula noong nagdadalaga siya hanggang ngayon nasa hustong gulang na siya. "Good afternoon sir, pinapatawag n'yo raw po ako?" tanong ni Adrian. "Yes iho, ngayon kasing narito na muli si Hiyasmen sa Pilipinas gusto ko kasing ikaw muna ang maging personal driver niya hangga't naririto siya maaari ba?" tugon ng ama ni Hiyasmen. Doon naman napalingon si Hiyasmen kay Adrian. "Hi, long time no see how are you?" tanging naging tanong ni Hiyasmen ng makita muli ang binata. Ibang iba na kasi ito, compare noong una niya itong makita at minahal mga panahong bente kwarto pa lang ito at siya ay katorse taong gulang pa lang. Mas naging matured, mas naging hot at gwapo si Adrian sa kanyang paningin ng muli niya itong makita. Pero, nababanaag niya sa mukha nito ang kalungkutan at parang may dinaramdam. "Hello po ma'am, ok lang po. Welcome back po," napatungo naman si Adrian ng makita si Hiyasmen. "Ano Adrian pumapayag kaba na maging personal driver ni Hiyasmen? Total, wala naman akong ganoong pinupuntahan at lagi lang ako dito sa mansyon eh mabuti pang ikaw na lang ang magmaneho lagi para sa kanya, Ok ba?" tanong ng ama ni Hiyasmen. "Oo naman po sir," tugon ni Adrian. "Thank you Adrian, so ipapatawag na lang kita mamaya kung aalis na tayo. By the way baka gusto mong mag meryenda?" saad naman ni Hiyasmen dito at ngumiti sa binata. "Ok po ma'am Yasmen, pero thank you po sa alok tapos na po akong kumain." Hindi naman tumugon ng ngiti si Adrian bagkos tumango lang ito. Agad din itong umalis ng wala ng gustong sabihin sa paggitan nilang lahat. Kaya nagpahanda na lang ng meryenda si Hiyasmen at kumain mag isa. Inayusan ni Hiyasmen ang kanyang sarili at sinigurado niyang magandang maganda siya ng gabing iyon. Isa rin kasi sa pag ma-make up ang pinag aralan ng husto ni Hiyasmen upang kahit wala siyang make up artist na kasama palagi ay kayang kaya niyang e-level up ang pag aayos ng kanyang sarili. "Ma'am ang ganda ganda n'yo po lalo ngayon, para kayong diyosang bumababa sa lupa," saad ng kanyang personal assistant na laging kasama si Mylen mula pa sa America. "Talaga Mylen? Ikaw ha hindi kana nasanay lagi tayong magkasama pa ulit ulit mo na iyang sinasabi sa akin." Napangiti si Hiyasmen sa kanyang personal assistant. "Yes, ma'am hindi nakakasawang sabihin dahil hindi nakakasawa ang inyong ganda. Diba Adrian?" tanong ni Mylen kay Adrian na busy ito sa kanyang cellphone na hindi man lang pinapansin si Hiyasmen. Napangiti na lang ito ng tinanong ni Mylen saka napatitig sa suot ni Hiyasmen pero napakunot ang kanyang noo. Nanatiling ganoon ang noo ni Adrian ng pagbuksan ito ng pinto ng sasakyan kaya nakaramdam ng pagkainis si Hiyasmen. Naka Satin Spaghetti Strap Ruched Dress kasi si Hiyasmen na kulay dirty white na bagay na bagay sa kanyang maputi at perfect long legs na pinarisan ng kulay gold high-heels. Pero, mukhang unang pagsasama at pag aayos niya para dito ay ligwak agad ito sa paningin ni Adrian. Dahil sa inis ni Hiyasmen ay lalo niyang ipinakita ang kanyang legs sa binata. "Maglaway ka. Bwisit nito, ikaw lang ang bukod tanging lalaki na napakunot ang noo ng makita ang ganitong suot ko. Samantalang ang iba halos hindi magkamayaw sa kakangiti at efforts para mapansin ko lang sila," bulong ni Hiyasmen sa kanyang isip habang lalo niyang hinawi ang slit ng kanyang dress na malapit na sa kanyang singit. Pero umiwas lang ng tingin si Adrian at itinoon ang sarili sa pagmamaneho hanggang sa makarating ito sa kanilang pupuntahan. "Ma'am mananatili na lang po ba ako dito sa parking lot upang hintayin kayo? O, tatawagan na lang po ninyo ako para sa sunduin kayo?" seryusong tanong ni Adrian habang pinag buksan ng pinto si Hiyasmen. "No, sasama ka sa akin sa loob ng photoshoots at hihintayin akong matapos understand?" Ngumiti si Hiyasmen. "Ok, Mylen ako na magdadala ng dala ninyo." Inagaw ni Adrian ang mga gown, at kung ano pa na susuotin ni Hiyasmen sa kanyang photoshoots. "Walang pagbabago? Ilag na ilag ka pa rin sa akin Adrian, hindi paba sapat itong make over ko sa paningin mo para mapansin mo rin ako," bulong ni Hiyasmen sa kanyang isipan habang nakatitig kay Adrian na abala sa pagbibit ng kanyang mga kagamitan. "Hiyasmen Mendez, finally nice to see you again. At dito pa sa Pilipinas ha, so how are you? Kumusta ang nag iisang diyosa ng Baguio?" Humalik ito sa pisngi ni Hiyasmen at humawak pa sa bewang ni Hiyasmen. "I'm fine. I'm always fine, nice to see you again Mr. Peterson Galvez, ang dakilang playboy na photographer," tugon ni Hiyasmen dito at napangiti. "Ikaw talaga nakakapagtampo kana. Hindi mo na nga ako sinipot sa pinangako mong dinner date noong huli nating pagkikita, hanggang ngayon playboy pa rin ang tingin mo sa akin." Kumindat si Peterson kay Hiyasmen. "Correction, hindi ako pumayag makipag date sa iyo ikaw lang itong nag assume na pumayag ako. At saka totoo naman na playboy ka so bakit ayaw mong aminin? Eh, halos yata ng female model na pinipicturan mo dini-date mo," saad ni Hiyasmen. "Hindi naman, eh ikaw nga hindi pa kita nakaka date eh. So, kailan ba?" Ngumisi ang binata. "Asa ka. So, anong susuotin ko para matapos na itong photoshoots na ito," seryusong saad ni Hiyasmen. Tall, handsome, rich, mistiso ang isang Peterson Galvez kung maituturing at lahat yata ng modelong babae na hinahawakan nito ay dumadaan sa kanyang palad. Sino ba naman kasi ang hindi maiinlove dito, pero si Hiyasmen ni katiting na pagtingin dito ay wala siyang natipuhan dahil mula noon kasi ang isang Adrian Monte, lang ang kanyang ginusto. Ang simpleng si Adrian Monte na hindi ganoon katangkaran, moreno, may kulay itim na mata pero may magandang pangangatawan. Pinoy na pinoy ang datingan ika nga sabi nila pero kahit anong pag papa cute ni Hiyasmen dito hindi pa rin siya natitipuhan. Hindi pa man natatapos ang photoshoots ay hinanap na ni Hiyasmen si Adrian dahil nawala ito sa kanyang paningin hanggang sa makita niya ito sa isang sulok nag iisa may bitbit na yosi. "Yosi? Nag yoyosi kana?" tanong ni Hiyasmen nang lapitan niya ito. Nagulat si Adrian kaya agad niyang pinatay ang yosi at itinapon sa basurahan. "Sorry po, aalis na po ba tayo?" tanong nito. "Hindi pa naman. May isa pa akong shoots, so kailan kapa natutong mag yosi?" tanong ni Hiyasmen dito. "Nito lang, pang papaalis stress at inip. Pero, don't worry ma'am hindi po ako nag yoyosi kapag nag mamaneho," tugon ni Adrian. "It's ok, kaya ka pala nawala doon malapit sa amin dahil naiinip ka at napunta dito sa isang sulok?" Ngumiti si Hiyasmen. "Ganoon na nga. Siguro po hindi lang ako sanay sa ganitong sitwasyon, lalo na dahil tanging business meeting, conference at pinupuntahan namin ng inyong ama," tugon ni Adrian. "Hindi ka sanay? Saan? Ang makakita ng mga naggagandahan at sexy na babae? Hindi nga?" Napatawa si Hiyasmen. "Parang ganoon na nga ma'am, ewan ko ba. No offense ma'am pero, ayaw ko talagang makakakita na halos luwa na ang katawan sa kanilang suot lalo sa mga kababaihan. Hindi po ako bakla baka iniisip ninyo na kaya ganito ako mag isip siguro ayaw ko lang talaga sa ganoong babae. Sige ma'am, doon ko na lang po kayo hintayin sa kotse," saad ni Adrian. Kumirot ng bahagya ang puso ni Hiyasmen sa kanyang puso ng marinig iyon kay Adrian, kaya pala ganoon na lang ang kanyang reaksyon kanina ng makita siya. Naaala niya tuloy noong panahon na sumasama siya dito pag may turista hindi siya nito sinasama kapag hindi maayos at formal ang kanyang suot na damit. Iba talaga si Adrian, iba sa lahat ng kanyang lalaking nakilala kaya ganoon na lang ang paghanga at pagmamahal niya dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD