"Ma'am nasa labas na po si Adrian," saad ng katulong nila Hiyasmen.
"Papasukin mo," tugon ni Hiyasmen habang abala sa pag pu-push up sa kanilang sariling fitness gym sa mansyon.
Agad naman sumunod ang katulong at pinapasok si Adrian sa loob. Kumpleto sa kagamitan ang silid na iyon kaya hindi na niya kailangan pumunta ng fitness gym sa labas para mag papawis.
"Ma'am, pinapatawag n'yo raw po ako?" tanong ni Adrian.
"Oo, pwede mo ba akong samahan dito? Sabay tayong magpapawis." Ngumisi si Hiyasmen ng makahulugan ng tumayo siya at humarap sa binata.
"Hindi na po tapos na po akong mag jogging," tugon ni Adrian na umiwas ito ng tingin sa kanya.
"Ok, ahmm.. Ok ganito na lang. Pwede kabang maging personal fitness instructor ko, kahit for now lang?" Ngumiti si Hiyasmen at lalong lumapit kay Adrian.
"Ma'am, personal driver po ang trabaho ko dito hindi fitness instructor. Kaya kung wala po kayong ipag uutos na konektado sa trabaho ko, pwede na po ba akong umalis?" tugon ni Adrian.
Nag iba ang timpla ng mukha ni Hiyasmen sa pagkakataong iyon, dahil sa naging tugon ni Adrian sa kanya.
"Iniiwasan mo ba ako?" seryusong tanong ni Hiyasmen dito.
"Hindi, bakit naman kita iiwasan? O, Dapat ba kitang iwasan?" seryusong pabalik na tanong ni Adrian.
Nakuha ni Hiyasmen ang punto ni Adrian sa kanya kaya napangiti na lang siya sa binata.
"You know Adrian, wala pa rin pagbabago sa ugali at paano mo ako itrato matapos ang anim na taon na hindi tayo nagkita. Hanggang ngayon ba bata pa rin ang tingin mo sa akin?" muling tanong ni Hiyasmen.
"Oo, bakit sa tingin mo ba mag ka edad na tayo? 20 years old kana, pero 30 years old na ako. Sa tingin mo ano ba dapat ang tingin ko sa iyo Yasmen?" seryusong tugon ni Adrian.
"Bata pa rin ha?" Ngumisi si Hiyasmen at tumitig ng husto kay Adrian.
Hindi pumalag si Adrian ng halikan ni Hiyasmen ito sa labi ng madiin at punong puno ng mapusok na paghalik.
"Iyan ang halik ng bata, ok ba?" Napangisi si Hiyasmen at bahagyang tinulak si Adrian.
Hindi nakagalaw si Adrian sa kanyang pagkakatayo at hindi rin ito nakapag salita pa.
"Paki ready ang kotse may pupuntahan ako ngayon. Liligo lang ako," saad ni Hiyasmen dito.
Hindi naman tumugon si Adrian at agad lumabas na ito ng silid.
Pagkalabas ng silid ni Adrian ay napahawak si Hiyasmen sa kanyang dibdib at napaupo.
"Sh*t nagawa ko iyon? Para akong nanghina sa nagawa ko at aatakihin sa puso sa unang beses na humalik ako sa labi ng lalaki," bulong ni Hiyasmen habang nanatili sa pagkakahawak sa kanyang dibdib.
Si Adrian ang unang lalaking hinalikan ni Hiyasmen dahil mula pa naman nang nagdalaga siya ay wala pa siyang kahit isang nakarelasyon kaya tanging labi lang ni Adrian ang nakadampi sa kanyang labi.
****
Pasimpling tumitingin si Adrian sa Rear view mirror habang tumatakbo ang sasakyan. Mabuti na lang at naka sunglasses si Hiyasmen kaya malaya niya itong tinitingnan ng hindi siya napapansin.
"Tinablan kaya ito ng halik ko? Sh*t kung halik lang pala ang magpapalambot ng puso mo Adrian sana noon ko pa iyon ginawa," bulong ni Hiyasmen sa kanyang isip.
"Ma'am, saan po ba tayo pupunta? Hindi ko po alam kung saan ang destination natin wala pa po kayong sinasabi," saad nito habang nakatingin sa rear view mirror.
"Ah.. Ahm sa isang coffee shop malapit sa market. Akala ko nasabi ko kanina hindi pa pala pasensya na," tugon ni Hiyasmen.
Muling sumulyat ito sa rear view mirror at pagkatapos ay itinuon na ang sarili sa kalye at pagmamaneho.
"Anak ng patis. Akala ko pa naman kaya ako tinitingnan dahil sa pagkakahalik ko kanina, dahil sa tinablan na siya ng alindog ko iyon pala naghihintay lang ng sasabihin ko kung saan ang tungo ko. Tsskk.... Paasa," bulong muli ni Hiyasmen sa kanyang sarili.
Wala naman nagsalita pa muli sa pagitan nilang dalawa hanggang sa makarating sila sa kanyang pupuntahan.
"Pwede kang sumama sa loob kong gusto mo. Alam mo na baka mainip ka lang dahil mahaba habang kwentuhan ang aming pagsasaluhan magkakaibigan ngayon, ngayon lang kasi ulit kami nag kita kita matapos ang anim na taon," saad ni Hiyasmen.
"Ok lang po ako dito ma'am, dito ko na lang po kayo hihintayin sa kotse," tugon ni Adrian.
"Ok," tugon ni Hiyasmen.
"Hiyasmen! Wow, ikaw nga! Ang ganda ganda mo girl," sigaw ng kanyang kaibigan nang makita siyang pumasok sa coffee shop.
Umikot ikot si Hiyasmen habang ipinapakita na siya na nga at walang iba habang nakangiti.
"So, ano? Hindi ninyo ba ako yayakapin? Na miss ko kayo mga brusa lalo kana bakla," saad ni Hiyasmen sa kanyang tatlong malapit na kaibigan na dating kamag aral.
"Sikat na sikat kana talaga girl, ang layo na nang narating mo. Hindi lang ka lang sikat na modelo dito sa bansa natin maging sa ibang bansa. Alam mo hindi kana namin ma reach," saad ng kanyang kaibigan.
"Alam mo Jacob, feeling ko wala naman nagbago sa akin ako pa rin ito ang kaibigan ninyo. Ikaw nga ang hindi ko na ma reach, look ang success ng iyong business na coffee shop." Tiningnan ni Hiyasmen ang paligid.
"Grabi ka naman sa Jacob? Lalaking lalaki girl, hindi Jacob kundi Jane, iyan na ang name ko may dear friend. At grabi ka rin sa success na business eh, wala pa nga ito sa 1/4 ng kayamaman mo eh," tugon ni Jacob.
"Oo nga girl, so kumusta? Mabuti naman at umuwi kana ng Pilipinas bruha," saad ng isang kaibigan ni Hiyasmen na si Lara.
"Parang alam ko kung bakit iyan umuwi dito. Hindi dahil namimis tayo, kundi alam n'yo na kung sino ang totoong dahilan ng kanyang pagbabalik," saad naman ni Selena na isa niya rin kaibigan.
Napatawa na lang si Hiyasmen sa mga sinabi ng kanyang tatlong kaibigan. Itong tatlong ito lang naman ang nakakaalam kung bakit siya umalis ng bansa kaya malamang alam na ng mga ito bakit siya nagbabalik.
"Actually kasama ko siya ngayon at naroroon siya sa labas, sa kotse naghihintay," tugon ni Hiyasmen.
"Kayo na?" sabay na tanong ng tatlo.
"Hindi," tugon niya.
"So, bakit kayo magkasama?" tanong ni Jacob.
"Siya ngayon ang personal driver ko. Kaya iyan, kung saan man ako pupunta siya ang kasama ko." Napangiti si Hiyasmen.
"Di natupad na ang hiling mong makasama siya parati dahil sa naging personal driver mo siya?" saad ni Lara.
"Yah, pero alam n'yong ganoon pa rin ang tingin niya sa akin bata. Duhh.. " Napakamot si Hiyasmen sa kanyang buhok.
"Haha ano? Baby girl pa rin ba ang tawag sa iyo? Lol ha, kung ako siguro lalaking lalaki at pinaparamdam mo sa akin na gusto mo ako, aba hindi kana mag dadalawang salita papakasalan na kita. Kakainggit kaya ang beauty mo," saad ni Jacob.
"Hindi pa naman niya ako tinatawag na baby girl so far. Pero alam mo baks, kahit yata anong gawin kong pang aakit sa mukong na iyon hindi tinatablan. Kaya ito nga nga pa rin ako," saad ni Hiyasmen.
Nagtawanan naman ang tatlo niyang kaibigan dahil sa kanyang sinabi. Imagine nga naman isang sikat na modelo na tinitingala ng lahat hindi man lang pinapansin ng isang simpleng lalaki at ang kanyang personal na driver pa. Samantalang halos karamihan na lalaki na gustong pumorma sa kanya ay kilalang tao at lahat mayroon sa buhay na tulad niya.
"Ano girls, next time na lang ulit itong kwentuhan natin dahil bukas pupunta ako ng Manila para sa isang commercial photoshoot," paalam ni Hiyasmen.
"Hmmp... Hindi kana talaga namin ma reach girl, so paano pasyalan mo ako dito sa coffee shop ha pag hindi kana busy," saad ni Jacob.
"Oo naman. By the way guys dahil ngayon lang tayo ulit nagkita kita treats ko na itong nakain at nainom natin," saad ni Hiyasmen.
"Talaga? Salamat girl ha. Tawagan mo ako kapag hindi kana busy," saad naman ni Selena.
"Oo naman, wait hindi ko pala nadala ang wallet ko. Ipapakuha ko na lang sa driver ko wait etetext ko." Kinuha ni Hiyasmen ang kanyang cellphone at etenext si Adrian.
"Oh, ayan na ang iyong driver este your sweet lover na driver." Napatawa pa ng pasimple si Lara.
Maging si Selena at Jacob ay ganoon din ang reaksyon pasimpleng tumawa na waring kinikilig.
Inabot ni Adrian ang kanyang wallet na walang salitang lumalabas sa bibig nito.
"Thank you, paki ready na ang sasakyan dahil uuwi na tayo," saad ni Hiyasmen kay Adrian.
Hindi naman tumugon si Adrian at agad din itong lumabas ng coffee shop.
"Infairness ha. Ang laki rin ng pinagbago ng iyong sweet lover, dahil parang ang yummy yummy niya ngayon." Siniko ni Jacob si Hiyasmen.
"Iyong parang pag katabi mo siya sa gabi ay hindi ka mapakali hangga't hindi mo siya mayayakap at lasapin ang kanyang namumutok na braso at abs." Napapapikit pa si Lara habang nagsasalita.
"Hehh! Iwan ko sa inyo, tigilan nga ninyo si Adrian," saad ni Hiyasmen.
"Now i know kung bakit hanggang ngayon laglag pa rin ang panty mo sa kanya. Simpleng lalaki si Adrian, pero parang kaya kaya ka niyang dalhin sa karimlan na nag aapoy sa init inasam asam ng lahat haha." Pang aasar naman ni Selena.
Doon naman nagtawanan silang apat. Isa isang binatukan ni Hiyasmen ang kanyang mga kaibigan dahil sa pang aasar nito sa pagkatao ni Adrian. Totoo naman kasi na mas lalong tumaas at lumabas ang s*x appeal ni Adrian habang tumatagal.