Chapter 6

1139 Words
Magdadapit hapon na nang makarating si Hiyasmen at Adrian sa Maynila. "Adrian saan ka pupunta?" tanong ni Hiyasmen ng makita niyang palabas na ng condo niya si Adrian. "Sa labas po," tugon ni Adrian. "Bakit?" napakunot ang noo ni Hiyasmen. "Gabi na po at need kong makahuha ng hotel sa labas para tutuluyan ko pansamantala hangga't naririto tayo sa Maynila," paliwanag ni Adrian. "Gosh! Bakit kapa kukuha ng room sa hotel kung pwede kanaman sa isang room ng condo ko. Itong isang room para sa akin, at iyong isa para sa iyo. Mas ok na iyong andito ka lang din malapit sa akin para sa oras na kailangan kita andiyan ka agad." Inabot ni Hiyasmen ang susi ng isang kwarto. Wala naman naging pahayag si Adrian bagkos sinunod na lang nito si Hiyasmen. Hindi na rin sila kumain ng hapunan dahil nag drive thru na lang sila sa isang fast food chains. Kinaumagahan maagap nagising si Adrian nakapag luto na agad ito ng almusal nila, kumpleto sa gamit ang condo at may mga canned goods na naroroon meron din iilang frozen foods kaya agad siyang nakapagluto. "Anong niluto mo?" tanong ni Hiyasmen kay Adrian. "Pasenya kana nangialam na ako sa kusina mo ahm.. Ham, eggs, at corn beef. Ahm kumakain kaba nito?" tugon ni Adrian at umiiwas ito ng tingin kay Hiyasmen. Sino ba naman kasi ang hindi iiwas o maiilang sa suot ni Hiyasmen na maluwag na T-shirt na manipis lang at walang pang bra at naka panty shorts lang na suot na pang ibaba ito. "It's ok, feel at home. Yong eggs lang. Alam mo na kailangan kong e maintain ang body ko na ganito ka fit," saad ni Hiyasmen at kumuha rin ito ng cereal at nilagyan ng gatas. "Hindi kaba magpapalit muna ng damit bago ka kumain ng almusal mo?" hindi nakatiis si Adrian kaya agad niya itong natanong kay Hiyamen. "Bakit? Anong masama sa suot ko?" Kumunot ang noo ni Hiyasmen at tiningnan ang kanyang sarili. "Nakikita ko iyong ano mo," tugon ni Adrian ng hindi tumitingin kay Hiyasmen. "Bakat," dagdag ni Adrian at pubulong ito pero alam niyang maririnig ni Hiyasmen. "It's ok. Ikaw lang naman at ako ang tao dito, mamaya na ako mag papalit ng damit kapag paalis na tayo patungo sa trabaho ko." Napangiti si Hiyasmen. Hindi naman tumugon si Adrian at tinuloy tuloy lang ang pagkain nito at hindi na sumulyap pa kay Hiyasmen. Sinandya ni Hiyasmen na huwag magpalit ng damit upang talagang ipakita kay Adrian ang kanyang perfect at sexy na body. Na baka sa pagpapakita niya ng ganoon ay maging agresibo na ito sa kanya at hindi na umiwas pa. Isang beauty products ang ginawan ng commercial ni Hiyasmen kaya mabusisi at hindi agad ito natapos ng ilang oras. "Hi naiinip kana ba?" tanong ni Hiyasmen kay Adrian na tahimik lang na naka upo sa isang tabi. "Hindi naman. Ok lang ako dito," tugon ni Adrian at nanatili itong seryuso. "Don't worry malapit na itong matapos. Makakauwi na tayo," saad ni Hiyasmen at humawak pa ito sa kamay ni Adrian. "Hiyasmen.. Gusto ka sana namin i invite mamaya after this gimik tayo, sagot ko," saad ng isang lalaki na kasama ni Hiyasmen sa commercial photoshoot. "No thanks, strict boyfriend ko eh. No gimik na ako now," tugon ni Hiyasmen. "Boyfriend? Para naman wala pa akong nababalitang may boyfriend kana. Manliligaw marami pero boyfriend parang wala, ayaw mo lang yata sumama sa invitations ko eh, promise mag e-enjoy ka doon." Kumindat pa ang lalaki kay Hiyasmen. "Actually, ito nga pala si Adrian boyfriend ko." Itinuro ni Hiyasmen si Adrian para ipakilalang kasintahan ni Hiyasmen. Nabigla naman si Adrian sa ginawa ni Hiyasmen. Magsasalita pa sana si Adrian pero hinawakan ni Hiyasmen ang kamay nito para ipahiwatig na sakyan ang pagpapakilala sa kanya na kasintahan niya ito. "Oh really? Akala ko driver mo. By the way congratulations bro," Kinamayan ng binata si Adrian habang nakatawa ito na hindi naniniwala. "Yes, he also my personal driver. May masama ba doon kung siya rin mismo ang boyfriend ko?" tanong ni Hiyasmen sa binata na nakataas ang kilay pa ang niya. "Wala naman, hindi lang ako makapaniwala na simpleng lalaki lang pala ang hanap mo. Sige diyan na kayo," paalam ng binata at napa iling iling pa itong tumitingin kay Adrian habang nakangiti. Magsasalita pa sana si Hiyasmen dahil mukhang na offend si Adrian sa pinakita dito ng co-model ni Hiyasmen. Pero tinawag na si Hiyasmen ng staff upang tapusin na ang natitirang oras ng kanyang trabaho. Hanggang sa pag uwi nila ng condo ay nanatiling seryuso si Adrian kaya si Hiyasmen na ang nagsalita. "Adrian.. Pasensya kana kaniha ha, kung naipakilala kita bilang boyfriend. Umiiwas lang talaga ako sa lalaking iyon, naku napaka babaero nun kaya kahit anong invite gimik whatever na pag anyaya nun sa akin hindi talaga ako sasama," saad ni Hiyasmen. Tumingin lang si Adrian sa kanya sa pamamagitan ng rear view mirror. "Hoy, galit kaba? Na offend kaba sa reaskyon ng mukong na iyon kanina?" tanong ni Hiyasmen. "nextime huwag mo na akong gagamitin para hindi ka lapitan o yayain ng mga lalaki sa paligid mo. Isipin mong mabuti ang iisipin nila na boyfriend mo nga ako na isang hamak na driver mo," saad ni Adrian. "So, anong masama kung boyfriend ba talaga kita? So, kapag ako at driver ko hindi pwedeng magkaroon ng relasyon? Dapat ba may criteria sa pag-ibig? Na kapag modelo ka, modelo din kasintahan mo hindi pwedeng driver? Ganoon ba iyon Adrian?" tanong ni Hiyasmen. "Oo, dahil walang lalaking lupa na humahalik sa babaeng langit," tugon ni Adrian. "Iyan ba ang dahilan mo Adrian kung bakit hanggang ngayon iniiwasan mo ako?" pag iiba ng tanong ni Hiyasmen. Hindi naman tumugon si Adrian at muli lang itong tumingin sa rear view mirror na napangiti. "Gosh! Manhid ka pa rin pala hanggang ngayon? Ano sa palagay mo makalipas ang anin na taon nakalimutan na kita? Akala mo hindi na kita gusto? Iyon din ang akala ko Adrian, pero noong nagkaharap tayo ulit, nagkita tayo ulit walang nagbago sa pag tingin ko sa iyo. Kung ano iyong pagmamahal ko sa iyo noong katorse pa lang ako, ganoon pa rin ngayon na nasa hustong taon gulang na ako. Naiintindihan mo ba iyon Adrian?" paliwanag ni Hiyasmen. Napa buntong-hininga lang si Adrian bilang tugon kay Hiyasmen at pinabilisan ang kanyang pagmamaneho. Hindi naman muling nagsalita si Hiyasmen dahil muli na naman siyang nasaktan sa pinakita ni Adrian, at ganoon rin sa muli niyang pag amin ng damdamin dito na katulad pa rin ng dati deadma at wala itong paki alam sa kanya. Ang akala pa naman ni Hiyasmen na mapapansin na siya ni Adrian dahil dalagang dalaga na siya, kasabay nito ang pagiging brokenhearted pero nagkamali siya dahil lalo lang pinaparamdam nito na hindi siya nito gusto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD