"Hi, samahan mo naman ako dito uminom." alok ni Hiyasmen kay Adrian ng pumasok ito sa unit. "Umiinom kana?" tanging saad ni Adrian. "Oo, bakit masama? Hindi na ako bata kaya pwedeng pwede na ako uminom ng alak diba? Ano cheers... Samahan mo ako dito dali," saad ni Hiyasmen na inabutan pa ng inomin si Adrian. "Ayaw ko. Matulog kana masama sa kalusugan ang alak," tugon ni Adrian at agad itong lumakad papunta sa kanyang silid. "Hindi naman ito palagi eh. Kung ayaw mo di magtatawag na lang ako ng makakasama ko im sure magpapaunahan pa ang mga iyon papunta dito." Napangiti si Hiyasmen. Kaya naman napatigil sa pagkalalakad si Adrian at pumunta sa kinaroroonan ni Hiyasmen. "Ang kulit mo rin naman ano? Akina na nga 'yan at matulog kana." Pilit na inaagaw ni Adrian ang hawak na alak Kay

