6:30 am...
Kinabukasan, na lungkot si Flair dahil sa mensaheng natanggap ni Jessie. Kailangan na kasi nitong mauna ng umuwi dahil na ospital daw ang lola niya.
"Bes, you can do it on your own now. Don't worry, nandito pa rin naman ako."
"I know, I know, mag ingat ka. Hindi ka pa naman sanay sumakay ng eroplano." paalala ni Flair.
"Naku, kaya ko naman ah? Atsaka ang ganda kaya rito. Don't worry babalik ako kapag okay na si Lola," Jessie chuckled.
"Ah, basta mag ingat ka." Flair pouted.
"Oo naman, sige aalis na ako nandoon na rin jowa ko." kinilig na sabi nito.
Yes, sinundo siya ng kanyang boyfriend. Sobrang mabait ito at maalalahanin kay Jessie. Mga ilang minuto lang ng umalis na si Jessie sa Hart resort. Tinawag na si Flair ng isa sa mga stuff ni Moss para mag agahan.
Nandoon na si Moss kasama si Trevor na kumakain ng agahan. Merong bacon, omelette, some beef tapa, at all local breakfast nandoon na. Gusto rin kasi ni Moss, na ganito ang agahan niya dahil na sanay na siya sa mga niluluto ng mga Filipino chef n‘ya rito.
"Flair, come with us." aya ni Moss sa kanya.
Dapat na masanay na siya dahil halos araw araw na rin silang magkikita ni Moss. Kagaya ng magkasabay sila sa pagkain. Na pansin ni Trevor ang kagandahan ni Flair. Wala siya kagabi dahil may inayos siyang papeles pagkatapos nyang i-decorated ang mini garden dito sa resort.
"Ayos na ayos ang pinili mo Moss ah," kantyaw ni Trevor sa kaibigan.
"Tumahimik ka na nga at kumain," sagot ni Moss, ng mapansin niyang naiilang si Flair sa kanyang kaibigan.
"Congrats pala, ano nga ulit pangalan mo Miss beautiful?" pilyang tanong ni Trevor kay Flair.
"Flair, Flair Anunevo." sagot ni Flair saka ito ngumiti.
"Kumain ka na, aalis na tayo maya-maya," paalala ni Moss at formal na sinubo ang bacon sa kanyang bibig.
"Yes, Sir."
Nagsimula ng kumain si Flair at naka-half-cup lang siya ng kanin. Sweet tooth kasi si Flair, mahina siya sa kanin dipende rin kung masarap ang ulam. Malakas na ang half rice sa kanya dahil mahina lang itong kumain ng kanin at mas malakas sa ulam. Kung matamis o dessert naman iyon, siguradong hindi niya iyon tatanggihan.
Habang kumakain si Flair. Tinitigan siyang mabuti ni Trevor dahil parang pamilyar ang mukha nito. Para bang nakita na niya ito sa isang party or sa isang lugar.
"Alam mo, parang nakita na kita before?" Trevor suddenly wondered.
Huminto sa pangnguya si Flair at sinagot ito.
"Saan?"
"Tsk, stop it Trevor, masama ang nakikipagusap habang kumakain." pigil sa kanya ni Moss.
"Sorry, bro, her face is really familiar." sagot ni Trevor at pilit na iniisip kung saan niya nakita si Flair.
"Baka kamukha ko lang," she answered, ngumiti siya at nagpatuloy sa pagkain.
After a few more minutes na tapos na silang tatlo sa pagkain ng agahan. Bumalik na rin si Flair sa kwarto niya at inayos na ang mga dadalhin niya sa beach doon sa Batangas. Akala niya ay sobrang mababagot siya dahil siya lang magisa roon dahil umalis na si Jessie. But she can actually handle her situation now. Lalo't she have to do it. Para masanay na siya.
Nakabukod ng sasakyan si Flair kay Moss. Mabilis lang ang naging byahe nila hanggang sa marating nila ang daungan. Sumakay sila sa Yacht na pagmamayari rin ni Moss. It was an expensive one.
"Wow," yon lang ang na sabi ni Flair ng makita niya ang kagandahan ng yacht ni Moss. Mayaman talaga ito, at hindi niya maitatangging mukhang mabait din. Sumakay na siya roon at pinagmasdan ang tubig mula sa asul na dagat mula sa yacht.
"Do you like it?" Moss asked, may hawak itong isang glass wine na may lamang Cholette wine.
"Sir?" sagot ni Flair at ngumiti sa kanya.
"Yes, yes I did," mabilis nag shrink in sa isip ni Flair ang tanong ni Moss.
"Call me Moss, instead." suhestyon ni Moss, hindi siya sanay na tawagin siya ng Sir, kung halos magkasing edad lang sila ng kausap niya. Pwera na lang kung nasa company siya. Pero halos lahat naman ng nagtrabaho sa kanya ay bahagyang mas matanda sa kanya.
"I insist Sir," Flair insisted, kahit na bata pa si Moss. Para sa kanya, kailangan pa rin niya itong igalang dahil nagtratrabaho siya sa kanya.
"Okay then," tipid na sagot ni Moss.
Kitang-kita ni Flair ang napakagwapo niyang mukha sa malapitan. Moss only wear a white polo shirt na mukhang mamahalin din at skinny jeans na kulay black. It was simple, pero na gawa niyang maging ganun ka gwapo.
"Ang ganda rito at malinis rin, yung iba kasing dagat na napuntahan ko minsan may mga dumi gawa ng tao." Flair said, sharing her experience at another beach she goes too. Wala na sigurong gaganda sa nakikita niya ngayon dahil sa crystal clear nitong tubig.
"Sad to hear that, we need to treasure nature." sagot ni Moss.
Sagot pa lang ni Moss, alam na ni Flair na mabait at disenteng lalaki si Moss. No wonder, kung baka may girlfriend na ito.
After a few hours, nakababa na sila sa yacht ni Moss. Hinatid naman si Flair sa kaniyang magiging kwarto. Mananatili si lang dalawa roon ng dalawang araw. Maganda ang lugar, medyo mainit dahil beach nga ito. Ang hangin ay sariwa dahil malapit sa mga kagubatan. Malinis ang tubig at puting puti ang buhangin.
Tumalon si Flair sa kama nyang sobrang lambot. Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na matuwa dahil iba ang saya na nagbibigay nitong beach sa kanya. Dahil bukod sa nakakarelax dito. Maganda pa ang mga sightseeing. Nanghihinayang din siya kaunti dahil hindi na kasama ang kanyang kaibigan.
Knock, knock, knock…
Nang marinig ni Flair ang katok na iyon mula sa pintuan. Mabilis siyang bumangot at inayos ang kanyang damit na bahagyang na gusto dahil sa pagkakatalon niya sa kama.
"Miss. Flair, tawag na po kayo ng stylist nyo."
"Ah, sige eto na." sabi niya at hinatid na siya ng stuff doon sa dressing room.
Marami rin ditong bar, some restaurants at iba pa na nadaanan ni Flair bago makarating sa dressing room. Sinalubong siya ng babaeng mukhang bihasa na talaga sa pag-me-makeup.
"Hello, Miss. Flair," her stylist greeted her.
"Hello," nakangiti niyang sagot bago siya umupo at humarap sa mirror LED.
"Mukhang hindi ako mahihirapan sa pa-me-makeup sayo Miss. Flair, natural na kasing maganda ang balat mo. Kaya't kapit na kapit ang makeup sayo," naiingit na sabi ng stylist niya, dahil sa malakoreana nitong kutis.
"Nako, nakakahiya naman. Pero salamat," sagot ni Flair.
Inayusan na siya ng kanyang stylist for today at talagang fresh look lang ang makeup sa kanya. Matapos siyang ayusan, iniabot ng kanyang stylist ang pastel green na two piece. Lalong lumitaw ang kaputian at kagandahan ng balat ni Flair sa kulay ng two piece na iyon. Nahihiya pa siya nung una dahil sa suot niya, dahil kadalasan ng mga photoshoot niya ay pang catalog magazine lang o kaya'y for cloathing line.
"Wow, Miss. Flair, bagay na bagay kayong maging bagong mukha ng Hart Villa."
"Kanina mo pa ako pinupure, baka naman lumaki na ang ulo ko nyan." Flair chuckled.
"Nagagandahan kasi ako sayo Miss. Flair, kaya ganun." her stylist also chuckled.
Sinundo na si Flair ng mga stuff ni Moss papunta sa dalampasigan. Pumunta sila sa hindi mataong lugar para makapag-photoshoot sila ng maayos.
Ayaw man ni Moss na maging modelo sa kanyang New Hart Villa. Wala siyang magagawa dahil wala siyang na hanap na lalaking modelo.
Naglakad na papunta sa kanya si Flair. She was wearing a silky bathrobe na kulay silver.
Flair beauty was striking. Mayroon sa mukha niya at sa dating niya na hindi niyo makikita sa ibang babae. Meron siyang charisma.
"Sir," bati niya rito.
"Oh, you're already here? we're about to start."
Moss was wearing a board shorts. Hindi naman ito maikli dahil hanggang bago mag tuhod niya ito. Flair saw his six pack sexy abs. Kaya't minabuti niyang magiwas ng tingin sa hubad nitong itaas.
"Okay, read na tayo for shoot," the photographer said.
Inalis na ng stylist ni Flair ang kanyang bathrobe na umagaw ng atensyon ni Moss dahil sa curvy and slim body ni Flair. Matangkad ito at napakaganda talaga ng katawan. Katamtaman lang din ang laki ng kanyang dibdib, hindi malaki, hindi maliit.
"Okay, Sir. Moss, akbayan nyo po si Flair," sabi ng photographer.
Ilang segundo rin bago niya inakbay ang kaniyang braso kay Flair. When they skin finally touched against each other. Naramdaman niya kung gaano ka-supple at ka smooth ng balat ni Flair. Mukhang hindi manlang ito nasisinagan ng araw noong kabataan.
The photographer put the focus point at the two. Hindi nito maiwasang mapangiti dahil para siyang nakakita ng celebrity couple.
"Okay, 1, 2, 3..."
Click!