Nang makarating na sila sa loob ng napakaganda ng event venue rito rin malapit sa villa ni Trevor ang kaibigan ni Moss. Business partner sila kaya't pa laging magkatabi ang kanilang mga business. Isa iyong event venue na ni-re-rent ng mga mayayamang negosyante or mga luxary party na nakadugtong sa resort ni Moss.
Suot ni Flair ang fitted gown na kulay pastel pink na may kaunting maliliit na kinang sa dulo nito. Medyo may kaunting slit din iyon sa gilid na abot sa kanyang hita. Na punta lahat ng buhok niya sa right side at tila hindi mo maliligaw ang hibla ng mga buhok sa left side.
"Bes, ang ganda rito daig pa natin ang naka-jackpot!" manghang sabi ni Jessie sa kaibigan at tila kumikinang pa ang mata nito habang sinasabi.
"Ounga, halatang sobrang yayaman nila." sang ayon naman ni Flair.
Naglakad na sila patungo sa table kung saan nakalagay ang pangalan ni Flair at Jessie. Reserve seat kung baga. Inihatid pa nga sila ng isa sa mga stuff ni Trevor sa kanilang mesa dahil maraming mesa ang nandoon.
"Nako bess! Sure ko ikaw ang mananalo rito." siko sa kanya ni Jessie, pero mahina lang.
"Ikaw talaga, hindi pa tayo sure at t'saka kahit hindi naman ako manalo dito dahil sa mga lugar pa lang na nakita natin panalo na tayo." nakangiting paliwanag ni Flair.
Mabilis na umusad ang oras at na kumpleto na ang lahat ng mga modelong kasama ni Flair sa interview.
Tumuntong na si Lee sa stage at inayos ang microphone bago magsalita.
"Good evening ladies," bati niya sa mga ito.
"This is the day, the night of announcement. Ang bilis diba? Kanina lang interview tapos ngayon parang coronation night na," biro ni Lee sa lahat ng mga modelong nandoon.
Nagtawanan ang mga modelo roon sa mahinhin na paraan. Marami pa itong sinabi bago niya tuluyan tawagin si Moss. Ang may ari ng Hart resort.
"Sir. Moss," tawag ni Lee sa magalang na paraan.
Nang magsimulang lumakad si Moss pa akyat sa stage suot suot ang formal attire niya na kulay dark gray. Hindi maiwasan ng bawat isa ang mapatulala sa kagwapuhan nito maski si Flair ay nagulat dahil napakagwapo nito.
"Oh. My. God. He is so hot!" hindi napigilan ng isa sa mga modelo ang sarili na magsalita.
Pati ang mga stuff doon na babae ay na patulala at na patitig kay Moss. Iba kasi ang dating nito. May pagka-sophiticated na may halong kakisigan at syempre kagwapuhan.
"Bes, sh*t! Ang gwapo pala ng amo mo!" ani ni Jessie.
Tumigil sa pagtitig si Flair at lumingon kay Jessie na kulang na lang ay ngumanga ang bibig st maglaway habang tinitignan si Moss.
"Ou nga, pansin ko rin." sagot ni Flair sa kaibigan at umayos ng pagkakaupo. Mabilis niyang pinasadahan ng kurot ang kanyang kaliwang kamay na nakapatong ngayon sa lap niya para magising siya sa katotohanan na ayaw na niya munang ma-attract sa lalaki. Pagod na kasi siya sa mga ganyan.
"Good evening everyone," Moss greeted them.
Halos maglaway ang mga modelong nandoon sa kagwapuhan ni Moss. He was extremely good looking guy. He had the kind of face that surely stopped you in your tracks.
"I just want to thanks all of you for making my decision hard,"
"Hindi ko na patatagalin pa, para ma-enjoy niyo ang party na ito."
"I think twice about this, but I choose…"
Kinabahan ang lahat sa sasabihin ni Moss dahil halos lahat sila gustong gustong mapili bilang bagong mukha ng Hart villa. Bumilis ang t***k ng puso ni Flair dahil sa kaba. Parang gusto niya biglang manalo sa hindi malamang dahilan.
"Bes, ayan na!" excited na sabi ni Jessie at hinawakan ang kamay ng kaibigan.
"Please, join me here Miss. Flair Anonuevo,"
ba-dum, ba-dum, ba-dum, ba-dum.
"Bes! Go na," tuwang sabi ni Jessie at inudyok ang kaniyang kaibigan para tumayo na sa kinauupuan nito.
Kabado si Flair na naglakad papunta sa Stage kung na saan si Moss. Nakatingin sa kanya lahat at ang iba ay hindi mapigilang mainis at ma-dissapoint dahil hindi sila ang nanalo.
"I'm prettier than her kaya!" inis na sabi ng isa sa mga modelo doon.
Flair gulped bago siya tuluyang makalapit kay Moss. Ang mga nagliliwanag na ilaw ang lalong nagpakaba sa kanya dahil napakadaming photographer doon na kinukuhanan silang dalawa ngayon. Lumapit ang isang babae kay Moss at inabot ang bulaklak.
"Congrats," bati ni Moss sa kanya saka inabot ang napakagandang bouquet ng pink roses na kakulay pa ng suot niya.
Nagpakuha lang sila ng litrato sa mga photographer at pagkatapos ay muling nagsalita si Moss at hinarap siya.
"Come with me, may inihanda ang stuff ko para sayo and to your friend. Pero mauna na tayo ipapatawag ko na lang siya after a few talk." sabi ni Moss sa kanya.
Bahagya pa siyang na gulat dahil sa pagkamaskulado ng boses nito. Bagay na bagay sa itsura ni Moss ang boses niya.
"Yes, thank you." nakangiting sabi ni Flair.
Tumango na lang siya at sinundan lang siya ni Flair habang ang kanyang kaibigan ay maluhaluha pa dahil para sa kanya bagay na bagay si Flair, at ang bagong amo nito.
Si Lee na ulit ang humawak ng microphone ng makaalis na ang dalawa.
"Keri mo na yan bes, support lang kita." bahagya pa nitong pinunasan ang gilid ng kaniyang mata dahil may kaunting luha talaga roon.
Nakarating na agad ang dalawa kung saan muntik ng madulas si Flair kanina. Nahiya tuloy siya at napakagat sa labi dahil sa nangyari. Naalala niya kasi ang nangyari kanina ng makita niya ang mini garden na iyon. Ang table ay arrange na at may luxary candle na tipong ginawa para sa isang date at ang maykagagawan nito ay ang kaibigan niyang si Trevor.
"Date ba ito Sir?" hindi na pigilang tanong ni Flair.
Para kasing date ang setup doon dahil may mga lights pa sa daan at ang cheesy ng dating. Taste na taste talaga ni Trevor ito kapag makikipag date ito sa babae. Kaya't bahagyang na gulat si Moss sa tanong ni Flair sa kanya.
"Nope, it was supposed to be contract signing since tomorrow aalis tayo for shooting doon naman sa isa sa mga beach ko, " paglilinaw niya.
"Ah, eh, sorry akala ko kasi— " na mula bigla si Flair na napansin naman agad ni Moss.
"Don't mind that,"
Hinila ni Moss ang upuan para makaupo na si Flair saka siya sumunod na umupo sa katabing upuan. Dumating na ang contract na dala dala ng stuff niya at inabot kay Flair. Binasa naman ni Flair iyon ng maigi.
Ang kontrata nila ay magtatagal ng isang taon bago ma expired. Malaki ang sweldo, libre pagkain, libre pa mga damit, at libre stay cation.
Tinignan ni Moss si Flair habang pumipirma ito sa kontrata niya. Naalala niya din si Trevor dahil ito ang nagayos ng setup na ito kung saan nag mukhang date tuloy ang dapat simpleng contract signing na magaganap.
"Here," ngumiti si Flair at inabot kay Moss ang kontrata.
"Okay na," abot naman ni Moss sa stuff na nagdala ng kontrata at tuluyan na itong umalis.
"I have some few discussion about tomorrow. Alam ko mabilisan dahil pa tapos na itong villa,"
Kitang kita ngayon ni Flair ang mukha ni Moss na hindi naman talaga niya maitatanggi na gwapo ito. Sa matangos pa lang na ilong nito mapapalingon ka na agad.
"Wala akong mapili para sa lalaking modelo dito sa Hart villa, tomorrow, may mga few shot tayo sa Batangas at ako na lang ang makakasama mo." paliwanag ni Moss sa kanya.
Ayan na naman ang taksil na puso ni Flair at dumagundong na naman ng marinig niya ang sinabi nito na sila ay magkakasama para sa photoshoot bukas.
"Okay lang Sir. Moss," ngumiti si Flair at pinigilan ang kaba sa kanyang mukha.
"Good, I'm leaving. Pinatawag ko na ang kaibigan mo para sa luhan ka rito." sabi ni Moss at tumayo na ito sa kinauupuan.
"See you tomorrow," seryosong dagdag pa niya.
"Thank you, po ulit." pasasalamat ni Flair, bago siya nito tanguan at sinimulan maglakad.
Nakasalubong pa ni Jessie si Moss. Bahagya itong yumuko at tila ba kinikilig na tumakbo papalapit kay Flair na naiwang nakaupo doon.
"Wow, ano ito girl? DATE?" kinikilig na bati ni Jessie sa kaibigan ng mapansin nito ang mga lights sa paligid. Romantic na parang high class na estudyante lang ang gumawa noon pero kinikilig pa rin si Jessie dahil sa nakita nito dahil naalala niya ang kanyang boyfriend. .
Nilingon siya ni Flair at nagsalita. "Sira, hindi noh."