KABANATA 4

1283 Words
Matapos ang maikling Interview ni Flair nakahinga na siya ng maluwag dahil tapos na ito at wala na siyang iisipin pa. Nauna na silang dalawa ni Jessie na pumunta sa pool. Hindi na kasi ito makapaghintay. "Flair, tara na rito." aya ng kanyang kaibigan. "Mamaya na ako," sagot niya. Hindi kasi siya ganun karunong maglangoy lalo't malalim pa ang mga pool dito. Iisa lang naman ang pool na pang bata dito na for sure yun lang ang kaya niyang lusungin. Nakahiga siya sa marbella teak chaise habang tumatama sa kaniya balat ang katamtamang sinag ng araw. "Hey, Flair," usal ni Jessie at binasa siya ng tubig kaya mabilis siyang bumangon. "Jessie naman," she chuckled. "Tara na kasi, naghihintay na sayo ‘yung pool," aniya. "You know me Jessie, hindi talaga ako marunong lumangoy saka ang lalim niyan," paliwanag niya, tinignan niya ang tubig mula sa pool at malalim talaga iyon dahil hanggang balikat na ito ni Jessie. "Oo nga pala, sayang naman kasi," ani ni Jessie at ng hinayang sa ganda ng pool kung saan siya nakababad. "Pwede naman akong maligo, kaso, sa gilid lang ako ng pool dapat." Flair chuckled. "Oh? Tara na, ayun naman pala eh," Ngumiti si Flair at tumayo na mula sa pagkakaupo sa marbella teak chairs. Lumapit siya ng dahan dahan sa pool at idinampi ang daliri n’ya sa paa sa malamig na tubig ng pool na iyon. "Ang lamig," aniya ng maramdaman ang lamig ng tubig sa pool. "Gaga, syempre malamig yan umaga pa lang eh," "Sabagay," Mabilis na nilapitan ni Jessie ang kaibigan upang tulungan sa paglusong sa pool. Ramdam niya ang kaba sa sarili tuwing lulubog ang kanyang katawan sa malalim na tubig. Kaya niyang ibalanse ang sarili sa mataas na high heels pero ang lumubog sa tubig na parang hinihitak siya ‘yun ang hindi niya kaya. "Ang lamig talaga," Flair chuckled, naramdaman niya ang pagbigat ng kanyang katawan habang nasa ilalim ng tubig. Hinahawakan naman siya ni Jessie kapag ramdam na nito na nahihirapan ang kaibigan. "Kakapit na lang ako rito," ani ni Flair at pumunta sa gilid ng pool. "Try mo kasing ikawag ang paa mo kahit nandyan ka lang sa gilid besh," suhestyon ni Jessie. "Okay, sige," Sinimulan ni Flair ikawag ang mga paa niya na parang batang hindi marunong maglangoy. Tumalsik ang iilang butil ng tubig sa mukha ni Jessie dahil sa pagkawag ng paa nang kanyang kaibigan. "Okay na ‘yun?" tanong ni Flair. "Jusko, isang malaking no Flair," ani ni Jessie sa kanya. "Look," Ipinakita ni Jessie kung paano ang tamang paglangoy sa pool. Kung titingnan parang sobrang dali lang ng ginagawa niya pero hindi para kay Flair. Para sa kanya mahirap talaga iyon. "I can't do that, hindi mo talaga ako maasahan sa paglangoy," sabi niya at umahon sa tubig. She loves water, but water doesn't love her. Takot siya rito, lalo't muntik na niya itong ikamatay nung bata pa lamang siya. Simula noon hindi na rin ni lagyan ng tubig ang pool sa bahay nila ng malunod siya doon. She felt bad for that, dahil gustong gusto iyon ng mga pinsan niya. "Sige besh, okay lang yan, I just want you to realise that fear never conquered kung hindi mo susubukan labanan," paliwanag ni Jessie, naiintindihan naman niya ang kanyang kaibigan. Pero minsan gusto na lang niyang turuan ito para mawala na ang takot nito sa malalim na pool. Pero tuwing gagawin niya iyon, mas nauuna ang takot ni Flair. "Wait here, magpapalit lang ako." nakangiting paalam ni Flair sa kaibigan. "Sige, mamaya aahon narin ako," sagot ni Jessie habang nakangiti rin siya sa kanya. Mabilis na nagtungo si Flair sa room nila ni Jessie at kumuha ng pamalit na damit. T-shirt na lang na kulay peach at short na black ang kinuha niya. She's comfortable with it, kesa do'n sa mga revealing clothes. Bago niya balikan si Jessie nadaanan pa niya ang magandang garden dito sa villa. Naglalakad na sana siya papunta doon ngunit nadulas siya dahil basa pa ang tsinelas na sinuot niya kanina. Napaliyad siya at buong akala niya ay mababalian na siya ng buto sa tadyang dahil bato ang babagsakan niya pero hindi. Isang kamay ang sumalo sa kanya. Mabilis siyang umayos ng tayo para makita ang sumalo sa kanya na ikinalaki ng kaniyang mata. It was him, It was Moss, ang mayari nitong villa. "I'm sorry, Sir Moss," mabilis na paumanhin niya rito. Seryoso lang ang mukha nito ng harapin niya ito. Napakagwapo talaga nito, kung titignan si Moss pagkakamalan itong artista or model dahil sa itsura nito. "Be careful next time." ani n’ya at tuluyan na itong naglakad ulit. Na pakabilis lang ng pangyayari pero ang kaba at kalabog ng puso ni Flair ang mas mabilis. Napahawak siya sa gitna ng dibdib niya at bumuntong hininga. Bakit naman naabutan pa niya ang katangahan ko? Baka mamaya sabihin niya na ang clumsy ko naman. Pero okay na rin siguro iyon, kesa naman mabalian ako ng buto. Bahagya n’yang ginulo-gulo ang kaniyang buhok dahil sa kahihiyan at mabilis na umalis at pumunta kay Jessie na pa ahon na rin sa tubig. "Oh’ Flair, nakapagpalit ka na pala, sakto, magpapalit na rin ako, kaya't babalik ka ulit samahan mo ako," natatawang sabi ni Jessie. "Sakit na ng paa ko, friend, muntik pa akong madulas kanina," Flair chuckled. "Saan ka naman muntik madulas?" tanong ni Jessie at nilapitan na s’ya. "Malapit lang dito. Doon sa mini garden," salaysay niya. "Magingat ka friend, may coronation pa mamayang gabi," biro ni Jessie. "Gaga!" Flair chuckled. "Totoo naman, wag mong hayaang agawin nila ang korona," Jessie also chuckled. Pumunta na sila ulit sa kwarto ni lang dalawa para makapagsalita si Jessie ng damit. Hindi pa rin makalimutan ni Flair ang nangyari kanina ng saluhin siya ni Moss. "Can't wait to see the winner," sabi ni Jessie habang sinusuklay na ang buhok niya dahil tapos na itong magpalit. Nakaupo silang dalawa sa kama habang si Jessie ay nakadikwatro pa habang nagsusuklay ng kanyang buhok. "Para naman contest ang sinalihan ni ko Jessie, kung magsalita ka," Flair chuckled, hindi talaga papalya si Jessie na pa tawanin siya. "Para kasing contest na rin ang sinalihan mo, ang daming model, tapos ang gaganda niyo pa," paliwanag ni Jessie. Average person lang si Jessie. Despite of that, maraming nagkakagusto sa kanya dahil cute siya at masayahin tapos mabait pa. "Nga pala, kamusta kayo ni Bernon?" tanong ni Flair. Yes, may boyfriend si Jessie, dinaig pa niya ang kagandahan ng kaibigan at ‘yung boyfriend ni Jessie talagang mabait at mahal na mahal siya. "Last time, nag-dinner kami maraming pagkain which is gustong gusto ko," kwento ni Jessie, na kinikilig pa habang sinasabi. "Kainggit naman, saan kayo kumain?" tanong ni Flair. "Sa food court," sagot ni Jessie. Natawa bigla si Flair dahil sa sinabi niya. Akala naman niya sa restaurant dahil sa tono ng boses ni Jessie parang dinala siya ni Bernon sa mamahaling restaurant. "Ang sweet kaya," Jessie said. "Well, at least hindi siya manloloko. Hanap mo naman ako ng mabait Jessie, baka tumanda akong single," natatawang sabi ni flair. "Gaga, sa ganda mong yan?" "Maganda ba talaga ako? Pero bakit nila ako niloloko?" "Besh," tumigil sa pagsusuklay si Jessie, at lumapit lalo sa kaibigan. "Maling tao kasi ang napipili mo kaya siguro ganun." "Kailan pa magiging tama?" Flair chuckled, but deep inside, nasasaktan siya. "Hayaan mo na muna ‘yung mga boys na yan, maraming isda sa dagat, wag lang pating ang pipiliin mo," biro ni Jessie, para tumawa siya. Mabilis umusad ang oras at mabilis lang na nagala-singko dahil nalilibang sila sa ganda ng lugar para kay Jessie pa nga kung tatanungin siya gusto niya pang mag stay ng matagal dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD