EPISODE 3

1294 Words
EPISODE 3 SARAH’S POINT OF VIEW. Hindi ko mapigilan na mamangha habang nakatingin sa nag-iisang lalaki na hinahangaan ko simula noong bata pa ako, si Matthias Archer Coleman. Parang bumabagal ang takbo ng aking mundo kapag napa pasulyap siya sa akin, o hindi naman ay malapit lang siya sa aking pwesto. God! Wala akong ibang gustong pakasalan kundi siya lang, si Matthias lang at wala ng iba. “Sarah, kumusta ka na, Hija? Buti na lang talaga at sumama ka rito sa mga magulang mo para naman makita ko ang kagandahan mo,” malambing na sabi ni Tita Isabelle sa akin. Bahagya akong namula sa sinabi ni Tita Isabelle dahil super idol ko talaga siya. Nahihiya rin ako rito ngayon sa aking kinauupuan dahil ayokong magkamali ako o may masabi akong hindi nila ikakagusto dahil malaki ang respeto ko sa mga Coleman. “O-Okay lang naman po ako, Tita Isabelle. Graduating na rin po ako at plano ko na rin pong mag open ng clothing line ko kahit na nagsisimula pa lang ako,” sagot ko sa tanong ni Tita Isabelle. Nakita ko ang panlalaki sa mga mata ni Tita at ngumiti siya sa akin at nag thumbs up. “I will one hundred support you with that, Sarah! Don’t worry, lahat tayo ay nagsimula lahat sa ibaba bago tayo mapunta sa itaas. Sigurado akong sisikat at magiging isa ka sa future ng fashion designing,” nakangiting sabi ni Tita Isabelle at kinindatan ako. Labis naman akong natuwa sa kanyang sinabi at mas lalo pa akong ginanahan na magpursige sa aking gustong gawin at ito ay ang maging katulad ni Tita Isabelle. Muling nag-usap ang mga magulang ko at sila Tita Isabelle at Tito Luke tungkol sa business. Hindi ko mapigilan na mapa sulyap kay Matthias at nakita ko na tahimik lang siya na kumakain, minsan naman ay nakikisali rin siya sa usapan nila tungkol sa trabaho. Hays. Napaka perfect talaga ni Matthias. Ang swerte talaga siguro ng mapapangasawa niya ‘no? Siguro iiyak talaga ako at mabo-broken hearted kapag ibang babae ang pinakasalan niya dahil siya lang talaga ang gusto kong maging asawa. Baka maisipan ko na lang na maging madre kapag kinasal na si Matthias sa ibang babae dahil hindi ko makita ang sarili ko na makasal sa ibang lalaki, sa kanya lang talaga. “Psst. Matutunaw ‘yan si Kuya sa mga titig mo.” Natigil ako sa pagtitig kay Matthias nang bumulong sa akin si Lucianne na nasa aking tabi. Nanlaki ang aking mga mata at napatingin sa kanya ngayon na nakangisi na sa akin. Hala! Nakita niya ba ang pagtitig ko sa kanyang Kuya Matthias? sh*t. Nakakahiya naman! Para siguro akong tanga kanina. Napahawak ako sa aking pisngi nang maramdaman ko ang pag-iinit nito. Mahinang humagikgik si Lucianna at kinindatan ako. “Your secrets are safe with me, girl. Alam ko na rin naman noon pa na may gusto ka kay Kuya Matt, eh,” nakangising sabi ni Lucianna. Mas lalo pang namula ang mukha ko nang sabihin niya iyon. Bahagya ko siyang siniko dahil baka marinig siya ng mga magulang niya at magulang ko, lalo na si Matthias! Nakakahiya kaya. “Hinaan mo ang boses mo, Lucianna,” sabi ko sa kanya. Mahina siyang tumawa at umakto siya na parang sinasara niya ang zipper ng kanyang bibig at nag thumbs up siya sa akin. Natapos na ang dinner meeting namin with the Coleman. Natawag ko itong dinner meeting dahil wala namang ibang ginawa ang mga magulang namin kasama si Matthias kundi ang mag-usap tungkol sa kanilang mga negosyo. Kami lang siguro ni Lucianna ang nagkakaintindihan dahil hindi rin siya into business. Architecture kasi ang kinuha niya sa kolehiyo at katulad ko ay graduating na rin siya ngayon at balita ko ang ready na rin siyang magpakasal sa kanyang long-time boyfriend na si Gabriel Generoso. “So, kumusta naman ang dinner with your future family?” tanong sa akin ng kaibigan ko na si Adele. Sinabi ko kasi sa kanya na sumama ako sa mga magulang ko papunta sa bahay ng mga Coleman. Nandito kami sa cafe na pinag tambayan namin ni Adele dahil tapos na ang aming class. Hindi ko mapigilan na kiligin kahit hindi ko naman nakakausap si Matt nun kasi kausap niya ang mga magulang ko pati mga magulang niya tungkol sa negosyo. Ayoko naman na makisali sa usapan nila dahil wala naman akong alam sa business at tungkol sa collaboration ng Coleman at Del Junco ang pinag-uusapan nila kaya mas lalong wala akong kaalam-alam kaya mas mabuti pa ang manahimik na lang. Bumuntong-hinga ako at napatingin sa aking kaibigan na si Adele. “Okay lang naman… hindi ko nga lang nakausap si Matthias kasi busy siya sa pakikipag-usap sa mga magulang ko at magulang niya tungkol sa business. Pero busog naman ang mata ko buong gabi habang nakatingin sa kanya,” sabi ko at ngumiti kay Adele at bahagya rin na kinikilig. “Nako! Buti hindi natunaw si Matthias sa mga titig mo sa kanya, Bes! My gosh. Iba na talaga ang tama mo diyan sa lalaking ‘yan. Maganda ka naman pero bakit baliw na baliw ka sa lalaking ‘yon?” sumimangot si Adele habang nakatingin sa akin. Bahagya akong ngumuso habang nakatingin sa aking kaibigan. “Ewan ko ba, pero sa kanya talaga ako nahulog ng bongga!” “Hindi ka naman sinalo!” Tinignan ko siya ng masama. Panira talaga ang babaeng ‘to! Nakakainis. Marami na ang lalaking dumaan sa buhay ko pero kay Matthias talaga ako nahulog. Ewan ko ba pero iba ang epekto sa akin kay Matthias Archer Coleman. Masyado kasi siyang pormal at ibang-iba siya sa mga lalaking nakilala ko. Sabi pa ni Lucianna ay hindi raw mahilig gumimik ang kuya niyang si Matt dahil busy ito palagi sa work niya. Hays! Mas lalo akong naiinlove. “Speaking of your crush, he’s here!” sabi ni Adele at bahagya akong siniko. Napatingin naman ako sa may pinto ng Café at nakita kong pumasok si Matthias. Hindi ko mapigilan na mapangiti dahil magiging maganda na naman ang pagtulog ko mamaya dahil nakita ko siya. Akala ko ay magiging masaya na ako dahil dumating si Matthias pero hindi pala… he’s not alone, meron siyang kasama. “Oh my Gosh! Mukhang hindi na nag-iisa ngayon si crush mo, Bessy! Mukhang may girlfriend na siya,” rinig kong sabi ni Adele. Napakagat ako sa aking labi at naiiyak na nakatingin kay Matt at may kasama siyang babae ngayon, at kilala ko kung sino ang babaeng kasama niya, si Winter Griffin. Girlfriend ba siya ni Matthias? Si Winter ay ang anak ni Cole Griffin, isa sa pinakasikat na artista noong kapanahunan pa nila Mommy at Daddy pero ngayon ay hindi na dahil maaga itong nag retired sa industriya ng pag-aartista. Ngayon ay pumalit sa kanya si Winter at isa na rin itong artista at maraming na itong mga movies at series na nagawa. “Winter Griffin? Oh my! Mukhang wala ka na talagang laban, bes,” muli kong rinig galing kay Adele. Umiwas ako nang tingin kay Matthias at Winter nang makita ko itong nagtatawanan na para bang tuwang-tuwa sila na magkasama silang dalawa. Napahawak ako sa aking dibdib at napatulala. Ang sakit naman magmahal sa isang lalaki na hindi naman aware sa nararamdaman mo para sa kanya. Wala rin akong karapatan na magselos dahil hindi naman ako girlfriend ni Matthias at kilala niya lang ako bilang anak ng parents ko, wala ng iba. Wala akong maipagmamalaki sa kanya dahil nag-aaral pa lamang ako. Oo, maganda nga ako pero walang mapapala ang kagandahan kung wala namang nararamdaman ang lalaking mahal mo sa ‘yo. Ouch! Minsan na nga lang ako nagkakagusto, sa lalaking imposible pang magkagusto sa ‘yo! TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD