EPISODE 2

1077 Words
EPISODE 2 SARAH’S POINT OF VIEW. “Sarah baby, may lakad ka ba mamayang gabi?” Napatigil ako sa aking pag kain nang marinig kong magsalita si Mommy. Nag angat ako ng tingin sa aking mga magulang at umiling. “Wala po, Mommy.” Tumango naman siya at ngumiti sa akin. Nandito kami sa dining area ng aming house at kumakain kami ng aming breakfast. It’s Friday kaya wala akong class now and I’m all free. Gusto ko sanang gumala ngayon but Adele is busy so dito na lang ako sa house namin. Wala naman akong other friend na pwede kong ayain na gumala e. “That’s good, anak. May pupuntahan kasi kami ng Mommy mo mamaya, gusto ka sana naming isama roon,” sambit ni Daddy. “What is it, Daddy?” “Pupunta kami mamayang gabi sa bahay ng Tita Isabelle and Tito Luke mo. May importante kasi kaming pag-uusapan tungkol sa bagong negosyo natin at magiging ka-partner din natin ang kanilang engineenig company,” sagot ni Daddy sa aking tanong. Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi. Agad din akong umiwas ng tingin at napakurap sa aking mga mata upang hindi nila mapansin na nagulat ako. Pinakalma ko muna ang aking sarili bago muling tumingin ulit sa kanila. “Ganoon po ba? Sure po. Wala naman akong gagawin mamaya kasi busy rin si Adele sa kanyang life. Gusto ko rin pong makita si Tita Isabelle dahil may itatanong ako sa kanya about fashion designing,” nakangiti kong sabi. Tumango naman si Mommy at Daddy at muli na kaming nagpatuloy sa aming pag kain. Agad kong tinapos ang aking pag kain at nagpaalam na kay Mommy at Daddy na umunang umalis sa dining room upang makapunta sa aking kwarto. Nakahinga lang ako ng maayos nang makapasok na ako sa aking room at hindi ko rin mapigilan na ma-excite dahil makikita ko si Matthias mamayang gabi! Alam kong nasa dinner siya mamaya dahil masyado siyang masunurin sa kanyang mga magulang at kasama rin siya sa company nila at isa siya sa mga top engineer doon. I need to prepare and I need to be presentable mamaya. Dahil wala akong gala ngayong araw, napagpasyahan kong ubusin ang oras ko sa paghahanap ng aking susuotin mamaya sa dinner namin with the Coleman Family. Pumasok din si Mommy sa aking room para sabihin na 6 PM ay aalis na kami para pumunta sa bahay ng Coleman Family. Kaya alas tres pa lang sa hapon ay hinanda ko na ang aking sarili at nag makeup din ako at bahagya kong pina-curly ang aking buhok dahil mas mature at maganda akong tignan kapag curly ang hair ko. Dahil super fan ako sa mga gawa ni Tita Isabelle, sinuot ko ang FW 2021 Collection niya na Brown Sulty Vixen Satin Wrap Dress. Hindi ako gumamit ng red lipstick at nude lipstick lang ang aking ginamit. Tinernohan ko rin ng isang nude ankle strap block heel. Nang tapos na akong mag ayos sa aking sarili para sa dinner namin ngayon papunta sa mga Coleman, napatingin muna ako sa aking sarili sa salamin at bahagyang nag pose. Nang ma-satisfy na ako sa aking ayos ay lumabas na ako sa aking kwarto dahil naghihintay na pala sa labas ang aking mga magulang sa akin. Tahimik lang ako sa loob ng kotse at kinabahan din ako ng kunti. Mabait naman sila Tita Isabelle at Tito Luke at kilala na rin nila ako dahil nakapunta na rin ako sa kanilang bahay noong bata pa ako. “Nandito na tayo.” Huminga ako nang malalim bago lumabas na sa loob ng sasakyan namin. Sabay kami ni Mommy sa paglalakad dahil nakahawak siya sa aking braso upang maalalayan ko siya. “Mary! Simon!” Agad naming nakita sa bukana ng bahay si Tita Isabelle na malaki ang ngiti. Sinalubong niya kami ni Mommy at parehong niyakap. Nagtagal ang tingin sa akin ni Tita Isabelle at nakita ko ang gulat sa kanyang ekspresyon. “Mary, ito na ba si Sarah? Ang ganda at ang laki na niya! Huli ko siyang nakita ay noong birthday ni Simon five years ago,” sambit ni Tita Isabelle. Ngumiti naman ako kay Tita. Ang ganda at ang sexy pa rin talaga ni Tita Isabelle kaya idol na idol ko siya e. “Thank you po, Tita Isabelle.” Pinapasok na kami ni Tita Isabelle sa kanilang bahay at nakita rin kaagad namin si Tito Luke na papalapit sa amin. Nagmano ako sa kanya at bumati. Lumapit din kaagad si Daddy kay Tito at nag-usap na sila tungkol sa negosyo. Pumunta na kaagad kami sa may dining room nila at nakita ko kaagad ang unica hija nila Tita Isabelle at Tito Luke na si Lucianna. Ka edad ko lang si Lucianna at nasa parehong university kami nag-aaral pero ibang course nga lang dahil ang kinuha niya ang interior designing samantalang sa akin naman ay fashion designing. Lumapit sa akin si Lucianna at binati ako. “Masaya ako at sumama ka kina Tita Mary at Tito Simon, Sar,” nakangiting sabi ni Cian. “Ang tagal ko na nga rin na hindi nakakasama sa mga ganito e. Masyado kasi akong busy at minsan naman mag lakad kami ni Adele,” nakangiti kong sabi kay Lucianna. “Good evening po.” Natigilan ako nang marinig ko ang boses na iyon sa aking likuran. Hindi ko maalis sa aking mukha ang gulat kong ekspresyon at mukhang napansin din ito ni Cianna dahil bigla na lang siyang ngumisi at tinawag ang kanyang kuya na si Matthias. “Kuya Matt! Nandito si Sarah oh!” Hinawakan ako ni Cianna sa aking balikat at inihirap ako sa aking likuran kung saan narinig ang boses ni Matthias. Agad na bumungad sa akin ang kanyang seryosong mukha na nakatingin sa akin. Kumalma ka! Hindi pwedeng bigla ka na lang mahimatay rito sa harapan nila, Sarah! “Good evening, Sarah. It is nice to see you here,” nakangiting sabi ni Matthias. Napalunok ako sa aking laway at napasulyap kay Lucianna na nasa aking tabi. Kinindatan niya ako at nginitian. Ginawa ko ang lahat para mawala ang pagkataranta ko. Nang kumalma na ako, nginitian ko si Matthias at binati pabalik. “I’m happy to meet you again, Matthias.” Nag shake hands kaming dalawa at dito ko na-realize na may napili na pala akong lalaking pakakasalan at si Matthias ito. Si Matthias Archer Coleman ang nag-iisang lalaking gusto kong pakasalan. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD