EPISODE 52 SARAH’S POINT OF VIEW. “Mama, kinakabahan po ako. What if he didn’t like me?” Hinawakan ko ang pisngi ng aking anak na si Marcus at nginitian siya. “Bakit naman hindi ka niya magugustuhan? You are his son, Babu. Hindi ka pa nakikita ng Papa mo pero mahal na mahal ka na niya,” malambing ko sa aking anak habang nakangiti sa kanya. Ang kanina na nakasimangot na mukha ni Marcus ay nagbago at napalitan ito ng isang matamis na ngiti sa kanyang labi. “Really, Mama? ‘Cause even he didn’t visit me when we were still in Edinburg—I still love him… he’s my Papa, eh! And I am so excited to meet and see him, Mama.” Muli akong napangiti sa sinabi ni Marcus at niyakap siya. Pati ako ay kinakabahan na rin sa pagkikita ng dalawa ngayong araw. Nag text sa akin kanina si Matthias at on the

