EPISODE 53 SARAH’S POINT OF VIEW. “Wow! You brought me books! Thank you so much, Papa!” Tuwang-tuwa si Marcus sa naging pasalubong sa kanya ng kanyang Papa. dinalhan siya ng sampung libro na tungkol sa science at astronomy at agad niya itong binuklat lahat at tinignan ang nasa loob. Ang laki ng ngiti ni Marcus simula nang dumating si Matthias at ngayon ko lang siya nakitang ganito kasaya—kahit noong nasa Edinburg pa kaming dalawa. Ngayon ko lang napagtanto na malaki rin pala talaga ang impact ni Matthias sa buhay ng anak namin. Kahit hindi sabihin ni Marcus na kailangan niya ang Papa niya, hinahanap pa rin ito ng kanyang puso at saya. “It’s nice to know that you love reading books, Anak. You know what, reading is also my favorite hobby to do when I have my free time,” nakangiti na sab

