EPISODE 61 SARAH’S POINT OF VIEW. “Anak, hindi naman namin kayo pinapaalis dito ni Daddy mo. Ayaw mo na ba dito sa bahay?” tanong ni Mommy sa akin. Nakabili na kami ng condo unit sa tulong ni Adele. Hindi naman sa ayoko na sa bahay nila Mommy at Daddy, gusto ko rin na may sarili kaming place ng anak ko dito sa Pilipinas. Kapag may work naman ako ay dadalaw pa rin si Marcus dito sa bahay ni Mommy at Daddy. “Mom, you know me naman, diba? Hindi naman sa ayaw ko na sa inyo ni Daddy. I just want a place na masasabi ko talaga na pinundar ko at pagmamay-ari ko,” sabi ko sa kanya. Ngumiti si Mommy at niyakap niya ako. “Mag-ingat kayo ni Marcus doon, okay? Kasama niyo naman si Yaya Nela doon kaya wala kang dapat ipag-alala.” Tumango ako at hinalikan ko ang pisngi ni Mommy. “Papa! Nandito n

