EPISODE 60 SARAH’S POINT OF VIEW. Tulala ako ngayon habang nakatingin sa kisame. Natatanging kumot lang ang nakatakip sa hubad kong katawan ngayon. Hindi ako makagalaw ng maayos ngayon dahil may nakayakap sa akin— si Matthias. Hindi ako makapaniwala na may nangyari sa amin kagabi, na nagpadala ako sa init ng aking katawan at nagpatukso ako kay Matthias. Huminga ako ng malalim at hinilot ko ang aking sintido. Ano ba itong kabaliwan na ginawa ko?! F*Ck! Sigurado ako na sasapakin ako sa mukha ni Adele kapag nalaman niya itong nangyari sa amin ni Matthias ngayon. Pero hindi ko hahayaan na malaman niya ang totoo— wala dapat na makaalam ang tungkol dito sa pagitan namin ni Matthias… lalo na ang kanyang buong pamilya. Sigurado ako na nagtataka na ang mga ito kung bakit bigla na lang kaming na

