EPISODE 48 SARAH’S POINT OF VIEW. “Ibang klase rin kayo ng asawa mo maglandian, ‘no? Public display of affection.” Hindi ko mapigilan na mapairap at pinakalma ang aking sarili upang hindi ko mapatulan itong lalaking nasa aking tabi. Bakit ba siya ang kailangan ko pang makasama upang magsukat sa coat ng mga susuotin sa kasal? Pwede namang ibang lalaki nalang, bakit si Matthias pa? Masyadong busy ang fiance ni Liz kaya hindi ito makakapunta sa pagsusukat sa kanyang coat, pero ayon pa kay Liz ay magkasukat lang si Matthias at ang kanyang fiance kaya si Matt na ang kanyang pinapunta dito. Magkasing sukat din naman si Matthias at Alaric, ah! Bakit hindi na lang si Ric ang pumunta dito at sukatan ko? Nakakainis talaga. Ang sama tuloy ng araw ko ngayon dahil nakita ko ang nakakabwisit na pagm

