EPISODE 49 SARAH’S POINT OF VIEW. “Mama, diba two months lang po tayo dito sa Philippines at babalik po tayo ulit sa Edinburg?” Napatigil ako sa aking ginagawa nang magsalita si Marcus. Simple lang kasi ang aking gagawin ngayon, mag fa finalize na lang ako sa mga designs ko kaya mas minabuti ko na dito na lang sa bahay dahil na miss ko rin na makasama si Marcus. Kauuwi lang nila kahapon at namiss ko ang anak ko kaya hindi ko muna siya iiwan at dito na lang ako sa bahay mag tatrabo habang katabi siya. Ngumiti ako kay Marcus at hinaplos ang kanyang pisngi. “Yes, Babu. Bakit, namiss mo na ba ang mga friends mo doon sa Edinburg? You don’t have to worry about your studies naman kasi nakapag-usap na kami ng teacher mo,” sabi ko sa kanya. Hindi siya nagsalita, nakatingin lang sa aking mga m

