CHAPTER 19

1188 Words
Nakatingin at nakatulala lamang ako sa bintana ng aming silid-aralan habang pinapaikot ang ballpen ko sa aking kamay.Hindi ko magawang bigyan ng atensyon ang katabi ko ngayon. Feeling ko kasi, kapag kinausap ko pa siya at mas naging close pa kami sa isa't-isa ay mas lalo lang akong mahihirapan at malulungkot na kalimutan siya sa darating na bakasyon. Pero, minsan ay napapaisip din ako. Bakit kailangan ko pang makalimot? Kaya lang, sa pag-iisap ng bagay na yan ay lagi akong napapabuntong hininga. Pagkatapos ay laging bumubulong ang isip ko sa akin na, 'siya nga nakalimot, bakit ikaw ay hindi mo magawa?' Pagkatapos maiisip ko din naman na ayoko gumaya sa kanya. Ayokong manira o sumira ng pangako katulad niya. "V!" tawag sa akin ng kaklase ko. Nagbalik sa reyalidad ang isip ko at napalingon sa kaklase kong tumawag sa pangalan ko. Iba-iba kasi ang pangalang tawag nila sa akin. Tanging ang bakla ko nga na kaibigan na tumatawag sa aking Ice. "Bakit? Ano yun?" tanong ko sa kanya. "Sama ka ba sa amin? Maliligo daw sa swimming pool." saad niya. Umiling ako sa kanya at muling sumagot. "Ayoko. Bawal e. Haha." Pagkatapos ay muli na kong nagsulat. Ewan ko ba kung bakit ayaw ko. Siguro kasi batid kong hindi siya sasama? MELODY Paulit-ulit kong pinunasan ang tumutulong tubig sa aking mata na tila wala na yatang katapusan. Bawat punas ko ay lalo lang dumadami at nababasa ang mukha ko. Napatingin ako sa langit at napakunot-noo. Hindi naman umuulan. Bigla nalang akong napahawak sa bandang kaliwa ng aking dibdib. Pagkatapos ay muli akong tumingin sa kanilang dalawa. Wala pa ding hinto sa pagtulo ng luha ko. Dahil sa naguguluhan na ko sa nangyayari sa akin, tumakbo nalang ako ng tumakbo. Hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa paborito kong tambayan. Ang park. Napangiti ako ng mapait ng maalala ang dahilan kung bakit ito ang paborito kong puntahan at pagtambayan. It's because of him. Simula ng makilala ko siya ng araw na yun ay madalas na kong magtungo dito at nagbabakasali na makita siya ulit. But I never meet him again until this day came. Maybe, maybe we're just destined together. But, we never be meant to be forever. Napabuntong hininga ako ng malalim dahil sa mga salita na naisip ko. Yeah, I'm right. Habang patuloy pa din sa pag-agos ng tubig sa mata ko na tinatawag nilang luha, nagtungo ako sa wishing fountain. What a laugh. Paano naman malalaman ng tao na totoo nga ang wishing fountain na ito? Maghahagis ka ng pera at pagkatapos hihiling ka? 'Tapos matutupad na ba agad ang hiling mo? Tsk! That's nonsense! Pinunasan ko ang luha sa aking magkabilang pisngi at bumulong sa sarili. "Bakit ba ko umiiyak ngayon? Bakit ba parang sobrang sakit ng nararamdaman ko?" Long ago, I already lock my own heart. That way, hindi na ulit ako masasaktan. Magiging okay lang ang lahat. Bakit? Siyempre, wala naman na kong nararamdaman e. Naniwala at pinaniwala ko ang aking sarili na naitapon ko sa malayo ang susi ng aking puso, pero nagkamali ako. Sa malapit ko lang pala naitapon yun and worst, pagmamay-ari na ito ng iba. What a stupid. Tsk! "A, ms. Melody?" Nagbalik sa reyalidad ang diwa ko ng marinig ko ang aking pangalan. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at doon ay nakita ko sina Sean at Zeus? "What?" pilit kong ginagawang normal ang tono ng boses ko kahit na nagcrack pa din talaga ito. "What are you doing in a place like this?" tanong ni Zeus sa akin. Tumingin ako sa kanila at sasagot na sana ng makita ko ang nag-aalalang mga mukha nila. Umiwas ako ng tingin para hindi nila makita ang sinasabi ng aking mata at saka nagwika. "Nothing. Just wondering around..." pagsisinungaling ko. Kaya lang, mukhang nahalata yata nila yun. "E? Hihi. Siguro nagw-wish ka dito no? Anong hiniling mo ms. Melody?" nakangiting tanong pa sa akin ni Sean. Bumuntong hininga ako at nagkunwaring nab-bored at saka nagwika. "No, I'm not and besides, wala naman akong dapat hilingin." pagsisinungaling ko na naman sa kanila. "Wala nga ba talaga?" seryoso ang mukhang tanong sa akin ni Zeus. Napatingin tuloy ako kay Zeus dahil sa sinabi niya. Masiyado kayang halata ang pagsisinungaling ko? Tss. "Yeah, yeah. It's really nothing and one more thing, don't call me miss. Tss." pagsusungit ko sa kanila at akmang aalis na ng bigla akong pinigilan ni Zeus. Hinawakan niya ko sa braso at muling pinaharap sa kanilang dalawa. "What?" naaasar kong tanong sa kanya. "Don't you ever run away or hide again. Even if Zach is really my friend here, I already know you too. I know you know that you already hurts his feelings..." saad niya pa. Hindi niya pa din binibitiwan ang braso ko. "Hey, Zeus. That's enough." pag-awat sa kanya ni Sean. "Heh. So, it's my faults now? I know you know what I really feel towards him." sagot ko sa kanya. Umiling lang siya at saka muling nagwika. "No, no. That is not my point. Ang gusto kong sabihin kanina pa ay tama na ang paglalaro niyong dalawa. Tama na ang pagtakbo, tama na ang taguan ng feelings. Higit sa lahat, tama na ang pagsisinungaling. Nasaktan niyo na ang isa't-isa. Don't you think na panahon na para gawing totohanan ang lahat? Panahon na para aminin niyo sa sarili niyo na mahal niyo na ang isa't-isa? I know wala ako sa posisyon para magsabi sa'yo nito, pero... kung hindi ngayon, kailan pa? Kapag it's too late na? Think about it, Melody." mahabang wika niya. Natahimik ako dahil sa sinabi niya. Parang tagos sa puso kasi ang mga salitang binanggit niya e. "Hey, Zeus. What are you saying? Baka tuluyan ng magalit si ms. Melody kay Zach niyan." pag-awat na naman ni Sean sa kanya. Tahimik pa din ako at walang kibo. Habang binabalikan ang mga alaalang magkasama pa kami ni Zach. I already have a feelings for him since we first met. Ayoko kasing aminin sa sarili ko na may nagugustuhan akong tao. Alam ko kasi na masasaktan at may masasaktan lang ako kapag nangyari yun. This feeling is very complicated to bear. Tsk. It's like a battle field. You have no clue if you're going to lost or win. But... "So, nakapag-decide kana ba?" tanong ni Zeus sa akin. Tumingin ako sa kanya at tumango. "Yeah. I think I made a wrong decision before." sa wakas ay tugon ko sa kanya. Napangiti ang dalawa dahil sa sinabi ko. Lalo na ang makulit na si Sean. Tss. "Hihi. So, aamin kana din ba kay Zach?" nakangising tanong ni Sean sa akin pagkatapos marinig ang sinabi ko. What? May sinabi ba kong aamin ako? "Ganon na nga, Sean. Haha. Well, sila naman talaga ang nararapat sa isa't-isa." saad naman ni Zeus. "Pero... Pero Zeus, paano kung huli na nga si ms. Melody para umamin?" pagkalaan ay nag-aalalang tanong ni Sean. Napahinto ako at natigilan dahil sa tanong ni Sean. Napaisip ako sandali sa sinabi niya. Ngunit maya-maya ay ngumiti ako at ako na mismo ang sumagot sa tanong niya. "Then, I will get him back." tugon ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD