Magsusulat na sana ako ng panibagong yugto sa istoryang sinusulat ko ng bigla akong tawagin ng seatmate ko.
"O, bakit?" sagot ko sa kanya.
"Napanood mo na ba yung ero-manga sensei?" masiglang tanong niya sa'kin. Umiling ako sa kanya bilang tugon. "Haha. Bakit? Ano bang klaseng anime yun?" tanong ko din sa kanya.
"Basta panoodin mo nalang. Tiyak na makakarelate ka kasi writer din yung leading man dun. Pagkatapos animator naman yung babae. Promise, maganda." masayang pahayag niya.
Natahimik ako sa sinabi niya. Parang kami pala yun. Yun nga lang, ako ang writer at siya ang future to be animator. Haha.
"Hmm... Sige. Kaya lang love story," dissapointed kong sambit. " Sige. Sana wala namang nakakainis dun." masiglang dugtong ko pa.
Napatawa siya sa naging sagot ko. "Hahaha. Bitter ka kasi e." tumatawang sagot niya sa'kin. Sinamaan ko nalang siya ng tingin at nagsimula ng magsulat.
ZACH
6:30 palang ng umaga nang makarating ako sa classroom. Wala pa ang mga kaklase ko kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Siguradong pagkarating na pagkarating nila ay agad nila kong tatanungin tungkol sa napag-usapan namin ni Melody kahapon. Tsk!
7:00 o'clock ang start ng klase namin, kaya mayroon pa kong 30 minutes para magrelax. Maya-maya ay bumukas ang pinto ng classroom at pumasok doon sina Sean at Zeus. Bakit magkasabay yata sila ngayon? Isa pa, bakit parang ang aga nila ngayon? Nasabi kong maaga dahil kadalasan ay late silang pumapasok, pero mas late lagi si Sean. Matagal kasing mag breakfast ang isang yan. Tsk!
"Bro, good morning!" masayang bati sa'kin ni Sean. Muli akong napabuntong hininga. Sinasabi ko na nga ba.
"Musta? Gumana ba ang plano? Pumayag ba siya?" tanong naman sa akin ni Zeus. Hindi naman siya masiyadong straight to the point, no? Napabuntong hininga nalang ako at napalumbaba sa aking lamesa.
"Sad face? So, failed ba ang plano? Hindi siya pumayag?" tanong pa ni Zeus.
"Haha. Ano pa nga bang aasahan natin kay ms. Melody?" tumatawang saad naman ni Sean. Tsk! Pareho talaga silang baliw ni Zeus!
"Huwag niyo na kong tanungin ng tungkol diyan! Naiinis lang ako lalo e. Tsk!" sagot ko sa kanilang dalawa.
"Haha. Bakit? Ano ba kasing napag-usapan niyo kahapon?" tanong na naman ni Sean. Muli akong napabuntong hininga at sinagot nalang ang mga tanong nila para hindi na nila ko kulitin pa tungkol sa babaeng yun. "Sinabi ko na nga sa kanya yung tungkol sa deal, pero hindi pa ko tapos magsalita ay hindi na agad siya pumayag. She said 'No' at hindi man lang yata niya yun pinag-isipan. Hinabol ko siya at pinilit, pero she said that she hates a relationship like fake. Pagkatapos umalis na siya agad." kuwento ko sa kanila.
"A, paano ba ang pagkakasabi mo sa kanya tungkol sa deal?" tanong ni Zeus.
"I said, 'I'm sorry to bother you, but I badly need a fake girlfriend right now.'" sagot ko kay Zeus.
Nagpipigil ng tawa si Sean at muling nagsalita. "Pfft! Hahaha. Zach, baka she wants a real relationship like real girlfriend-boyfriend. Pfft." sambit ni Sean.
Automatic ko siyang nabatukan dahil sa sinabi niya. "Baliw! Huwag mo na nga kong pinagloloko, Sean! Baka mabatukan ulit kita diyan e." inis na saad ko sa kanya.
Napahawak naman siya sa ulo niyang binatukan ko at nagpout pa. Natigil ang pag-uusap naming tatlo ng may dumating na kaklase namin. Hanaggang sa nagsunod-sunod ng nagdatingan ang iba pa. Dumating na din ang teacher namin, pero wala pa din si Melody.
Absent kaya siya ngayon? Dahil ba yun sa nangyari kahapon? Nagalit ba talaga siya sa akin? Tsk! Bakit ba ang dami kong tanong tungkol sa kanya? Umiling-iling ako at itinuon nalang ang atensyon ko sa teacher naming nagtuturo sa unahan.
Hanggang sa lumipas ang oras at hindi na nga dumating pa si Melody. Dumaan ang recess at pagkatapos ay klase ulit. Ewan ko kung bakit, pero parang ang bagal sobra ng oras ngayon. Gustong-gusto ko ng umuwi agad. Pagkatapos ng 1,999,999,999 years ay nag-uwian na din sa wakas.
"Zach, sama ka ba sa bagong bukas na food shop?" yaya sa akin ni Sean. Tsk! Puro pagkain nalang nasa isip niya.
"Next time nalang. May gagawin ako ngayon." pagtanggi ko sa kanya.
"Ha? Ganon ba? Sige. Bahala ka. Hindi ka makakatikim ng pagkain dun. Haha." pananakot pa sa akin ni Sean. Tsk! Nanakot pa ang isang 'to! Asa naman na matakot ako, hindi ba?
"Ikaw lang naman ang mahilig sa pagkain, dinamay mo pa ko. Ewan ko nga kung bakit hindi ka pa din nataba sa kakakain mo." sagot ko sa kanya. Napapailing nalang si Zeus habang nauna ng naglakad kay Sean. Sumunod naman si Sean sa kanya ng nakasimangot.
Naglakad na din ako pauwi sa amin habang palinga-linga sa paligid. Yung sinabi ko kasing gagawin ko, maghahanap sana ako ng babaeng puwedeng kuhanan ng litrato. Yung kahit hindi nila alam, stolen shot ba para mapakita ko kay lolo kahit na wala akong idalang babae sa kanya. Alam kong pandadaya ang ginagawa ko at pagsisinungaling kay lolo, pero ito lang ang magagawa ko para tuparin ang hiling ni lolo sa akin.
Tsk! Lahat ng babaeng nakakasalubong ko ay wala ng ginawa kundi ang magpacute sa akin. Nakakabanas! Wala akong magagawa kundi kuhanan ng litrato ang isa sa kanila. Tsk! Nagtungo nalang ako sa park at umupo sa may bench. Nakapalumbaba lang ako habang iniisip kung sino sa mga babaeng nakikita ko ngayon ang kukuhanan ko ng litrato. Tsk! No choice talaga ko!
Limang babae ang pinagpipiliin ko ngayon. Yung isa, naglalaro kasama ang mga bata. Tapos yung isa pa, naghahagis ng coins sa wishing fountain. Yung tatlo naman ay magkakasamang kumakain ng ice cream. Hmm... Sino kaya sa kanilang lima? Pero, naisip ko din kung sabihin ko nalang ang totoo kay lolo. Ayoko na kasing maghintay at maniwala pa siya sa mga kasinungalingan pinagsasabi ko.
Hindi ko din naman masisisi ang sarili ko kung bakit hindi pa ko nagkakagusto sa isang tao. Wala din naman kasi talaga kong hilig sa mga babae. Sabi nga ni Zeus, 'Girls are nothing, but a headache to us.' They are indeed too obssess to us, too loud and hard to understand. Tsk!
Back to reality, nilabas ko na ang cellphone ko at pinindot ang camera. Pumikit ako at inilagay ang cellphone na hawak ko sa center. Bahala na kung sino ang makuhanan ko ng litrato sa kanila. Habang nakapikit ay pinindot ko ang click button. Pagkatapos ay muli akong dumilat. Tiningnan ko kung sino yung nakuhanan ko ng camera.
"Ha?" Yan nalang ang nasabi ko ng makita ang mukha ni Melody sa cellphone ko. Walang emosyon pa siyang napatingin sa akin ng makuhanan ko siya ng litrato. Kaya hindi halatang screen shot ang ginawa ko. What a coincidence?