CHAPTER 5

1176 Words
Kasalukuyan akong nagsusulat ng panibagong yugto ng aking istorya ng bigla akong kalabitin ng seatmate ko. "Hey, later na yan. May group activity pa tayo e." puna niya sa akin. Napasimangot tuloy ako. Waah! Kainis naman e. Nasa good part na ko ng istoryang sinusulat ko. Huhu. "Wait lang. Promise! Last na'to, then susunod na ko sa'yo. Hihi." sagot ko sa kanya. Pagkatapos nagpa-cute pa ko sa kanya. Malay mo tumalab. Haha. "Haha. Bahala kana nga d'yan." Pagkatapos ay iniwan niya na ko. Waah! Sabi ko na nga e. Wala talagang talab sa kanya. Well, okay lang naman sa akin. Okay lang talaga. Tss. ZACH Napaatras ako at muntikan pang malaglag sa bench na inuupuan ko ng makitang nakaupo na pala si Melody sa tabi ko. "What are you doing here?" tanong ko sa kanya. Napalingon siya sa gawi ko at walang emosyong nagwika. "I'm always here." walang ganang sagot niya sa akin. Hala! Oo nga pala, yung unang pagkikita namin ay dito din sa park. Nagbabasa pa siya noon ng libro habang nakikinig ng musika. Naistorbo ko nga lang siya. "I'm sor-" Napahinto ako sa pagsasalita ng makita kong nakatingin siya sa cellphone ko. Tumingin din ako sa cellphone ko para malaman ang dahilan ng pagtingin niya dito at agad na nanlaki ang mata ko sa nakita. Yung picture niya pala kanina! "Oh? Is it me?" tanong niya sabay turo sa phone ko. Ano ngayong ipapaliwanag kong dahilan sa kanya? "A... E... wala! Hala? May ibon sa puno, o!" sigaw ko sa kanya sabay turo sa punong pinagbagsakan ko dati. Lumingon naman siya doon at sa paglingon niya ay agad akong kumaripas ng takbo pauwi sa bahay. Hinihingal akong napaupo sa sofa habang inaalala ang nangyari kanina. "Oh? Dear, you're already here. Bakit ngayon ka lang umuwi?" Hinihingal akong lumingon sa pinanggalingan ng boses. Doon ay nakita ko si mommy na nakataas ang isang kilay at nakapamewang pa. "Oh? I thought you have some works to do with dad?" tanong ko din sa kanya. By the way, my family is the owner of a big company. Kaya madalas ay wala sila sa bahay at minsan pa ay nasa overseas silang dalawa. I don't have a sibling kaya madalas din ay mag-isa lang ako sa bahay. Kaya nga naging tambayan na din nila Sean at Zeus ang bahay at kung minsan ay nags-sleep over pa sila dito. "Look. Umuwi ako ng bahay para lang ipagluto ka ng dinner. Kasi, you know? Baka nagtatampo kana sa amin ng dad mo at bigla kang magrebelde sa amin. Waah! Ayokong mangyari yun!" pahayag ni mommy. Tsk! Kahit kailan talaga, overacting si mommy at isip-bata pa. Madalas ay tinuturing niya pa kong baby. Forth year high school na kaya ko. Tsk! "I'm hungry. Let's eat." pag-iiba ko ng usapan. Baka tuluyan ng magdrama 'to si mom e. Pagkatapos ay tumayo na ko at nauna ng nagtungo sa dinning area. Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. Ano na kayang gagawin ko bukas? Baka isipin na ni Melody na stalker niya ko. Una, I ask her if she can be my fake girlfriend. Then, nakita niya pa kanina na nakuhanan ko siya ng litrato. Iniwan at tinakbuhan ko pa siya ng hindi man lang nagpapaliwanag sa kanya. Muli akong napabuntong hininga dahil sa mga kahihiyang bagay na ginawa ko. •••• Nasa school ako ngayon at kapansin-pansin ang madalas na pagbuntong hininga ko. "Uy, Zach! Bakit parang hindi ka mapakali sa kinauupuan mo?" tanong ni Zeus sa akin. Hindi ko siya pinansin at nagpalinga-linga sa paligid. Sana hindi nalang siya pumasok. "Oo nga. Haha. Para kang natatae na ewan. Haha." wika naman ni Zeus. Kutusan ko 'tong dalawang to e. Kung hindi lang talaga ako kinakabahan ngayon. "Siguro may nangyari tungkol sa 'May gagawin ako' kahapon no?" tanong ni Sean. "Parang ganon na nga." sagot ko sa kanya. Kung mananatili kasi akong tahimik, tiyak na kukulitin lang nila ko lalo. "E?! Ano ba kasing ginawa mo kahapon, Zach?" gulat na tanong na naman sa akin ni Sean. Tsk! Hindi ba sila mauubusan ng tanong sa akin? Agad kong kinuwento sa kanila ang nangyari kahapon. Oo nga pala, mas maaga akong nagising ngayon. Kaya naman maaga din akong nakapasok. Pero ang naiba lang ngayon, sabay-sabay kaming tatlong pumasok. Tsk! Sinundo kasi nila kong dalawa. "Hahaha. Pfft... Grabe! Hindi ako makapaniwala sa nangyari, Zach. Hahaha." tumatawang komento agad ni Sean pagkatapos kong magkuwento. With matching hawak pa siya sa tiyan niya ha. Hindi ko nalang siya pinansin at tumingin ulit sa pinto ng classroom para malaman kung darating at papasok ba si Melody. Mahirap na kasi, hindi ba? "Well, Sa dinami-dami ba naman kasi na puwede mong makuhanan ng litrato, siya pa talaga." napapailing namang saad ni Zeus. Tsk! Bakit ayaw nalang nilang manahimik? Samantala, para akong naistatwa at tila bumagal ang oras ng makita kong papasok mula sa pinto si Melody Scarlet. Hala? Ano na nga bang gagawin ko ngayon? Bigla nalang din tumahimik yung dalawa kong makulit na kaibigan ng makaupo na si Melody sa upuan niya. Malapit ng mag-start ang klase kaya kakausapin ko na siya ngayon. Huminga ako ng malalim at saka nagwika. "A, pasensiya kana nga pala sa nangyari kahapon. I really don't want you to involved again and It's really an accident. Kailangan ko lang kasi talaga para sa lolo ko. May sakit siya at..." Napahinto ako sa pagsasalita ng mapansin kong nakatingin lang sa akin si Melody habang walang emosyon ang mukhang nakikinig sa akin. "And?" saad ni Melody. Hala? Seryoso ba talaga siyang makinig sa akin? Hindi niya ba puputulin ang sasabihin ko? "At... At... naisip kong kuhanan nalang ng litrato ang kung sino mang babaeng makita ko para kahit wala akong mapakitang babae kay lolo... yun na nga. Sorry talaga." paliwanag ko sa kanya. Pero ang totoo talaga, hindi ko alam kung bakit sinasabi ko din sa kanya ang bagay na 'to. Napabuntong hininga tuloy ulit ako ng wala sa oras. "Okay. By the way..." sambit ni Melody. Hala?! Nananaginip ba ko ngayon? Tama ba ang pagkakarinig ko? Yung okay niya, nadagdagan? "What?" kunot-noong tanong ni Melody ng makita ang reaksyon ko. Nagbalik sa reyalidad ang isip ko ng magsalita muli si Melody. "Nothing." nakangiting tugon ko sa kanya. Pagkatapos ay hinintay siyang magsalita ulit. Buti nalang nga at wala pa ang iba kong kaklase. Kundi ay aasarin na naman kami ng mga yun. Tsk! "Well, By the way... I wants to say sorry too. I'm not in a good mood before, so I said no without hesitation. So, yeah. Pumapayag na ko sa sinasabi mong fake something or whatsoever," walang emosyon niyang paliwanag. Muli akong napatulala sa harap niya dahil sa narinig. Pati yung dalawa kong kaibigan na nakaupo sa unahan namin ay napalingon sa aming direksyon. Teka... totoo ba' tong naririnig ko ngayon? Pumapayag na siya sa deal? "So, tuloy ba yun o hindi na? Just tell me already." saad pa ni Melody. "No, tuloy pa din yun. So, deal?" sagot ko sa kanya. "Deal." walang emosyon niyang tugon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD