CHAPTER 10

1157 Words
Muli akong lumingon sa upuan ng seatmate ko, pagkatapos ay muling nagsulat. Pagkatapos ay muli akong napabuntong hininga. Sa muling pagkakataon ay muli akong lumingon sa upuan ng seatmate ko at binitawan na ang hawak kong ballpen at saka binaling ang tingin sa kaibigan kong bakla. "Pst! Bakla!" tawag ko sa kanya. Agad naman siyang lumingon sa akin. "Nasaan si ano? Bakit absent?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin ng mapang-asar bago sinagot ang tanong ko. "Bakit mo hinahanap? Yiee. Ikaw, Ice ha. May lihim na pagtingin ka kay SC ha. Hahaha." asar niya sa'kin. Mabilis naman akong tumanggi sa kanya. "Uy, wala kaya! Hinahanap ko kasi hindi naman lumiliban sa klase yun e. Malay mo may nangyari na palang masama dun. Tss." asar na tanggi ko sa kanya. "Mali ka ng kalahati. Hahaha." tugon niya na akin namang ipinagtaka. "Kasi namatayan sila kaya hindi siya makakapasok ngayon." dugtong niya. Napapatango na lamang ako sa sinabi niya. Malungkot kaya ang taong yun ngayon? ZACH "Hey, wanna eat some ice cream?" pangalawang beses na-na tanong ko kay Melody. "No, thanks." sa wakas ay tugon niya din sa akin. Reverse universe na ba ang mundo ngayon? Siya na nga ang ililibre ng ice cream, ayaw niya pa. Tsk! Bahala na nga siya sa buhay niya. "Hey, can we take a picture?" panibagong tanong ko na naman kay Melody. Kaya lang ay nanatili pa din siyang nagbabasa ng libro niya. Sige, kausapin mo yang libro mo! "Later." sagot niya sa akin habang nagbabasa pa din. So, ano palang gagawin ko at sumama pa ko sa kanya dito sa park? Tutunganga at papanoorin siya habang nagbabasa? Oh, come on. "Hey, Don't you think you are too busy of reading your book? Why not talk to me. Maaga pa naman e." naaasar ng saad ko sa kanya. Napatingin na din siya sa wakas sa direksyon ko at kunot-noo akong tinitigan. "Ikaliligaya o may gratitude ba kong makukuha sa pakikipag-usap sa'yo?" tugon niya. Pagkatapos ay muli na naman siyang nagbasa. Teka lang, parang ang lala yata ng ugali niya ngayon? Alam ko may narinig na ko dati kung bakit minsan masungit ang isang babae. A! Alam ko na! May dalaw siya! I mean sa tuwing nagkakaroon daw sila ng meanstration ay biglang sumusungit ang mga babae. Ewan ko lang kung totoo. Si Sean kasi nagsabi sa akin niyan e. Kay Zeus may tiwala pa ko kahit papaano. Tsk! "Hey, Mayroon kaba ngayon kaya ganyan ka?" tanong ko kay Melody. Nabigla ako ng isarado bigla ni Melody ang binabasa niyang libro at mas malalang kunot-noong tumitig sa akin. Wow naman. Nagkakaroon na siya ng onting expression kahit blanko pa din ang mga mata niya. Haha. "What did you say again?" tanong niya sa akin. Sabi ko na nga ba at bingi lang talaga 'tong babaeng 'to e. Kaya paulit-ulit akong nagtatanong at nagsasalita sa kanya lagi. Tsk! "Sabi ko kung may dalaw kaba ngayon at ganyan ka?" pag-uulit ko pa sa tanong ko kanina. Kaya lang, mas lalong naging expressionless ang mukha ni Melody ngayon. Bakit kaya? May nasabi kaya ako sa kanya na hindi maganda? "You are naive." sambit niya. Nanliit ang dalawang mata ko ng marinig ang sinabi niya. Aba! Loko 'tong babaeng 'to! "What? I'm naive? How could you say it to me?" asar kong saad sa kanya. "Yeah, yeah. You really are." walang gana naman niyang tugon sa akin. Pasalamat siya at babae siya. Isa pa, buti nalang at mayroon siya ngayon. Kaya pagbibigyan ko muna siya. Pero... "I'm not naive. Maybe, you're just upset right now because of your period day." kalmado kong tugon sa kanya. "No, you really are. Like how could you ask a question that can embarrass a kind of girl like me? That's why you are naive." tugon niya. Aba! Humahaba na ang sentence niya a. Hindi ko naman maintindihan ang nais niyang iparating sa akin. "Ha? Can you make it clear? As far as I know, wala akong tinatanong sa'yo na puwede mong ikahiya." sagot ko naman sa kanya. Clueless ang mukha na mapahilamos nalang si Melody dahil sa sinabi ko at pinagpatuloy nalang ang pagbabasa ng kanyang libro. "Hey, tanong ko lang ulit. Ano bang mayroon sa libro na yan para ipagpaliban mo ang pakikipag-usap sa akin?" seryosong tanong ko sa kanya. Tumigil siya saglit sa pagbabasa, pero ang atensyon niya ay nasa libro pa din at saka siya nagwika. "My answer is what you wants ba? Well, there is something in the book that only a readers can understand." matalinhagang tugon niya sa akin. Hala? Matanong ko na nga si Zeus bukas. Tutal ay may pasok naman bukas. Mahilig din ang isang yun sa libro kaya baka masagot niya ang tanong ko. Kaysa naman sa babaeng' to. Mas lalo kong hindi nag-gets e. Tsk! Napahinto ako ng biglang mag-ring ang cellphone ko. Si Melody ay busy pa din sa pagbabasa kaya hindi na ko nagpaalam sa kanya nang umalis ako at sinagot ang tawag. Nasa park pa din naman ako at lumayo lang kay Melody. "Hello?" bati ko sa kabilang linya. Nakarinig ako ng pag-iyak sa kabilang linya na akin namang ikinabahala. "Hello? Anong nangyari? Hello?" tanong ko pa sa kabilang linya. Napahinto sa pag-iyak yung nasa kabilang linya at natahimik ito sandali. Tiningnan ko kung sino ba ang tumawag sa akin at nalaman kong si mommy pala iyon. "Anak..." saad ng nasa kabilang linya. Medyo c***k pa ang boses niya. "Bakit, mom? Why are you crying? Is there something wrong?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. "Zachary... your lolo, he's dead." umiiyak na usal ni mom. Tuluyan na kong natigilan dahil sa narinig. Totoo ba ang narinig ko? Totoo ba ang sinabi ni mommy? Wala na daw si lolo? Hindi ko alam, pero bigla kong napindot ang end button at bumalik sa kinalalagyan ni Melody kanina. Tahimik lang akong tumabi sa bench na inuupuan niya habang tulala at sinasariwa pa din ang sinabi ni mommy kanina sa akin. "Hey, its already afternoon. I will go home." emotionless na paalam ni Melody. Akmang aalis na siya ng bigla ko siyang pinigilan. Nagtatanong ang mga mata niya naman akong tinitigan. "Puwede mo ba kong samahan pa kahit ngayon lang?" may lungkot sa tinig na tanong ko sa kanya. Muli siyang umupo sa bench at pinagpatuloy ang pagbabasa ng libro. "What's wrong?" tanong niya habang ang atensyon ay nasa libro pa din. Napatingin ako sa kanya at hindi maiwasang malungkot dahil sa nalaman at binalita sa akin ni mommy kanina. "Nothing. It look likes I realize that every living things can be gone someday too, My lolo... he's dead according to my mom." tugon ko sa kanya. Kahit na nakatingin pa din siya sa libro niya, alam kong natigilan at napahinto siya sa pagbabasa dahil sa sinabi ko. "Condolence." saad niya. Hindi ko alam kung bakit, pero kahit papaano ay gumaan ang loob ko at napangiti ako dahil sa sinabi niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD