Pagdating nya sa opisina nila ay agad na syang dumiretso sa opisina ng design department. Hindi pa man nag - iinit ang pwet nya sa upuan ay agad na silang pinatawag sa conference room ng ama nya. Sya at ang dalawa pang ibang arkitekto.
Pagpasok nila sa meeting room ay naroon na rin ang tatlong Senior Engineers at ang papa nya na tinangoan lang sya nang magkatinginan silang dalawa at may isang nakapusturang babae sa tabi nito na daig pang nasa mall pupunta, dahil sa suot nitong kinulang ata sa tela, maikling short at v- neck na nga sa harapan, backless pa ito. Makinis naman ito, pero walang amor sa mata nya. Marahil ito ang kliyente nila na sinasabi ng mama nya.
Nang magsimula na ang meeting nila ay agad syang napalunok ng laway nang biglang may kumiskis sa gitna ng hita nya. Nang yukoin nya yon ay ang paa ng kliyente nila na kinidatan pa sya nang tignan nya ito. Pasimple nyang inurong ang upuan para hindi na maabot nito ang hita nya. Hindi sila sa main conference room nagmeeting dahil konti lang naman sila.
Meeting pala yon para sa building na gustong ipatayo ng kliyente nila, two storey residential house plus hotel na may 20 palapag, malaking infinity pool at landscape para sa resort nito na gustong ipatayo sa Tagaytay para gawing bahay bakasyonan at negosyo. Kaya pala hindi na sumama ang ama nya sa meeting dahil pumirma na ito nang kontrata sa kanila. Akala nya ay board meeting yon. Yon pala gusto raw nito mamili sa kanila nang hahawak ng project na ipapagawa nito. Isa itong single mom at naghahanap daw ito ng mapapangasawa. Wala naman syang pakialam sa mga pinagsasabi ng kliyente nila dahil hindi rin naman sya interesado rito.
Napabulong nga sya na hindi ang opisina nila ang dapat puntahan para maghanap ng mapapangasawa, dapat sa dating app o kaya sumali ito sa mga shows na nag ooffer nang date na ikinatawa naman ng mga katrabaho na katabi nya.
" I want this guy to build my dream house in Tagaytay. " Ani ng kliyente nila na nakaturo ang daliri sa kanya.
" Sorry po mam, pero hindi po ako pwedeng magdesign nang gusto nyong project. Pero recommended ko po sa inyo ang dalawa kong kasama rito na sila na lang po ang bahala sa inyo. " Nakangiting saad nya rito na biglang ikisimangot ng kliyente nila nang tanggihan nya ang gusto nito.
" Pero ikaw ang gusto ko! Kung hindi ikaw ang gagawa ng bahay ko, then walang project na magaganap! " Banta nito sa kanya na hindi man lang nya ikinabahala.
" Okay, if that's what you want mam, wala na po ako nyan magagawa. Siguro po pumunta na lang po kayo sa ibang firm na kayang iacommodate po ang gusto nyo. Marami po kasi talaga akong on going projects na hinahawakan ngayon, kaya hindi po ako pwede na kumuha pa nang panibago. Salamat po sa pagpunta nyo rito. Have a nice day po mam. " saad nya rito na mas lalong ikinsimangot nito.
" Kelan ka ba magiging akin? Este available? " Tanong ng kliyente nila na ikinatawa ng mga kasamahan nya sa trabaho na ikinailing naman nya.
" Mam, sorry pero po hindi naman sa pagmamayabang. Simula po kasi nang magtrabaho ako dito sa firm, hindi pa ako nababakante. Kahit itanong nyo pa po sa mga kasamahan ko rito. Loaded po kasi ako, kaya itong dalawang lalaki sa tabi ko ang pwedeng maging Architect nyo po. Ngayon po mam, kung naghahanap kayo ng mapapangasawa, wala po non dito. Dahil pure work po ang ibibigay namin sa inyo hindi love life. Pero baka po sa ibang firm makahanap kayo nang hinahanap nyo. " Nakangiting saad nya rito sabay kindat dito na ikinangiti nito nang malapad na animo'y kinikilig sa kanya.
" Okay, kapag ba pumayag ako na maging Architect ang isa sa kanila. Pwede akong pumunta rito para makita ka? " Saad ng babae na biglang nabuhayan sa agenda nila.
" Siguro po mam! Pero kayo ng Architect and Engineer na nakatoka sa inyo ang mag -uusap para sa project na ipapagawa nyo po. Pwede rin po kayong pumunta rito, kung magdadala kayo ng pagkain, este magbabayad kayo sa billing nyo. " Ani nya sa babae na abot tenga ang ngitian sa kanya sabay sabit ng buhok nito sa may tenga.
" Lagi ka bang nandito sa opisina ninyo? " Tanong nito sa kanya na ikinatawa nya nang malakas.
" Nope, lagi akong nasa labas, minsan lang ako nandito kapag may special meeting and prob sa site, pumupunta ako rito para magprint nang revision sa plano. Kaya kung magpapagawa po kayo samin ng plano maraming salamat pero kung ako po ang sadya nyo dito, sorry po mam. Pero may asawa't mga anak na po ako, loyal po ako sa family ko. " Nakangiting saad nya rito na biglang ikinalungkot nang mukha nito.
" Ganon ba? Akala ko pa naman single ka. Kasi ang fresh mo at napaka gwapo mo pa. " Nakabusangot na mukha nito habang nakatingin sa kanya.
" Nope, kaya sorry po mam. Siguro magaling lang talagang mag alaga ang asawa ko, kaya ganito po itsura ko. Kaya po mam, kapag nakahanap na kayo ng mapapangasawa ingatan at alagaan nyo rin po nang maayos para maging ganito ka fresh ang asawa nyo. " Saad nya rito habang linalapitan ang babae, hinawakan pa nya ang magkabilang balikat nito para iharap sa dalawa nyang kasamahan sa trabaho.
" Ngayon po mam, sino sa kanila ang gusto mong biktimahin? Este maging Arkitekto? Pareho pa yan mga binatang dalawa. " Natatawang saad nya habang tinuturo ang dalawang katrabaho at minasahe pa nya ang balikat ng babae sabay akbay rito.
" Siguro sya! Pogi rin kasi, kaya sya na lang ang pipiliin ko. " Ani ng babae sabay turo sa best friend nya na biglang sumimangot.
"Okay mam meet Architect Xavier Delgado. Ang lalaking gagawa ng bahay mo at nang hotel and resort na gusto nyong ipagawa sa Tagaytay. "pakilalala nya sa kaibigan habang pigil sya na matawa. Habang ang isa pa nyang kaibigan ay halos napasuntok sa hangin dahil sa labis na tuwa.
" Okay see you tomorrow Architect Delgado para sa site inspection natin. " Ani ng babae na abot tenga ang ngitian sa kaibigan nya.
" Okay mam, see yah baby? " Nakangiting saad ng kaibigan nya na ikinahagalpak nilang dalawa ni Dex nang tawa.
Pag alis ng babae ay agad syang sinuntok ng kaibigan nya sa braso dahil halos maluha- luha na sya sa kakatawa rito.