Porsyento

1044 Words
" Tang*** ka talaga Mark Suarez! Sayo dapat yong mukhang ewan na yon! Kababaeng tao, napaka. Haist! " Saad ng kaibigan na niyakap na sya sa leeg at hinawakan ang matangos nyang ilong. " Asus, baka mamaya or bukas makita ko nalang kayo na ang mag - jowa. " Humahagalpak nyang tawa, habang panay naman ang pisil sa kanya ni Xavier sa mukha at katawan nya. "Gag*! Never! Kahit sa panaginip, hindi ko yon papatusin! " Ani nito na panay na ang pengot sa tenga nya. " Aray! Ayaw ko na! Stop na Xavier! Ang sakit na, tang***! "Ani nya sa kaibigan na halatang pikon sa biro nya. " Hey! Guys? Ano nakuha nyo ba yong project ni mrs. Lavenia Legh? " Ani ng ama nya nang makita sila nitong nagkukuletan na sa labas ng conference room. " Yes sir! " Sabay - sabay na saad nilang tatlo na magkakaibigan sa ama nya na naka kunot ang noo nang makita sila nitong naghaharotan. " Good! Then who's the lucky one or should I say lucky pick? " Natatawang biro ng ama nya sa kanilang tatlo. " Ako po sir. Ito po kasing si Mark, nagpanggap nanaman na may pamilya na sya. Lakas nang trip magkaroon ng instant na pamilya kuno. At busy rin daw po sya sa mga projects nya. " inis na saad ng kaibigan na siniko pa sya dahil panay ang tawa nilang dalawa ng isa nya pang kaibigan. " Okay dahil ikaw ang nakipag deal don sa kliyente natin. Sayo na ang 2 percent nang profit ng project na yon. Good luck Arch. Delgado. Malaki ang project na nakuha mo kaya galingan mo! " Saad ng ama nya na kinamayan na ang best friend nya na tuwang - tuwa dahil sa balita ng ama nya rito. " Yun oh! Thank you so much po sir! " Ani nito na binelatan silang dalawa ni Dex na biglang napakamot sa ulo nito. " Sir, pano po kami? " Ani nya sa ama na umiling pa bago magsalita. " Diba sabi mo busy ka? Panindigan mo. Kaya nga kayong tatlo ang pinapunta ko rito dahil kayong tatlo ang may konting hawak na projects diba? Dalawa sayo, tatlo kina Santiago at Delgado. So sa isip ko papatusin mo yong malaking project na yon dahil patapos na rin ang dalawang projects na hawak mo. Yon pala mag iinarte ka. Sigurado sinabi mo nanaman na may asawa't mga anak ka. Dahil yon naman ang laging linyahan mo. Kung ganyan lagi ang rason mo, mas mabuti pang magpamilya kana nga. Nasa construction works ka, kaya wag kang maarte at mapili sa kliyente. Tayo ang lalapit sa mga kliyente, hindi sila. " Saad ng ama nya na nagsimula nang maglakad papunta sa opisina nito habang panay ang buntong hininga. Hindi na sya sumagot dahil totoo naman ang sinabi nito. Kita nya rin sa mukha nito ang disappointment sa kanya. " Oh diba, yan ang napala mo ngayon. Mag - paasa kapa at mag - sinungaling sa ibang tao. San ka ngayon? Asawa't anak pala ha. Mag pamilya kana raw sabi ng boss natin. " Natatawang saad ni Xavier na nakipag apir pa kay Dex na ang lakas pa nang tawa. " Lagot ka! Mukhang mauuna kapang mag - pakasal kesa sa akin. "Ani ni Dex na sinuntok pa ang braso nya habang tumatawa nang malakas. Hindi alam sa opisina nila na anak sya ng may - ari tanging sina Xavier at Dexter lang ang nakakaalam dahil mga classmates nya ito at magkakaibigan sila simula high school. Boss nya sa trabaho pero ama nya ito pag uwi ng bahay nila. Sya ang nagsuggest dito na ituring syang pangkaraniwang empleyado nito. Kaya pare - pareho ang sahod nilang tatlong magkakaibigan. Starting salary ika nga, project base silang tatlo dahil mga bagohan palang sila, pero sa kompanya nila silang tatlo nag apprenticeship. Kaya nong makapasa silang tatlo ay kinuha agad sila nang kompanya ng papa nya. Nagkakatalo lang nang kita depende sa projects na hawak nila. Marami silang projects pero dalawa lang ang hawak nya dahil pihikan talaga sya, lalo na kung babae ang kliyente. Agad nya yon ipinapasa sa iba. May isa pang nakakaalam na anak sya ng may - ari, ang HR manager. Ito kasi mismo ang naghire sa kanilang tatlo. Sa tuwing tinatanong sya ng ibang empleyado kung bakit same sila ng surname ng may - ari, sinasabi nya na lang na baka sya ang nawawalang anak nito o kaya nagkataon lang na ka apelyedo nya ito. Nong college pa sila, sya lang dapat ang kukuha ng architecture, business course kay Xavier at medicine naman kay Dex. Galing sa malaki at kilalang pamilya ang dalawa. Ang pamilya kasi ni Xavier ay may - ari ng mga bangko at iba pang mga negosyo. Samantalang ang pamilya naman ni Dex ay mga doctor at nurses. Ang mga magulang ni Dex ang may - ari nang isang kilalang hospital dito sa bansa at may mga pharmacy rin ang mga ito. Lahat silang tatlo ay pare - parehong mga bunso kaya siguro magkakasundo silang tatlo sa lahat nang bagay except sa babae. Never silang nag away sa babae dahil iba - iba rin ang type nilang tatlo. Nong nag - paenrol sya sa architecture ay natawa na lang sya dahil yong dalawang kaibigan nya ay nagpaenrol rin kasama nya dahil mukhang mas may thrill daw sa architecture. Nong nalaman ni Mary Grace na nasa isang school silang tatlo ay agad rin itong nagpaenrol sa parehong school. Ang sabi nito sa kanila ni Dex after nilang magtapos sa senior high ay sa ibang bansa na raw ito mag - aaral. Kaya nong makita nila ito sa school napangiti na lang silang dalawa. Buti na lang at malayo ang building ng business course sa engineering and architecture building kaya madalang nila itong makita. Gaya nong senior high sila ang mga naging team captain nang mga varsity ng paaralan nila, sya sa basketball, si Dex sa football at si Xavier naman sa swimming team. Naging solid ang samahan nilang tatlo, hanggang sa nagkaroon sila nang trabaho. Ang lahat nang porsyento na nakukuha nilang tatlo ay linalagay nila sa kani kanilang ipon. Ang sahod lang nila ang ginagamit nila para sa budget nila sa araw - araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD