" Hoy Mak, san tayo next week? " Saad ni Xavier habang papasok sila sa cubicle nila sa opisina.
" Oo nga Mak? Ikakasal na ako next month, pero hanggang ngayon hindi pa ako nakakatikim nang libre mo! " Ani naman ni Dex na itinulak pa sya sa may table nya.
" Bakit anong meron next week? Oh bakit ako ang manglilibre? Bakit kasalanan ko ba na mag - aasawa ka na? Gusto mo yan diba? Di ikaw ang gumastos. " Natatawang saad nya sa mga kaibigan na pinagtulungan syang wrestlingin nang dalawa.
" Sige libre ko na ang inom next week sa birthday mo. Kakahiya naman kasi sayo. Pero ito ang usapan natin, ibibigay mo ang virginity mo sa babaeng ibibigay namin sayo. Ano deal? " Natatawang saad ni Xavier na sinigundahan naman ni Dexter.
" Sige ako na bahala sa room mo at sa babae. " Ani ni Dex na ang lakas makatawa.
" Ano deal?! " Halos sabay na tugon ng dalawa na inilahad pa ang kamay nang mga ito sa harapan nya na may hawak na mga condom na magkaibang flavor.
" Okay deal! Yun lang pala. Pero siguradohin nyong malinis yang babae ha! " Saad nya sa dalawa sabay kuha ng mga condom sa palad nito.
" Yun ang gusto namin. Tara trabaho na tayo para may accomplishments tayo ngayong araw. " Ani ni Dexter na umupo na sa table nito ganun din sya.
" Well, ako may accomplishments na kayo ang wala pa. " Natatawang saad ni Xavier na minasahe pa ang mga balikat nila ni Dex.
" Hoy nakita nyo na ba yong bagong accounting clerk mga mate? Bababoom ang katawan at ang mukha! Swerte ng mga trabahador natin, up to sawa ang tingin nila rito. Sigurado ako may mga nagsasalsa* sa mga trabahador habang nakatingin don, parang ang sarap ikama. Sa mga project ni Arch. Simon at Engineer Dy ito na assign. " Ani ni Xavier na tinignan pa silang dalawa sabay hawak sa alaga nito.
" Gag* mo talaga! Ewan ko sayo! Dyan kana nga mate! Para kang tang* dyan na manyak! " Ani ni Dexter na tawang - tawa sa pinaggagawa ni Xavier na pagmasahe sa alaga nito.
" Type mo ba mate? Nakita ko na rin yon nang isang beses, nakasalubong ko sa hallway. Okay naman, pero ewan, ayaw ko talaga sa babae ang sobrang laki ng dibdib. Parang ako ang nabibigatan. " Natatawa nyang saad sa kaibigan na napailing na lang dahil sa sinabi nya.
" Diba may motto tayong tatlo, mga gag*! Tsaka sa utak ko napagsawaan ko na yon. Ano ba kayo! Yon nga ang masarap ded*an yong mga malalaki ang bumper. " Natatawang saad ni Xavier na ikinatawa naman nila ni Dexter.
" PWEDENG MANYAKIN SA TINGIN PERO HINDI PWEDENG TIKMAN NANG SAPILITAN. " Sabay - sabay nilang saad na tatlo habang nagtatawanan.
Hindi rin sila pwedeng tumalo ng kaibigan. Pwede kong hiwalay na ito ng isa nilang kaibigan saka popormahan ng isa. Nangako kasi silang tatlo na hindi babae ang sisira nang pagkakaibiggan nila.
" Ewan ko sa inyong dalawa, magtrabaho na tayo. May for revision akong estimate, siraulo kasi yong foreman na nakuha nang HR. Pinabili ang mga materials sa mababang presyo. Kailangan tuloy nang additionals. Buti na lang talaga at hindi ko pa sinagad yong materials na pinadala sa site. " Inis na saad nya na tinawanan naman ng dalawa.
" Bye bye kita ba mate? Ganon din ang ginawa sakin nong foreman na yon. Kaya halos wala kaming kita don sa isang project ni Engineer Sebastian. " Napapailing na saad ni Xavier.
" Hindi naman. Ever since naman hindi ako nagpapafull blast nang padeliver ng mga materyales sa site. Kaya si Engineer Fortuno na ang bahala don sa foreman. Baka nga pinaterminate na yon ngayon. " Napapailing nyang saad sa mga kaibigan.
" Oo nga pala mga mate, kumusta ang mga lovelife nyo? Ako kasi parang nakita ko na ang love of my life. " Ani ni Xavier na binato nilang dalawa ni Dex nang crumpled paper.
" Itulog mo na yan. Pang ilang love of your life mo na ba yan? Si Mrs. Lavenia Legh ba ang tinutukoy mo mate? " Natatawa nyang biro dito.
" Gag*! Yuck! Hindi noh! Basta pakilala ko sa inyo soon, kapag kami na. " Kinikilig na saad ni Xavier na ikinailing nila ni Dex.
" Basta ako, masaya na ako kay Bianca. Kayong dalawa na lang ang dapat na umayos sa buhay. Basta mga mate bestman ko kayo ha! Tsaka Mak, ikaw na bahala sa bridal walk namin. " Ani ni Dex na tumawa pa nang malakas sabay print nang ginagawa nito.
" Oo na! Service fee ko, bayaran mo! " Anas nya rito na panay ang tawa.
" Hoy ikaw, kelan ka ba talaga papasok sa relasyon!? Ano NGSB (no girlfriend since birth) lang? Sigurado kapag may matapang na babae na natipohan ka, pikot kang bata ka. " Tanong sa kanya ni Xavier na ibinato pabalik ang crumpled paper na ibinato nya rito kanina habang ang lakas nang tawa.
" Surebol yan mate! " Segunda ni Dex na nakipag - apir pa kay Xavier na hawak na ang tyan sa kakatawa.
" Magtrabaho na kayo! Dami nyong alam. " Pikong saad nya sa dalawa na tawang - tawa sa kanya.
" Ako tapos na magtrabaho, alis na ako, kita kits na lang mamaya sa pag out. Punta na ako sa mga projects ko. Basta yong pustahan nating tatlo ha! " Ani ni Dex na kinuha na ang prinint nitong plano.
" May pupuntahan ka ba ngayon mate? " Tanong ni Xavier sa kanya.
" Wala naman, bakit? Tinatapos ko lang itong plano for submission for completion and for filing. Plus yong for revision ko na estimate. " Sagot nya rito.
" Pahiram ako nang service mo, puntahan ko rin yong mga projects ko. Patapos na rin kasi. " Ani nito na inakbayan pa sya.
" Sige na, pakainin mo lang sa oras si mang Noel. "ani nya rito, sabay kuha ng cellphone nya at tinawagan ang nakatuka sa kanyang driver.
" Hello po mang Noel, si Architect Delgado po muna ang seservisan nyo po ngayon. " Saad nya sa driver.
" Okay po sir. Hintayin ko na lang po sya rito sa parking area. " Sagot ni mang Noel sa kanya.
" Opo! Maraming salamat po. " Tugon nya.
" Thank you mate! I love you! Bye kita kits mamaya. " Saad nito na hinalikan pa sya sa pisngi sabay hablot nang jacket nito na nakalagay sa mesa at takbo palabas nang cubicle nilang tatlo.
" Gag*! Pasalubong ha! Putong bigas mate! " Sigaw nya sa kaibigan na sa may pinto na ng opisina nila.
" Alright mate! " Balik sigaw nito na nag flying kiss pa sa kanya. agad nya itong tinaasan ng mga kamay at nagmiddle fingers na tinawanan lang nito nang malakas.
Pagkaalis ng mga kaibigan nya ay agad na syang humarap sa desktop nya at nagsimulang magtrabaho.