" Good morning po? Nandito po ba si Architect Mark Suarez? " Ani ng isang babae na pumasok sa department nila.
" Yup nandon po sya mam sa dulo na cubicle. "sagot ng isang kasamahan nya sa opisina.
" Architect Suarez sir? "tanong sa kanya ng isang empleyado na biglang nahiya nang makita sya nito.
" Yes po mam. Bakit po? " Nakangiting saad nya rito na biglang tumalikod saglit sa kanya dahil bigla itong nasamid.
" Ang gwapo nyo po sir. " Nagpapacute nitong saad sa kanya na ikina awang na lang ng bibig nya.
" Po, mam? " Takang tugon nya rito.
" Po? Sorry po sir! Sabi ko po, pinapupunta po kasi kayo ni ms. Mia para pirmahan nyo raw po ang bagong contract, for salary increase and for permanent. Si Arch. Delgado at Arch. Santiago nauna na pong makapirma dahil nakasalubong ko sila kanina sa labas. " Nahihiyang saad nito sa kanya.
" Okay, let's go. Bakit hindi nyo na lang kami tinawagan para pumunta sa department nyo? " mabilis na sagot nya rito na tumayo na sa kinauupaan nya.
" Po? San po tayo pupunta sir? Nag email na po ako sa inyong tatlo. Same time, tumawag na po ako sayo kanina, out of coverage po kayong tatlo. Kaya pinapuntahan na lang kayo ni ms.
Mia rito. "nakangiting sagot nito sa kanya.
" Sa opisina nyo. San mo gusto pumunta?Ah ganon ba? Sorry baka nasa meeting kami nong tumawag ka. " Pigil tawang tugon nya sa babae na biglang yumuko.
" Sa office po sir. Ha? Ganon po ba, okay lang po sir. " Nahihiyang saad nito sa kanya.
Pagpasok nila sa opisina ni ms. Mia ay agad sya nitong pinaupo sa bakanteng upuan at kinausap.
" Architect Mark Suarez? " Saad ni ms. Mia sa kanya.
" Yes it's me po mam! " Nakangiting tugon nya rito.
" Okay please sign this documents for your salary increase and for permanent job in the company. You may go back to your work after you read and sign those documents. " Diretsong saad nito sa kanya.
" Okey po mam, thank you po. " Saad nya rito sabay abot at pirma ng mga papel at nang matapos ay muli nyang inabot ito sa kausap nya.
" Okay thank you! " Saad nito sa kanya.
" Welcome po mam. " Saad nya rito sabay talikod at balik na sa department office nila.
Well, it's Mark Suarez, he's turning 25 years old next week, an NGSB man, na hindi pinaniniwalaan nang karamihan na single and ready to mingle sya. Dahil sa looks at educational attainment nya, walang naniniwala na ang isang kagaya nya ay hindi pa nagkakaroon nang seryosong relasyon. Nong high school ay may na link sa kanya na babae, si Kate, isang cheerleader na nag assume na girlfriend nya. So para masave ang reputation nito at hindi mapahiya sa school nila lalo na sa mga kaibigan nito. Pumayag na lang sya na maging boyfriend nito and after a week nakipagbreak ito sa kanya. Dahil nagselos ito sa best friend nya na si Mary Grace.
Pinagpanggap nya kasi itong girlfriend nya para maturn off sa kanya si Kate. Although maganda si Kate pero para sa kanya ay wala itong dating. Fourth year sila nang lumipat sina Xavier Delgado at Dexter Santiago sa school na pinapasukan nila ni Mary Grace. Parehong matalino at nanggaling sa mayamang pamilya ang dalawa. Same school ang pinanggalingan ng dalawa kung saan ito top sa klase.
Ilinipat ang mga ito ng mga pamilya dahil nagkaroon nang problema ang mga ito sa paaralan na pinapasukan. Pinagtaggol kasi nito ang dalawang babae na muntik nang magahasa at matapos ang buhay ng mga bully sa pinanggalingan nitong eskwelahan. Para maiwas sa kaguluhan ang dalawa ito na ang umalis dahil natatakot ang mga magulang ng mga ito na baka balikan raw ang dalawa ng mga naka - away nito. Dahil sa same section sila ng dalawa ay mabilis nya itong nakasundo.
Actually silang apat nina Mary Grace.
Naging kasama nya ito sa varsity team, pero iba - iba sila ng sports na sinalihan, si Dex ay football team, si Xavier ay sa swimming team kung nasaan rin si Mary Grace, at sya naman ay sa basketball team. Lahat silang apat ay mga team captain nang mga sinalihan nilang sports.
Naging matalik silang magkakaibigan na apat. Until one day, nahuli nila ni Dex si Xavier at Mary Grace na gumagawa nang milagro sa mismong banyo ng kwarto ni Xavier. Nasanay kasi sila na tumambay sa bahay ng kaibigan kapag walang pasok. Nagkataon na sa bahay nila Xavier sila tatambay nong araw na iyon. Imbis na mahiya ang dalawa sa kanila ni Dex ay talagang sa harap pa nila ang mga ito naghahalikan habang mga nakahubad. Kaya sila na lang ang nagadjust ni Dex na mahiya at umalis.
Si Xavier ang naka una kay Mary Grace. Ang sabi ni Xavier sa kanila ni Dex ay ito raw ang naunang humalik kaya pinatulan nya na lang. Pinagbigyan lang daw ni Xavier dahil sa mismong harapan ng mga ka team nito ay hinalikan ni Mary Grace ang kaibigan nila. Naging mapusok ang dalawa to the point na kahit sa skul ang mga ito ay panay ang bay*han. Walang ligawan na naganap pero naging seryoso si Xavier kay Mary Grace to the point na hindi na ito nakikipag communicate sa ibang babae, kahit nga makipag batian sa ibang babae, umiiwas ito. Dahil takot itong magalit si Mary Grace, umabot rin ang mga ito ng dalawang buwan. Dahil sa mismong kaarawan ni Mary Grace ay naabotan nilang tatlo na may naka ibabaw dito na ibang lalaki sa mismong kama nito. Todo effort pa man din noon si Xavier dahil inubos nito ang ipong pera para sa party ni Mary Grace para maging masaya ito.
Kaya nong makita nilang tatlo ang ginawa ng dalaga ay ura mismong nakipaghiway si Xavier kay Mary Grace .
Imbis na mahiya si Mary Grace at habulin nito si Xavier ay tinapos pa nito ang pakikipagtal** sa lalaki bago humarap sa kanilamg tatlo. Tiniis ni Xavier na hindi umalis nong kaarawan nito dahil nahihiya ito sa mga magulang ng dalaga. After nong hiwalayan ng dalawa ay biglang nagbago ang lahat. Tanging sila na lang ni Dex ang tumatambay sa bahay nina Xavier ganon din sa bahay nina Mary Grace. Natapos ang junior at senior high nila na hindi nagkaka - ayos ang dalawa.
Nang mag - college naman sila ay same school pa rin silang apat pero silang tatlong lalaki ay nag architecture, samantalang si Mary Grace naman ay accountancy. Dahil sa mahilig silang magdrawing na tatlong lalaki kaya yon ang kinuha nilang kurso. Maraming lumalapit sa kanilang mga babae pero si Xavier lang ang open to all sa kanilang tatlo. Dahil si Dex nahanap yong true love nito sa ibang block, samantalang sya naman ay nonchalant sa mga babae.
Marami namang nagpapakita nang motibo sa kanya, ang iba pa nga ay ito na mismo ang nagpapadala ng bulaklak at tsokolate locker nya. Pero ewan ba nya dahil wala talaga syang oras na makipag relasyon. At walang amor talaga sa kanya ang mga babaeng ganon ang mga pag - uugali. Hanggang sa Natapos sila ng kolehiyo ay wala syang naging karelasyon. Si Mary Grace ay summa c*m laude sa accountancy, sya ay sa architecture, Magna c*m laude si Dex at c*m laude naman si Xavier bumaba kasi ang mga grades nito dahil sa pambabae.
Lahat silang apat ay first taker sa board exam. Tie sila ni Dex sa pagiging topnotcher at pang sampo naman si Xavier, samantalang pangalawa naman si Mary Grace sa CPA exam. May mga natanggap silang regalo galing sa skul nila. Napahiwalay sa kanila si Mary Grace dahil ito na ang nagmanage nang company ng ina nito.
Samantalang silang tatlo ay nagtatrabaho sa firm ng papa nya na hindi alam ng mga katrabaho nila na anak sya nang may - ari. Tanging ang dalawang kaibigan lang ang nakakaalam at ang hr manager.
Naalala pa nya noon na dahil sa na bored sila at wala pang masyadong mapuntahan noon dahil teenager palang sila, ay naisipan nilang tumambay sa restaurant ng mama nya, na isang fine dining restaurant kasama sina Dex at Xavier. Habang naghihintay sila sa mama nya ay naisipan nyang tumugtog sa piano na naka display lang sa restaurant. Ilinagay yon ng mama nya para sa mga customer na mahilig sa music at magpiano para if in case man na gusto ng mga ito tumugtog habang naghihintay nang order nila ay pwede.
Pagpindot palang nya nang isang tile sa piano ay agad na nagtinginan sa kanya ang mga kumakain. Natuto lang sya na magpiano sa kakanood sa isang app. kung saan tinuturo kung paano tumugtog ng piano. At magbasa ng mga key ng isang kanta. Well hindi lang sya ang magaling tumugtog ng instrument, maging ang dalawa nya pang kaibigan. Si Dex ay magaling sa violin at si Xavier naman ay sa guitar at maging drums. Kaya nong college pa sila, sa tuwing tatambay sila sa resto ay tumutogtog silang tatlo roon. Binili pa sila ng mama nya ng mga instrument na pwede nilang gamitin.
Binibigyan sila ng mama nya nang pampalubag loob o Consuelo de amor na sahod sa tuwing tutogtog sila pero mas natutuwa sila sa tip na binibigay sa kanila ng mga costumer. Kaso after nilang makatapos sa pag - aaral, makapasa sa board at mag - katrabaho. Tanging sya na lang ang nakakatogtog don tuwing bakante sya o kaya naman kapag weekend na bored sya dahil busy na sila sa trabaho.
......
.....
......
Meanwhile
Hapon na nang makabalik ang dalawa nyang kaibigan sa opisina nila, kaya kinain na nilang tatlo kaagad ang pasalubong ni Xavier na putong bigas na paborito nya. After nilang kumain ay nag - out na sya sa trabaho dahil dapat daw 6:30 ay nandon na sya sa resto ng kapatid nya.
" Out na ako, kayo na bahala rito. Xavier, salamat sa meryenda. Kita kits na lang ulit. " Ani nya sa dalawa sabay kuha na ng bag nya at alis na sa opisina nila para pumunta sa restaurant ng kapatid nya. Tanging tango na lang ang ginawa ng dalawa sa kanya.