**Sayne POV**
Beb! Asan ka? Bakla! Gumising kana dyan! Tapos nang tumiktilaok ang mga manok samantalang ikaw burlogs( tulog ) parin dito. May chika ako sayo beb! Tumayo kana dyan, bilisan mo na! Bakla, may paliga ba sa panaginip mo? Talagang naka jersey shorts ka habang natutulog? Kaloka ka girl. "Saad sa kanya ni Julius na hinawakan pa ang laylayan ng short nya habang nagsasalita ito.
" Ano bang kelangan mo beb! Ano bang masamang hangin ang nagdala sayo rito? Ang aga - aga nambubulabog ka! Inaantok pa ako beb! Mamaya kana manermon, tsaka wala akong paki - alam sa mga tiktilaok ng mga manok. Baka pag - napikon ako ulamin ko pa sila. Ay oo beb, kagabi championship na namin. Minsan punta ka sa panaginip ko, suportahan mo naman ako para masaya. "Pikong saad nya na humiga ulit sa malambot nyang kama sabay talukbong ng kumot.
" Hoy! Bumangon ka dyan, babae ka! " Ani ni Julius habang hinihila na ang kumot nya.
" Ano ba beb?! Lumayas kana nga muna dito! Matutulog na muna ako! Wala naman tayong pasok ngayon. " Saad nya sabay kuha ng unan nya at takip sa mukha.
" Ano ba yan Sayne! Hindi ka ba talaga magbabra? Simula nang magkakilala tayo never kitang nakitang nagbra dito sa condo mo. Sabagay wala naman palang kakapitan at tatakpan if ever na magbra ka. Okey fine! Babu! Ayaw mo nang super good news! Di don't! " Natatawang saad nito sa kanya na tumayo na sa pag - kakaupo sa kama nya.
" Hoy beb! Anong good news yan? Spill it out! Dali na beb. " Nakangiting saad nya rito sabay yakap dito para hindi ito makaalis.
"Yan tayo! Lumayo ka nga! Amoy laway ka pa, nakakadiri kang babae ka. Yong panglalait ko sayo hindi mo pinansin pero yong chismis ang bilis mong narinig. " Ani ni Julius na panay ang iling habang hinahawakan ang mukha nya dahil linalapit nya para halikan ito sa pisngi.
" Daming drama, ano nga yang good news mo? Daming keme ( arte ). " Pikong saad nya rito.
" Alam mo ba beb, sabi ng mga tao natin, may jowa na raw si aling Martha. Age doesn't matter daw dahil kahit pa senior na ito, pero ang jowa, bagets na bagets. Siguro, magaling sa performance si girl. " Natatawang saad nito sa kanya. Seryoso pa man din syang makinig dito.
" Ang gag* mo beb! Ewan ko sayo! Para kang tang*! Try mo beb si aling Martha, para malaman mo kung magaling ba talaga sya o hindi, para hindi ka nagcoconclude dyan. Lumayas kana nga, matutulog na ako! Wala namang kwenta ang mga pinagsasabi mo! Shoo! " Saad nya rito sabay higa sa kama nya.
" Ang mean mo talaga sa akin Beb. Hindi naman talaga yon ang good news! Kung gusto mo malaman, syempre may kapalit. Well sa isang kondisyon, ililibre moko ng dinner sa isang fine dining restaurant?! Ano deal Sayne? " Saad ni Julius na may pakurap - kurap pa ng mga mata nito sa kanya.
" Oo na! Shoot! " Mabilis na sagot nya rito.
" Okay beb, nakuha lang naman natin ang mga deals sa iba't - ibang country para sa handicraft business natin. So, kung susumahin ay nasa 60 million din yon plus yong business natin na saging at manga! Pak na pak ang orders. Kaya kikita tayo nang almost 50 million lang naman ngayong taon. Kapag makapag export daw tayo kaagad, eh magdadagdag pa raw sila nang orders. "Balita ni Julius na ikinasigaw nya nang malakas dahil sa sobrang tuwa.
" Wow beb! Malinis na 50 million ang magiging kita natin ngayong taon? Wooooww! Salamat sa diyos! " Saad nya rito sabay talon sa kaibigan at yakap dito nang mahigpit.
" Mismo! Yuck beb, layo mo nga yang maliit na ded* mo sa katawan ko. Although wala naman akong maramdaman pero nakakadiri pa rin talaga. So mamayang five ha, sunduin kita rito. Umayos kana, may dala akong almusal, kain na tayo, dahil Tom Jones ( gutom ) na ako. " Saad nito na hinihila ang buhok nya para malayo sya rito.
" Ano bang binili mong almusal natin? Wait beb tawagan ko muna ang mga suppliers natin at pabrika para next month may maipadala na tayo sa mga investors natin. " Excited na saad nya rito.
" Well, bumili na ako ng tapsilog, bulaksilog, hamsilog at hotsilog. 2 orders yon each kaya siguradong busog ka. Kakahiya naman kasi sa mga alaga mo sa tyan kung magugutom sila. Binili na rin kita nang maanghang na ketchup dahil for sure ubos na ang stocks mo, pati prutas sinabay na kita. Bayaran mo na lang ako. Ikaw na bahala sa ibang groceries mo. Tsaka maglock ka nga ng kwarto mo bago ka matulog! " Ani nito na hinila ulit ang buhok nya habang nakapemewang.
" Ay gusto ko yan beb! Thank you! I love you so much! Ikaw na talaga ang pinaka - best of the best beb. My God, sa tingin mo may papasok dito sa condo ko? Sa higpit nang natirhan natin malamang walang makakapasok dito sa building na ito kung hindi dito rin nakatira o kaya walang permiso sa atin. Tsaka hello?! Nasa kabilang unit ka lang kaya nakatira, kaya wag kang ano dyan. " Mataray, pero natatawang saad nya rito na ikinaroll eyes na lang nito sa kanya.
" Whatever! "Maarteng saad nito sa kanya na ikinatawa nya nang malakas dahil sa gwapong mukha nito, may pusong mamon ito.
Yes Julius Villegas is a 100 percent gay. Best friend nya ito, at nakilala nya lang ito sa business industry. Ito ang tumulong sa kanya para magkaroon sya nang puhunan sa negosyo. Kaya kung anong meron sya ngayon ay utang na loob nya ito sa kaibigan. Simula kasi nang mawala ang mga magulang nya dahil sa aksidente ay wala na syang napuntahan. Naging tindera sya sa palengke, labandera, janitress sa isang mall at kung ano - ano pang raket na pinasukan para matustusan ang mga pangangailan nya sa pang araw - araw na gastusin. Buti na lang at scholar sya sa school na pinapasukan nya noon kaya nakapagtapos sya ng business administration.
Hindi sya nakontento dahil nong makahanap sya ng trabaho bilang admin staff ay nag - aral ulit sya ng accountancy sa isang prestigious school. Naging iskolar sya ron at naging summa c*m laude lang naman. At ng makatapos at makapasa sya sa board exam ay nag - hanap sya kaagad nang mas maayos at may malaking sahod na trabaho.
Habang naglalakad sya noon ay naisipan nya na pumunta sa isang mall para bumili ng damit na pang trabaho, don nya nakilala si Julius. Ang ganda ng katawan, matangkad at ang gwapo nito, kaya ang daming nagpapapicture na mga babae dito. Kaya naintriga rin sya kung handicraft ba ang tinitignan at pinagkakaguluhan ng mga ito o yong may - ari. Siguro dahil sa marami syang kilalang gays at lesbian, kaya mabilis nyang naamoy ang pagkatao ni Julz.
Lumapit sya rito at tinignan ang mga tinda nito, agad na hinawakan nito ang kamay nya at hinila sya papasok sa tindahan nito. Sa pagkabigla nya ay muntikan pa nya itong masapak. Pero natawa na lang sya dahil yon na pala ang simula ng pagkakaibigan nila. Nang makita raw sya nito ay feel na nito na magiging mag - kaibigan sila.
Dahil nong araw na yon, una pa lang sa istante na binabantayan nito ay panay chika na sila to the point na, na ishare nya na kaagad ang buhay nya rito same rin ng buhay nito sa kanya. Natawa na lang sya dahil imbis na magtinda ito ay talagang isinara nito ang pwesto at niyaya pa syang kumain sa labas. Kaya simula non ay naging matalik na silang magkaibigan. Same age sila kaya madali sa kanila na mag - kaintindihan.
After work ay pinupuntahan nya ang pwesto nito para tulungan ito sa pagtitinda na laging sold out dahil sa galing nitong mangumbinsi ng mga costumers. Ito ang naging knight and shining armour nya sa tuwing may nanliligaw sa kanya na init sa kama lang ang habol sa kanya.
Halos lahat ng nanligaw sa kanya ay na iinsecure kapag pinapakilala na nya si Julius sa mga ito. Kaya kapag hindi gusto ni Julius ang nanliligaw sa kanya ay magpapanggap itong boyfriend o kaya naman step brother nya para iturn off ang mga lalaki. Ang sabi nito sa kanya ay fairy godmother nya raw ito.
Ito ang tumulong sa kanya na umangat sa buhay. Kaya hindi nya rin pinapayagan na may manakit at manamantala rito. Kaya hanggang ngayon single pa rin silang dalawa. Ito rin ang nagparesign sa kanya sa pinagtatrabauhan nyang kompanya. Inalok sya nitong magtayo nang sariling negosyo na sa awa ng diyos ay umasenso at pumatok talaga sa masa.
" Hoy beb, tama na yang reminiscing the past mo. Emotera of the year kapa naman. Baka mamaya makita Kita umiiyak nanaman. " Natatawang saad ng kaibigan nya na hinila na sya palabas sa kwarto nya.
" Dami na kasi nating napagdaanan beb. " Ani nya rito na ikinatawa lang nito nang malakas.
" Para kang tang*. Gutom lang yan beb, kumain na tayo! " Ani nito sabay subo sa kanya ng hotdog.
" Gag* nito! Kita mong nag - eemote pa ang tao. Panira ka talaga sa moment. " Inis na saad nya rito habang panay nguya ng hotdog na nasa bibig nya.
" Tigil mo na yan beb na drama mo! Kumain kana dahil aalis na ako after nating mag - almusal. Ihahatid ko pa kasi sa airport sina daddy at mommy. Bakasyonista ang peg sa Hawaii nina mudra ( mother ) at pudra ( father) ko. " Maarteng saad nito na ikinatawa naman nya dahil kahit kelan talaga, apaka bitter nito.
" Sumama kana kaya, malay mo may mahanap kang boylet don? Ikaw din. " Biro nya rito na iniringin lang sya. Kaya napahagalpak sya nang tawa.
" Duh?! No thanks mamaya mga jut* ( maliit ) pa ang makuha ko don. " natatawang saad nito na ikinahagalpak nya nanaman nang tawa.
" Ewan ko sayo. Kain na tayo! " Ani nya rito.
" Basta mamaya idate moko sa fine dining restaurant beb. Sa wakas makakain na nanaman ako ng libre mo. " Saad nito na napa palakpak pa sa tuwa.
Hindi na sya sumagot dahil panay ang kain na lang nya nang dala nitong pagkain. Tanging tango na lang ang isinagot nya rito.
Pagkatapos nilang kumain ay umalis na ito kaagad dahil panay na ang tawag ng mga magulang nito. Tinatanong kung nasaan na raw ang kaibigan nya. Baka malate pa raw ang mga ito sa flight kaya pumunta na ito kaagad. Kaya sya na ang nagligpit nang mga pinagkainan nilang dalawa at naghugas nang mga ginamit nila.