dinner date

2023 Words
**Sayne's POV** After nilang kumain ay bumalik lang sya sa kwarto at natulog ulit. Samantalang ang kaibigan nya ay umalis na para ihatid ang mga magulang nito sa airport. Mamayang 6 pm pa naman ang beb date nila ni Julz, kaya matutulog na muna sya. Napuyat kasi sya kagabi sa kapapanood nya ng k - drama. 2 pm na sya nang magising, kung hindi lang sya nakaramdam ng gutom ay hindi pa talaga sana sya tatayo sa kama nya. Kaya after nyang kumain ay tamang patunaw muna sya ng kinain. Habang nagpapatunaw sya ng kinain nya ay naglagay muna sya ng tubig at liquid body wash sa bathtub na papaliguan nya mamaya. Dahil mamaya pa naman ang date nila ay tamang babad na muna sya sa bathtub nya para marelax sya. Dati pangarap nya lang talaga na makaligo sa isang bathtub pero ngayon, kahit araw - araw pa sya maligo rito ay pwede dahil pag - aari nya ito. Mag aalas singko na nang matapos sya sa paliligo. Sa totoo lang kasi, pagbabad sa bathtub ang stress reliever nya. Na kahit abotin sya ng tatlong oras ay okay lang. Pagkatapos nyang maligo ay pumunta na sya sa walk in closet nya para maghanap nang susuotin nya. Isang simpleng baby blue cocktail dress na tinernohan nya ng glass shoes stilleto ang napili nyang suotin. Saktong naglalagay na lang sya ng pabango nang saktong bumukas ang pinto at linuwa ang kaibigan nyang maligalig. " Hoy beb! San punta natin? Dinner o binyagan? "ani nito sa kanya na hindi na napigilang tumawa nang malakas. " Gag* nito! Bigay mo kaya ito sakin na damit pati itong pabango at itong sapatos. Sige, magpapalit na lang ako. " Saad nya sa kaibigan habang naglalakad na papunta sa walk in closet. " Ano kaba naman beb! Sobrang ganda mo kaya! Mukhang driver ang itsura ko sayo. Alam mo ba Beb, kung hindi lang ako bakla baka jinowa na kita. Kung magiging lalaki ako, ikaw na talaga ang bubuntisin ko. Swear! Kaso, yuck lang talaga kayong mga babae, napaka .... Eeeeeeeeewwwww! " natatawang saad ng kaibigan, niyakap na sya nito para pigilan na pumunta sa closet nya. " Ewan ko sayo beb, tara na nga! Gutom na ako! " Ani nya rito na nauna pang lumabas sa kwarto nya. " Okay let's go beb! " Saad ng kaibigan nya na kinuha pa ang kamay nya at pinulupot sa braso nito para alalayan sya. Kaya humawak na sya sa braso nito at sa kamay. Pagkasakay nila sa sasakyan nito tawa sila nang tawang dalawa dahil may nakasabay kasi silang matanda sa elevator kanina. Tuwang - tuwa ito sa kanila ng kaibigan nya. Napagkamalan pa silang mag nobyo, ang sabi pa nito sa kanilang dalawa ay napaka swerte raw nilang pareho dahil napakaganda raw nya at napakagwapo at tikas daw ni Julius na lalaki. Nang sabihin ng kaibigan nya na hindi sila magjowa at bakla ang kaibigan nya ay agad itong sumimangot, sayang daw kasi bagay sila. Nasa byahe na sila nang magkasundo silang dalawa na sa paborito nilang resto nalang sila kakain. Nang magpapark na sana sila ay nag hand signal ang security guard na puno na raw sa loob. Sabi nila rito ay willing to wait sila, pero agad na lumapit sa kanila ang guard at sinabihan sila na hanggang 8:00 pm lang daw ang para sa public costumers dahil may nag rent na raw ng venue. Humingi pa ito nang tawad sa kanila, kaya tinanggap na lang nila ang paumanhin nito at umalis sa lugar para maghanap ng ibang makakainan. Habang nagdadrive ang kaibigan nya ay panay ang tawa nya dahil desidido talaga ito na makahanap ng fine dining para malibre sa dinner. " Beb, uwi na lang tayo, mukhang maraming nagdidate ngayong gabi!? Padeliver na lang tayo sa condo. " Natatawang saad nya sa kaibigan na panay iling. " No beb! Sigurado ako na hindi mo na ako ililibre kapag hindi natuloy itong beb date natin! " Natatawa ring saad ng kaibigan nya. " Grabe ka naman sa akin beb! Sige san na tayo kakain? " Nakangiting saad nya rito. " May alam pa ako na isang resto, masarap ang steak nila ron. Kapag puno pa don, uwi na tayo at magpadeliver na lang ng pizza. " Nakasimangot na saad nito. " Sabi mo yan ha beb! " Ani nya sabay tawa nang malakas dahil nakasimangot na ito, hindi na ito sumagot sa kanya tanging tango na lang ang tinugon nito. Saktong dating nila sa may parking area ng resto ay may paalis rin na costumer, kaya agad na nagpark ang kaibigan nya. Mahirap na raw kung maunahan pa ng ibang costumer. Bago sya lumabas ng sasakyan ay inayos muna nya ang damit at naglagay sya ng konting lipstick. Natawa pa sya dahil ang best friend nya ang daming pakulo sa buhay, pinagbuksan pa talaga sya nito ng pinto at inalalayan na bumaba sa sasakyan. Kinuha pa nito ang kamay nya at pinakapit sa braso nito. Kung straight na lalaki lang talaga ito baka na inlove at nagpabuntis na sya rito ang kaso hindi. Ang gwapo kasi nito at ang ganda ng katawan kung hindi mo sya kilala mapagkakamalan mo talagang lalaki ito. Pagpasok nila sa restaurant ay agad silang inasikaso ng waiter papunta sa table na may two sitters. Ang siraulo nyang kaibigan talagang pinandigan ang pagiging gentleman kuno nito. Pinaghila pa talaga sya nito ng upuan para paupuin. Pagpasok palang nila kanina ay pinagtitinginan na sila ng mga ibang costumers na nandon. Well hindi naman sa kanya nakatingin ang mga ito kundi sa kasama nyang alanganin. Kahit kasi simple ang suot nitong damit ay napaka gwapo at fresh nitong tignan. Kaya nang makaupo na sila ay pasimple nyang hinila ang buhok nito. " Hoy Beb! Ang gag* mo talaga! Tignan mo ang ibang costumers dito panay ang tingin sa atin, kala siguro, lalaki ka. " Natatawang saad nya rito. " Gag*! Lalaki naman talaga ako! Pero pusong babae. Pabayaan mo silang tumingin. Mga chaka (panget) kasi. Pero Beb, look mo yong boylet na pyanista. Ang serep! " Natatawa at kinikilig na saad ng kaibigan nya na ikinatawa naman nya nang malakas dahil nginunguso pa talaga nito yong lalaki sa may likuran nya. " Hoy! Mouth mo beb! Ewan ko sayo! Lumabas na naman yang kalandian mo. " Napapailing nyang saad dito habang natatawa dahil sa itsura nito. " Well, ang yummy kasi talaga ni baby boy. Look mo nga kasi! Bilis! Ngayon ko lang yan nakita rito, siguro may special occasion ngayon dito kaya may paganyan na peg. Last time nong pumunta kami dito nong partner natin sa negosyo wala naman yan. Remember nong sabi ko sayo na sumama ka, dito kami pumunta non ni Mrs. Gonzales. Tsaka nong lumabas kami ng mga sisteret at amiga ko dito rin kami kumain. Masarap din dito ang steak nila at ang lumpiang sariwa, pati baby back ribs. Panalo girl! Kaya humanda ka! Maglalafang(kain ) ako ngayon. Lalo na may dessert pa sa harapan ko. Not you! Him, wag kang asumera. Yuck! " Saad nito sabay kindat sa kanya na ikinailing nya na lang. " Beb, hinay lang, ang figure mo baka masira sa dami nang iniisip mong orderin. Wow, kung maka yuck, ganda ka te? " Natatawang saad nya rito. " Mas madaling magwork out kesa ang mabigyan nang pagkakataon na manglibre ka na once in a blue moon. Oh well, ganda ba kamo? Hindi pa ba kita ang pagiging dyosa ko? Halos mabali na ang mga ulo nila masilayan lang ganda ko. " Natatawang saad nito na tinarayan pa sya. Habang panay ang pacute sa pyanistang bet ( type ) nito. " Mam, sir may I take your order, please? " Ani ng waiter nang makalapit ito sa kanila, sabay abot ng menu sa kanilang dalawa. " Okay, steak, baby back ribs, fresh lumpia, rice and extra rice. And for dessert, mango and coconut panna cotta please. By the way, cucumber shakes for my drink. Yong dessert please served after our meal. " Order ng kaibigan nya habang natatawang nakatingin sa kanya dahil ang dami nitong inorder sa kanilang dalawa. " Okay po sir. Sayo po mam? "Nakangiting tanong ng waiter sa kanya. " Make it two please. " Sabat ng kaibigan nya na ikinailing nya na lang dito. " Ewan ko sayo beb, pala desisyon ka nanaman. Hindi ko kayang ubusin yang order mo para sa akin. Akala ko pa naman yong order mo para sa ating dalawa na, yon pala sayo lang? "inis na saad nya rito. " Asus, baka nga kulang pa sayo yong order ko. At saka pwede naman siguro ang take out dito? " Natatawang saad ng kaibigan nya na gusto na nyang pengotin dahil sa kulet nito. " Ah yes po sir! Pwede po! By the way po sir, anong klase pong luto ang sa steak nyo? " Sabat ng waiter na ikinahagalpak nya nang tawa dahil sa itinawag nito sa kaibigan nya. " Well done po sakin sir. " Ani nya habang panay parin ang tawa. " Medium well naman sa akin. " Nakasimangot na sagot ng kaibigan nya na binato na sya nang binilog na tissue dahil sa kakatawa nya. " San po ba ang rest room rito? " Nakangiting tanong nya sa waiter. " Don po mam, diretso lang po tapos kanan po. " Ani nito sabay turo sa kanang bahagi ng restaurant. Pag alis ng waiter ay agad na syang tumayo para pumunta sa restroom dahil nakaramdam sya nang ihi sa kakatawa nya sa kaibigan. Lumapit sya rito para inisin pa ito sabay bulong. " I love you so much beb, sorry na kung natawa ako kanina. Makikita ko na ang sinasabi mong pianist. " Nakangiting saad nya rito sabay halik sa pisngi nito at kindat na mas lalong ikinsimangot nito. " Duh, matrona ang bakla! Tsupi! Mamaya dito kapa jumingle ( umihi ). " Nakasimangot nitong saad habang panay tawa naman sya. Habang naglalakad sya papunta sa restroom ay pasimple nyang sinulyapan ang pianist na sinasabi ng kaibigan nya. Totoo nga ang sinasabi nito na gwapo at ang yummy ng katawan ni boylet. Kaya after nyang magbanyo ay saka nya ito napagmasdan ng maayos . Ang gwapo nito at hindi nakakasawang tignan. Lalo pa nong magsimula na itong tumugtog at kumanta. Kahit nakaupo na sya sa table nila pero ang mga mata nya ay nakatingin parin dito at ang tenga nya ay nakatuon lang sa pakikinig ng kanta nito. " Hoy beb! Akin lang yan si baby boy ko. Umayos ka nga dyan! Parang gusto mo nang sakmalin ang baby ko. " Biro ng kaibigan na ikinatawa naman nya. Pasimple pang hinila nito ang buhok nya. Tumagilid pa ito nang pagkakaupo para maabot lang sya. " Hala sya, tignan mo beb nakatingin dito ang baby boy mo! " Ani nya sa kaibigan na biglang napalingon sa pyanista pero humarap kaagad sa kanya sabay kagat labi at pikit dahil sa sobrang kilig. Parang ito raw kasi ang hinaharana ng baby boy nito. Muntik pa itong tumili dahil sa sobrang kilig. Akala mo naman kinikiliti na sa itlog ang kaibigan nya. Pagkatapos ng pyanista na tumugtog at kumanta ay may nagpropose na lalaki sa kadate nito. Halos nagsisigaw at umiiyak ito sa sobrang saya. Sakto namang dumating na ang order nila kaya hindi na sila nagpatumpik - tumpik pa ng kaibigan nya at kumain na sila kaagad. Ewan ba nya, pero sarap na sarap sya sa pagkain na inihanda sa kanila. Kung hindi lang yon sikat na fine dining at nakakahiya ay talagang magkakamay sya dahil sobrang sarap ng pagkain. Habang kumakain kasi sila ay nakikinig sa boses ng poging pyanista na kumakanta. Simot nila ang lahat dahil masarap talaga ang pagkakaluto ng pagkain. Sulit na sulit sa presyo nito. Lalo na yong steak nila, sobra talaga syang nasarapan. Nag order ulit sila ng pagkain para itake out. After nilang kumain ay umalis na rin sila dahil wala na rin don yong pyanista na type ng kaibigan nya. Natawa pa sya sa kaibigan nya dahil hindi man lang daw nito nalaman ang pangalan at number ni bebe boy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD