Four

2504 Words
Naglalakad si Devon pauwi sa condong tinutuluyan na ipinahiram ni Congressman para sa misyong gagawin nang maramdamang may sumusunod sa kanya. Mabilis siyang lumingon at nakita ang isang kotseng dumaan. Guni-guni lang siguro iyon. Sa loob ng kwarto niya binuksan ang mga nakalakap na impormasyon ng detective na inutusan ni Congressman para hanapin si Phoenix. "Ano kayang relasyon ni Phoenix kay Congressman?" malalim na nag-isip si Devon. Nakita niyang tumatawag si Monique at sasagutin niya sana iyon nang may kumatok sa pinto. "Miguel, pinapatawag ka ni Congressman Primo sa hideout." Tumango si Devon at iniwan ang mga gamit bago sumunod sa tauhan. Sa isang tagong bodega nakarating si Devon kasama ang tatlong tauhan ni Congressman Posadas. Nandoon si Congressman Primo na pinsan ni Rodell Villareal at kakampi ni Congressman Posadas para magbigay ng impormasyon. Saglit lang silang nag-usap dahil delikadong may makakita rito. Pero hindi niya binangit ang tungkol sa paghahanap kay Phoenix, ayon na rin sa utos ni Congressman Posadas. Naguguluhan rin siya kung bakit pilit nitong pinapahanap ang babae. Paalis na sana siya nang biglang magkagulo. "Sir, sinusugod po tayo!" Mabilis na binunot ni Devon ang baril mula sa baywang. Hindi pwedeng may makaalam ng hide out nila. Naabutan ni Devon na nakikipagbarilan ang mga kasama. Dalawang estranghero ang nakapasok sa loob ng hideout nila at ngayon ay tumatakbo palayo. Kailangang huwag makatakas ang mga ito. Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makilala ang isa sa mga hinahabol. "Phoenix?" kinakabahang bulong ni Devon sa sarili. Bakit ito sumugod? Alam ba nitong hinahanap ito ni congressman? Kunwari ay wala siyang nakita at inutusan nang bumalik ang mga tauhan. Pero ganoon na lang ang pagkagulat niya nang lumingon at makita itong bumabalik. "What the f**k, b***h, get out of here!" inis na bulong niya sa sarili. Kahit naman tauhan siya ni congressman, Phoenix is still Rosalie's bestfriend at gusto niya munang marinig mula rito kung bakit nag-aaway ang dalawa. Kapag nakita ito ng ibang mga tauhan, siguradong wala siyang magagawa kung hindi bihagin ito. Pero wala siyang nagawa nang bumalik ito. Hindi niya inaasahan na susunod ang isang lalaking naging malapit din sa kanya. "Marco..." lihim na nataranta si Devon. Dahil sa sobrang kaba ay napahawak siya nang mahigpit sa gantilyo ng baril at pumutok iyon. "s**t!" sigaw niya sa isip. Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang imbes na si Phoenix ang tamaan ay mabilis na humarang si Marco sa babae. Galit na napasuntok si Devon sa side table at frustrated na nahiga sa kama. Hindi niya sinasadya ang nangyari. Ano na kayang nangyari kay Marco? Makalipas ng ilang oras ay nakatanggap siya ng tawag mula sa congressman. "Devon, sinugod raw kayo." Napabuntong-hininga siya, "Yes, sir. Don't worry, nagpapahanap na ako ng bagong hide out." "Take care, Devon." "Cong, n-nakita ko po si Phoenix," hindi nakatiis na kwento ni Devon. "Kakampi siya ng mga dating kong kagrupo. She's working for Rodell Villareal now." Narinig niya na tila may nabasag mula sa kung saan at napamura ang congressman. "S-sir..." "You need to bring her back. She's very important to me." "Y-yes, sir." "It may be too much to ask pero I want you to forget na mga kaibigan mo sila. Malaki ang kasalanan nlya sa'kin. Isa pa, makakasira sila sa mga plano natin. Alam kong mga kaibigan mo sila pero hindi na sila ang mga kaibigang kilala mo. I suggest na ikaw na ang gumawa noon dahil baka torturin lang din sila ng mga kaalyado natin." Natahimik si Devon. "And I received an information about Rodell Villareal." Kinabahan si Devon. "Rosalie was killed dahil ayaw nila sa relasyon nito at ni Rio." Tila nawalan ng lakas si Devon sa narinig. Matyagang nag-aabang si Devon sa dilim para makausap ang kapatid at sabihan rito sa balak ni Congressman. He decided na kahit anong pagtratraydor ang ginawa nito, kapatid niya pa rin si Wesley at hindi niya mapapatawad ang sarili kung madamay ito sa plano. Kung hindi ito susunod, wala siyang magagawa kung hindi patahimikin ito katulad ng iba pa. Mas mabuti na rin kay sa pahirapan ito ni congressmann. "Kumusta ka na?" nakangising tanong ni Devon. Hindi maintindihan ni Wesley kung bakit bahagya siyang kinabahan. Lalo na nang maalala ang sinabi ni Marco na pinagtangkaan nitong patayin si Phoenix. Alam niya nang buhay ito at hinihintay lang na magpakita ito sa kanya. Nalaman niya iyon nang sabihin ng detective na nagmamanman sa congressman. "Kuya..." nilapitan ni Wesley ang matagal na nawalay nakapatid at mahigpit na niyakap. Devon hugged him back at kahit nakaramdam ng kaba si Wesley ay hindi niya pwedeng ikaila ang pananabik sa tanging kapamilyang naiwan. "Akala naming lahat patay ka na." "Akala ko din mamamatay na ako," seryosong sabi ni Devon. "Pagkatapos akong traydurin nila Ranger. Pero binigyan ako nila congressman ng isa pang pagkakataon." "Kuya..." "Sumama ka na sa'kin, Wes. Kailangan nating ipaghiganti sila itay." "Hindi mo naiintindihan..." "Ang alin, Wesley? Akala mo ba hindi ko alam ang ginawa mong pagkampi sa mga Villareal? Bakit? Ano bang pakinabang mo sa kanila?" biglang bumagsik ang itsura ni Devon. "Walang kasalanan si Mr. Villareal. Kasalanan ito ng senator at congressman." Napailing si Devon," wala kang alam sa sinasabi mo. Isa ka rin naman pa lang traydor." "Kuya, mag-usap tayo nang maayos..." Pero tila balewala kay Devon ang pagmamakaawa ni Wesley, "Pagbibigyan kita ngayon dahil kapatid kita. Huwag lang sanang mag-krukrus ulit ang mga landas natin." "Kuya, huwag mong hayaang magkamali ka ulit." "Kayo ang mali. Basta kayo nagpaloko sa mga Villareal na yan. Ikaw at ang mga itinuring kong kaibigan. Kinalimutan niyo ang nakaraan. Para ka ring si Rosalie na tinalikuran ang trahedyang pumatay sa ama niya para sa lalaking iyon. Hindi pa sana siya patay ngayon. You let her die, Wesley. Hindi mo alam kung gaano siya kahalaga sa akin pero hinayaan mo siyang mamatay. Nandito pa sana siya ngayon at pwede kong balikan. Pare-pareho lang kayo. Ikaw, si Marco at yung bestfriend ni Rosalie na nakinabang din kay congressman. Hindi ako papayag na hindi makaganti." Masama ang loob ni Devon na iniwan ang kapatid. Hindi niya akalaing iyon pa ang maririnig pagkatapos na balikan ito. Nag-aalala naman siyang tinanaw ni Wesley. Kahit galit sa kapatid sinubukan ni Devon na itaon ang paglusob na wala si Wesley. Hindi niya inaasahan na sasabay pala ang kapatid sa mga kaibigan. "Labas ng kotse!" narinig niyang sigaw ni Phoenix. "Baka pasabugin tayo." Palabas na sana ng kotse sila Wesley nang isang pamilyar na mukha ang sumalubong sa kanila. "Sinabi ko sa'yo, iwasan mong magsalubong ulit ang landas natin," seryosong sabi ni Devon. "Kuya..." Kinabahan si Wesley nang palibutan sila ng kalaban. "Baba." Walang nagawa ang grupo kung hindi sundin ang utos ni Devon. "Kuya, hindi mo alam ang ginagawa mo," galit na sabi ni Wesley. Pakiramdam niya ay hindi sila magkaanu-ano nung mga oras na iyon. "Alam ko ang ginagawa ko, Wesley," galit na sabi ni Devon. "Kayo ang mga walang alam." "Devon, tama na." saway ni Phoenix. Napangisi si Devon, "Kakampi niyo ito? Alam ba ng mga ito kung anong ginawa mo nung mga panahong hindi ka nila kasama? Alam na alam ko na naging tauhan ka ni congressman. Actually pinapahanap ka nga niya e." "Sasama ako," yuko ang ulo na sabi ni Phoenix. "Huwag mong idamay ang mga kaibigan ko." "Good. Madali ka naman pa lang kausap," tumango si Devon bago muling tumingin kay Wesley. "Mahal kita. Mahal ko kayong lahat dahil naging kaibigan ko kayo. Balang-araw, magpapasalamat kayo sa'kin dahil ginawa ko ito. Mas mabuting sumuko na kayo para 'di na kayo mahirapan pa." Mula sa malayo ay rinig ang pagdating nila Eros na kakampi nila Wesley at akmang susugod pero natigilan nang makitang napapaligiran ang ibang myembro. "Hindi na ako maagtataka kung bakit ka ipinagpalit ni Rosalie," natatawang sabi ni Phoenix. Tila nagdilim ang paningin ni Devon at galit na itinutok ang baril kay Phoenix. "Bawiin mo 'yang sinabi mo," sigaw nito. " Kung ayaw mong pasabugin ko 'yang ulo mo." "Sandali," pigil ni Phoenix. "Bago mo ako patahimikin, gusto ko lang kausapin si congressman." Bahagyang inilayo ni Devon ang baril. "Hello, cong," sarkastikong bati ni Phoenix. "Long time 'no see ha. Kumusta? Really? Si Devon? 'Di pa kami nagkikita. Pero bully 'yun nung mga bata kami. Pwede bang iligpit mo na lang. Please? You told me na ibibigay mo lahat ng gusto ko. Pagkatapos, makikipagkita ako sa hotel, katulad ng gusto mo. Okay, bye." Ngumiti si Phoenix pagkatapos habang tahimik na naghihintay ang lahat. Maya-maya, isa sa mga tauhan niya ang nakatanggap ng tawag mula kay congressman. Ganoon na lang ang pagkagulat ni Devon nang tutukan siya ng mga kasamahan. "See?" ngumisi si Phoenix. "Ganyan ka kadaling burahin sa mundo." Bago pa makakilos ang mga tauhan, pinaputukan ni Phoenix ang lalaking katabi ni Devon. Sumugod naman sila Eros nang makakita ng pagkakataon. "Kuya," mahinang tawag ni Wesley. "Halika na." Tumingin lang si Devon sa kanya at napapikit si Wesley nang tutukan siya ng baril. Isang malakas na putok ang umalingawngaw pagkatapos kalabitin ni Devon ang gantilyo. Duguang bumagsak ang isang kakampi ni Devon. Napatingin si Wesley sa paligid na puno ng duguang tauhan ng congressman. "Hindi na," yuko ang ulong sabi ni Devon. Hindi siya makapaniwala na kaya siyang traydurin ng congressman. Ang nag-iisang taong pinagkatiwalaan niya pagkatapos mamatay ng mga magulang. "Kailangan kong balikan si congressman." Aalis na sana si Devon nang salubungin siya ng dulo ng baril. "Saan ka pupunta?" galit na tanong ni Marco. "Marco, tama na," awat ni Wesley. "Papatayin niya tayo, Wes! Kung hindi dahil kay Phoenix, wala na sana tayo ngayon." "Na-brainwash lang si Kuya," pagtatanggol ni Wesley. "So ano? Bati na ulit kayo?" sarkastikong napailing si Marco. "Kahit ikaw na kapatid niya, papatayin niya, Wes. Gumising ka! Hindi na siya ang dating Devon na kilala natin." Ikinasa ni Phoenix ang baril, "Mahal ka namin, Devon. Pero mas mabuti pang tapusin ka na namin dahil ayaw naming mahirapan ka pa..." "Phoenix!" galit na inagaw ni Wesley ang baril mula sa babae. "Ano ba kayo? Hindi ba kayo naaawa kay Kuya? Biktima lang siya ni Congressman. Katulad din natin noon. Naging maswerte lang tayo dahil maaga nating nalaman ang tungkol doon at hindi tayo nagamit ni Congressman. Pero aminin niyong mas naging matindi pa ang galit natin kay Mr. Villareal noon. Matagal na nawala si Kuya. Akala natin patay na siya, 'di ba? Pero bakit kayo ganyan? Hindi ba kayo masaya na buhay si Kuya?" Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa lahat. Iyon ang unang pagkakataong nakita nilang nagalit si Wesley. "Wesley's right," napatingin ang lahat kay Rio. "Alam kong mabuting tao si Devon. He saved Rosalie's life. Let's give him a chance." "Nagdududa pa rin ako sa kanya," sabi naman ni Zach. "Pero marami siyang alam sa kalaban na pwede nating magamit. Sana lang magtanda ka na, Blackout." Nahigit ni Ulysses ang paghinga, "Kuya siya ni Wesley. Hindi natin siya pwedeng talikuran." "I'm sorry," sabi naman ni Phoenix. "Matindi ang galit ko kay congressman at sa lahat ng nagtitiwala sa kanya. Devon, napakalaki mong tanga at alam kong ipapahamak mo kami. Gusto ko sanang paulanan ng bala ang lalaking ito pero I'm willing to give him a chance para sa'yo, Wes. Remember that, para sa'yo kaya ko ito ginagawa. Huwag na huwag niya lang tayong tatraydurin." Napangiti na si Wesley, "Effective din pala ang drama ko no? Salamat sa inyong lahat." Napailing na lang ang mga kasamahan. "Kuya, si Eros nga pala at Edel. Mababait ang mga 'yan." Tumango lang si Devon. "Kaming bahala sa'yo, Devon," pangako ni Eros. "We just need your cooperation." "Magkamukang-magkamuka pala kayo ni Wesley," puna naman ni Edel. "Pareho kaming gwapo 'no?" sabat ni Wesley na inirapan lang ni Edel. Natawa naman si Wesley nang makitang nakasimangot si Marco. "Uy, bestfriend kayo noon, 'di ba? Bati na kayo," hiling ni Wesley. "Wala naman akong magagawa, 'di ba? Huwag lang uli siyang magkakamaling traydurin tayo," tumingin si Marco kay Devon. "Welcome back." "S-salamat," wala sa sariling sagot ni Devon. Hiyang-hiya siya sa mga pangyayari pero sa puso ay  nagbabagang galit ang nararamdaman niya. Hindi niya akalaing demonyo pala ang matandang kumupkop sa kanya. Pagkatapos linisin ang mga bangkay na naiwan sa daan, umalis na ang grupo. Masayang-masaya si Wesley dahil makakasama niya na ang nag-iisang pamilyang naiwan. Kahit pa hindi niya pa rin makalimutan ang ginawa nitong tangkang pagpatay sa kanila, sinubukan niya na lang burahin iyon sa isip niya. "Salamat, Wes," mahinang sabi ni Devon. Nasa likod sila ng sasakyan at dalawa lang silang nandoon kaya malaya silang nakakapag-usap. "A-alam kong hindi ako karapat-dapat bigyan ng isa pang pagkakataon pero pinatawad mo ako." "Huwag mo nang isipin iyon." Naging mailap ang mga mata ni Devon, "Wes, pagod na rin ako. Pero hindi ko pwedeng hayaan ang nangyari kila Inay. Gusto kong matapos na lahat ng ito. Wala na rin namang silbi ang buhay ko pagkatapos e. Kahit mamatay na rin ako basta makamit ko lang ang hustisya. Nang mawala ang mga magulang natin at hindi rin kita mahanap, pakiramdam ko wala na rin akong dahilan para mabuhay pa. Lalo na nang malaman kong patay na rin si Rosalie." "Andito pa naman ako e," seryosong sabi ni Wesley. "alam kong hindi ka matatahimik hangga't hindi mo nakakamit ang hustisya kaya hindi kita pipigilan. Pero huwag mong masyadong ikulong ang sarili mo sa nakaraan. Balang-araw, makakakita ka rin ng babaeng mas mamahalin mo pa kay sa kay Rosalie at mawawala lahat ng galit mo sa mundo." "Hindi na siguro mangyayari iyon, Wes," nakita ni Wesley ang matinding galit sa mga mata ni Devon. "Makaganti lang ang gusto ko ngayon. Ngayon pang alam ko na na ginamit lang ako ng nag-iisang taong pinagkatiwalaan ko pagkatapos ng nangyari sa hacienda. Magbabayad si congressman Posadas." Isang mapait na ngiti ang ibinigay ni Devon sa kapatid, "Babalik ako sa Davao, Wes. Napatay naman natin lahat ng tauhan niya, 'di ba? Walang makakapagsabing nagkita tayo. Kailangan kong magpanggap na walang nangyari para malaman ang mga plano niya." Natigilan si Wesley at napansin naman iyon ni Devon. "Magtiwala ka sa'kin, Wes. Hindi ko kayo tatraydurin. Naisip ko lang na mas mapapadali ang pagpapatumba sa kanya kung malapit pa rin ako. Isa pa, pwede kong gamitin ang mga anak niya para iparanas sa kanya ang mga kahayupang ginawa niya." "I trust you," nag-aalalang sabi ni Wesley. "Pero paano kung mahuli ka? Malayo kami sa'yo." "Huwag kang mag-alala sa'kin. Congressman Posadas is a devil pero sabi nga nila, Lucifer is once an angel. Kung hindi ko man makakamit ang katarungan, makakaganti naman ako." "Anong plano mo?" Ngumisi si Devon lalo na nang maalala si Monique at Julianne, "May mga anak na babae si Congressman Posadas. Gagamitin ko ang mga iyon laban sa kanya. I'll make sure na mas matindi pa ang mararanasan nilang sakit kay sa sa nangyari sa'tin hanggang sa mismong si congressman na ang sumuko." "Kuya, walang kasalanan ang mga anak ni dongressman," tutol ni Wesley. "Wala rin tayong kasalanan, Wes. Pero tayo ang naghirap. Panahon na para singilin ko ang demonyong iyon." Hindi na nagsalita pa si Wesley at tumingin lang sa labas ng bintana. Natigilan naman si Devon ng makitang tumatawag si Monique. Imbes na makaramdam ng pananabik ay galit ang nasa puso niya nung mga oras na iyon. "Hello," isang mapait na ngiti ang gumihit sa mga labi ng lalaki. "Hi, hon. kumusta ka na dyan? Miss na miss na kita," malambing na bati ni Monique. "Hindi mo man lang sinasagot ang mga tawag ko. Baka naman nakahanap ka na ng iba." "I'm sorry. Medyo busy lang ako." "Dad said na babalik ka na raw next week." "Yeah. And I can't wait to see you," tila nag-aapoy sa galit ang mga matang sagot ni Devon habang sa isip ay nabuo ang isang maitim na balak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD