Five

1533 Words
"So lahat ng business na pag-aari ni Congressman Posadas kay Julianne nakapangalan?" gulat na gulat si Devon sa nalaman. "Ang ina po ni Ms. Julianne ang may-ari ng mga businesses ni Congressman at ayon sa balita, iyon ang dahilan kaya nagpakasal si Congressman Posadas dito. Si Abigail Valderama o Yao Li Ann, ay isang heiress mula sa isang mayamang chinese family. Si Mrs. Abigail ang nagpondo ng campaign ni Congressman noon at kahit ang bahay na tinitirahan nila ngayon ay si Julianne ang may-ari. Half-chinese ang lolo ni Julianne kaya Valderama ang apelyido ng mommy niya pero alam mo naman ang culture ng chinese. Tutol ang mga ito sa relasyon ni congressman at Abigail noon." "Alam ba ito ni Julianne?" lalong nagtaka si Devon. Kung alam ni Julianne na siya ang nagmamay-ari ng lahat ng iyon, bakit ito nagpapaapi sa congressman? "Sa tingin ko, hindi niya alam," sagot ng inupahang detective ni Devon na isa rin sa tauhan ng agency na pag-aari nila Edel. "Dahil nakatago ang lahat ng papeles sa isang safety box pati na rin ang last will. Bata pa si Julianne nung mamatay ang ina niya at hindi ko alam kung alam ng ina ni Monique ang tungkol doon. Ang mommy ni Monique ang kasintahan ni Congressman bago nagpakasal kay Abigail Valderama kaya posibleng alam niya na pera lang ang habol ni congressman sa ina ni Julianne pero hindi pa po tiyak iyon." "Tita is dead, huwag na natin siyang idamay dito," sabi ni Devon. "So walang pwedeng gumalaw ng kayamanan kung hindi si Julianne?" Nakangiting tumango ang detective, "Hindi lang iyon. Ang mga papeles na hawak ni congressman ay mga peke, at 'yung mga nasa loob ng safety box ay si Julianne lang din ang pwedeng kumuha. Kapag namatay si Julianne, sa trustfund mapupunta unless may anak siya at asawa." "I see," napangiti rin si Devon. "Takot si Julianne kay congressman. Hindi niya alam na dapat ang daddy niya ang matakot sa kanya." "Anyway, salamat sa mga impormasyon," kinamayan na ni Devon ang detective na bagama't may edad na ay halata pa rin ang pagiging matalino. "Wala iyon, Sir Devon. Tawagan niyo lang ako sa opisina ni Sir Quen kung may ipapagawa kayo sa'kin." Nang mapag-isa ay muling binasa ni Devon ang mga impormasyon. Hindi siya makapaniwala sa nalamang sikreto ng pamilya Posadas. Napatingin siya sa cellphone nang tumunog iyon. It was congressman. "Yes, sir?" "Senator Espiritu will be attending an important event in Paradise Hotel. You need to meet up and take an important document from him." "Okay, sir." ********** Μaraming tao sa pagtitipong iyon at halatang enggrande ang okasyon na dinaluhan ni Devon. The assistant of Senator Espiritu was waiting for him kaya nakapasok siya kaagad. Isang babae ang naging sentro ng atensyon at ipinakilala bilang si Stephanie Northwood, ang naiwang tagapagmana ng kayamanan ng mga Northwood. Napailing na lang si Devon nang maalala si Julianne. Hindi niya alam kung maiinggit sa dalawang babae dahil sa dami ng pera o maaawa dahil siguradong marami ang nagtatangka sa buhay ng mga ito. Hindi sinasadyang napatingin sa kanya si Stephanie at nagtama ang mga mata nila. Napakunot ang noo ni Devon nang makita niya ang pagkagulat sa mga mata nito. "Miguel, here are the documents." Narinig ni Devon na tinawag siya ng senator kaya bumaling siya rito. Nawala na sa isip niya si Stephanie. Kasalukuyang nakikipag-usap si Devon sa grupo nang lumapit ang isang matandang babae kasama si Stephanie Northwood. Tumayo naman si Senator Espiritu at binati ang dalawa. Napatingin si Devon sa mga bagong dating nang tawagin siya ng Senator. "Miguel, I would like to introduce you to my niece, Stephanie Perrie Northwood, Perrie, this is Miguel Sevilla, congressman Posadas' right hand." "It's a pleasure to meet you," ngumiti si Devon at nakipagkamay sa babae na halatang naguguluhan sa hindi niya malamang dahilan. "H-hi." Inaya na ng kasamang babae si Stephanie pero hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa kanya. Ηindi pa tapos ang gabi pero nagpaalam na si Devon dahil uuwi na siya ng Davao bukas. Kailangan niya ring magplano kung paano sisimulan ang paghihiganti. Papasok na siya ng kotse nang makitang may naghihintay sa kanya. "Stephanie?" hindi makapaniwalang tanong ni Devon. Mukhang nahumaling pa yata sa kanya ang babae. "Are you waiting for me?" Hindi ito sumagot at nanatiling nakatitig sa kanya. "Do you want a ride? I could drop you home..." "Buhay ka pa pala." Natigilan si Devon sa narinig pero hindi siya nagpahalatang kinabahan. "What do you mean?" isang matamis na ngiti ang ibinigay niya rito. "I don't know kung paano nangyari pero nasa delikado kang sitwasyon." Nawala ang ngiti ni Devon. "Stay away from them." "Sino ka?" bahagyang tumaas ang boses ni Devon. Ngumisi ang babae pero imbes na sumagot ay tinalikuran siya nito. Mabilis naman itong hinabol ni Devon. "Who are you?" "Ikaw, sino ka?" ganting tanong nito. Matagal silang nagkatinginan ng babae. Maya-maya ay narinig niyang tinawag ito ng isa sa mga bodyguard. "Ms. Northwood, handa na po ang kotse." Inayos ni Stephanie ang sarili at kalmado nang naglakad paalis. "Have a good evening," ngumiti pa ito bago tuluyang umalis. "Devon..." Hahabulin sana ng lalaki si Stephanie pero nakasakay na ito sa loob ng kotse at hinarangan siya ng bodyguard. Hindi nakatulog si Devon nung gabing iyon kaya ipnagpaliban niya ang pag-uwi ng Davao. Sino kaya si Stephanie at bakit alam nito ang tunay niyang pagkatao? Para mapalapit sa babae ay inaya niyang mag-dinner si Senator Espiritu. Asawa ito ni Savannah na sa pagkakaalam niya ay malapit na kamag-anak ni Stephanie. And he was right, muli niya ngang nakadaupang-palad ang babae dahil inaya siya ng senator sa gallery kung saan ito may exhibit. "Do you like that?" Napalingon si Devon nang marinig ang isang tinig. Hindi siya nagkamali, si Stephanie iyon. Umiling si Devon, "Hindi ako mahilig sa art." "Really?" natawa si Stephanie "What are you doing here then?" Nagkibit-balikat ang lalaki. "You can have that painting since sa tingin ko, gusto mo 'yan," alok ng babae. "I told you, hindi nga ako mahilig sa art." "Then give it to someone na mahilig." "I don't know anyone." "Libre na nga ayaw mo pa." Sumeryoso ng tingin si Devon, "Bakit kilala mo ako? Nagkita na ba tayo noon?" Ngumiti ang babae, "Nakalimot ka na talaga." "Saan nga?" "I need to go. Aasikasuhin ko pa ang ibang bisita," paalam ni Stephanie. "Maybe, we should have coffee sometime." "No, thanks. Babalik na rin ako ng Davao e. Isa pa, I'm already taken," pilyong sabi ni Devon. "Nice to meet you, Stephanie." "I prefer to be called Perrie," ngumiti rin ang babae. Bago muling sumagot si Devon ay tinawag ito ng senator kaya nagpaalam na ang lalaki. Hindi na nito nakita ang kaba sa mga mata ni Perrie. Muntik nang masapak ni Devon si Perrie nang maabutan ito sa loob ng kotse niya. Paano nakapasok ang babae dito? "What are you doing here?" hindi napigilang magtaas ng boses ni Devon. Mabuti na lang at hindi niya ito natutukan ng baril. "You have no idea what you're doing, Devon. Congressman Primo? Senator Espiritu? Seriously? Para mo na ring binenta ang kaluluwa mo sa dyablo." "Sino ka ba talaga?" "Lumayo ka na kay Congressman habang may panahon pa." "Pinadala ka ba nya? Well, umpisa na ito ng paghihiganti ko. Ngayon pa ba ako susuko?" "Devon..." "Kung sino ka man, ito ang tandaan mo. I will never give up hanggang hindi ko napapabagsak ang mga pumatay sa magulang ko, hangga't hindi ko nabibigyan ng katarungan ang pagkamatay ni Rosalie." "Devon, ako ito..." Tila nanlamig si Devon sa narinig. "Ako ito. Si Rosalie." Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa dalawa habang hindi makapaniwalang nakatitig si Devon sa magandang mukha ng dalaga. Tila iniisip nito kung nagsasabi ba ng totoo ang kaharap. "R-rose..." "Huwag mong hayaang magkamali ka ulit." Hindi napigilang yakapin nang mahigpit ni Devon ang babae. Ramdam ang pananabik sa yakap nito at hindi napigilan ang pagpatak ng mga luha. "Rose, buhay ka." Napabuntong-hininga si Rosalie, "Buhay ka rin naman. Pareho lang tayong masamang damo." "Ikaw ba talaga iyan?" "Hindi kita pipiliting maniwala." "I believe you," ikinulong ni Devon ang mukha ni Rosalie sa mga palad nito. "nararamdaman kong ikaw iyan. Bakit hindi mo sinabi agad? Rose, sumama ka na sa'kin..." Sarkastikong tumawa ang babae, "Devon, may sarili na tayong mga buhay. Alam mong may asawa na ako. Hindi ko lang pwedeng ipagtapat sa kanya ang totoo at ikaw, balita ko kayo na ng anak ni congressman. Magsimula ka ulit. May panahon pa. Kahit hindi na ikaw ang mahal ko, ayokong mapahamak ka." "Hindi ko siya totoong mahal. At ngayong nalaman kong buhay ka at muntik na akong ipapatay ng ama niya, oras na para tapusin ang lahat ng sa'min." "Hindi ka masamang tao, Devon..." "Oo pero sila ang gumawa sa'kin nito. Nawalan ako ng magulang at kinabukasan at kahit ikaw nawala sa'kin. Pero ngayong nandito ka na ulit, hindi ako papayag na mawala ka, Rose." Buong pananabik na inangkin ni Devon ang mga labi ni Rosalie. "Sumama ka na sa'kin." "No..." "Kakalimutan ko ang paghihiganti, Rose kung sasama ka sa'kin." Imbes na gantihan ang ginagawa niyang paghalik ay mabilis na kinuha ni Perrie ang nakasukbit na baril mula sa likod ng suot na blazer. "Si Rio ang mahal ko, Devon at ngayong nakita kita ulit, lalo kong napatunayan kung bakit minahal ko si Rio at hindi ako sumama sa'yo noon." "Rose..." Nanatiling nakatutok ang baril kay Devon hanggang sa makalabas ng kotse si Perrie kaya hindi niya ito nahabol. Galit na napasuntok sa manibela ang lalaki nang mapag-isa. Sobrang sakit sa kanya na sa ikalawang pagkakataon ay ipinagtabuyan siya nito. Lalo tuloy lumakas ang kagustuhan niyang makapaghiganti. Sisiguraduhin din niyang babalik sa kanya si Rosalie sa bandang huli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD