"So, where are we going?" nakangiting tanong ni Devon habang sakay sila ng kotse. Isang masamang tingin ang ipinukol ni Perrie sa lalaki, "hindi ako sasama sa'yo. Ihatid mo na ako sa airport." "Gabi na. Bakit hindi muna tayo dito magpalipas ng gabi?" Lalong uminit ang ulo ni Perrie nang makitang nakangisi si Devon. "Walang nakakatawa sa nangyaring itong, Devon. Mabait si Julianne pero sa tingin mo ba hindi niya tayo gagantihan? Ibang gumanti ang pusong nasaktan. Inilagay mo lang ang buhay ko sa panganib." "Papatayin ko siya." Napatigil sa pagsasalita si Perrie. "Sa oras na gawan ka niya nang masama, hindi ako magdadalawang-isip na patayin si Julianne, Rose." Napapikit si Perrie. Hindi siya makapaniwalang ganito na kasama ang dating kasintahan. "Huwag kang mag-alala," mahigpit siya

