Nagulat si Devon nang makita si Perrie na naghihintay sa sala ng bahay nila ni Julianne. Nabalitaan niya kasing nasa Maynila ito. Luluwas na nga dapat siya bukas. "Perrie?" halatang natuwa si Devon nang makita ang babae. "I'm glad you're still here. Akala ko umuwi ka na." Tiningnan lang ni Perrie nang masama ang lalaki. "She has an exhibition here kya siya bumalik," sagot ni Julianne. "I think we should go. Wala akong escort." "I will go but not with you," ungos ni Devon. "Kayo na lang ang mag-usap, Perrie," napailing lang ni Julianne. "Mabuti pa, maghahanda muna ako ng makakain." "Bakit ka bumalik, Devon?" seryosong tanong ni Perrie. "Pinalayas ka ni Congressman, hindi ba? Dahil nahuli niyang nakikipaghalikan ka sa fiancee niya?" "Words travel fast," komento ni Devon. "So ano si J

