Tulala si Julianne habang hinihintay si Adam sa paborito nilang tambayan tuwing nagbabakasyon siya galing America. They were bestfriends at minsan na rin itong nanligaw sa kanya pero hindi natuloy dahil nalaman niya ang sikreto nito. "Hoy," bati sa kanya ni Adam. "Natulala ka yata sa kagwapuhan ko." Tila natauhan si Julianne nang marinig ang pagtawa ng kaibigan. "Nandito ka na pala," inayos niya ang sarili at pilit ngumiti. Naupo naman ang lalaki at tinawag ang waiter para umorder. "Gusto mo ng red wine?" tanong ni Adam. Mabilis na umiling si Julianne. "I-I can't drink." Nagkibit-balikat lang ang lalaki at muling bumaling sa waiter. Pagkatapos umorder ay seryoso itong tumingin sa kanya. "Salamat nga pala sa sponsorship, Adam..." "You don't have to lie to me. Alam mo namang walan

