TWO

333 Words
Kulang na lang sabunutan niya ang sarili sa sobrang frustration. Paano na siya ngayon? Ang pagtutugtog na lang sa isang banda ang tangi hanap-buhay niya at ngayon magkawatak-watak na sila! Muli niya nasabunutan ang mahabang abuhin na buhok niya. Katatapos lang ng pagtugtog nila sa gabing iyun sa isang bar. "Seryoso ba kayo? Paano na ko? Bakit bigla-bigla naman,Guys?!" frustrated niyang saad sa tatlo lalaki naging kabanda niya sa loob ng limang taon. "Pasensya na Ayisha,hindi kasi mabubuhay ang mag-ina ko sa pagtutugtog-tugtog ng tatlo beses sa isang linggo.."dahilan ng gitarista. " Oo nga,Ayisha..mag-aaplay din kasi ko sa abroad kukunin ako ng Tito ko na nagtatrabaho sa barko.."dahilan naman ng bahista. Sa bokalista naman siya bumaling. "Uhm,pasensya na din,Ayisha..naisip ko kasi na mag-abroad as a singer sa barko.." Marahas siya napabuga ng hangin at naipikit niya ng mariin ang mga mata. Alright,usapin future ito kaya ano nga ba magagawa pa niya kundi i-let go ang bandang ito. "Alright,pasensya na kayo..alam niyo naman dito ako umaasa sa banda natin.." "Sana maging maayos lang kayo kung saan man kayo pupunta.." "Uhm,Ayisha..."ang bokalista. Pagod at dismayadong bumaling siya rito. May papel ito binigay sa kanya. "Nagpapa-audition bilang bagong Drummer ..kilala ang GreenHulk sa mga kabataan di man sila totally expose sa publiko..suki sila sa iba't-ibang festival at nagiguest din sa kung ano-ano event.." anito. Tinitigan niya ang papel. Sa susunod na araw ang audition sa isang private studio. Wow! "Pwede ba sila tumanggap ng babae dun?" "Uhm,Di ako sure pero kung makikita nila ang galing mo sa pagdadrums sigurado magkakaroon na ng Fiona sa banda nila.." nakangisi nito saad. Natawa siya sa sinabi nito at ang dalawa pa niya kabanda na ngayon ay dati ng kabanda. "Saka mairegistered ka na namin eh,punta ka na lang sa venue.." "Alright,subukan ko ito..salamat dito.." pagtango niya. "Ikaw pa,the best drummer ka ata!" anang ng mga ito. Kahit papaano hindi ganun kasaklap ang paghihiwalay nila. Iniisip pa rin siya ng mga ito. She sighed. Bahala na. Try try until succeed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD