THREE

590 Words
Ito na ata ang bagay na masasabi niyang boring. Dalawang araw na sila nagpapa-audition para sa bagong drummer nila. Their former drummer on his band,Greenhulk. Ron left their band temporarily for his one month honeymoon . matagal din yun kaya kailangan nila makahanap muna ng pasamantala papalit dito. He sighed. Hindi naman sila makakatugtog kung wala sila drummer kaya kailangan niya magtiyaga sa mga wanna be Greenhulk drummer na mga ito. "Wala na ba mas gagaling pa sa mga ito? Dalawang araw na tayo nagpapaaudition wala pa rin tayo makuha.." reklamo na ng bahista niya. Nakaupo sila tatlo sa harapan habang ang drum set naman ay nakaharap sa kanila. Pinasadahan niya ng tingin ang listahan ng mga nagparegistered. Nangunot ang noo niya nang mahagip ang isang pangalan ng babae. Ayisha Jade? "Bakit may babae sa list?" saad nya. "Ha? Saan? Patingin nga.." anang ng vocalist ng banda. "Ayisha Jade? Oo nga noh! Bakit may nakalusot na babae dito?" anito. He sighed. Bumukas ang pintuan. "May isa pang aplikante..papasukin ko na ba o hindi pa?" sungaw ng nag-aassist sa audition nila. "It's Ayisha Jade.." anang ng bahista nila. "Pauwiin mo na...hindi kami kumukuha ng babae.." tugon niya sa nag-aasist. Bigla naman ito naitulak papasok at isang babae na may abuhin buhok ang lumitaw sa likuran nito. Narinig niya napasipol ang dalawa niyang kasamahan. She look at him. Galit ito. "Ayisha Jade?" casual niya saad. Malamang isa ito sa mga tagahanga niya na gusto magpapansin. Ang ayaw niya sa lahat na pinaghihintay siya sa wala. Tama bang pauwiin na lang siya basta pagkatapos niya maghintay ng tatlo oras sa labas! "Ako nga..at narinig ko na pinapauwi niyo na ko?" galit niya saad. Sabay na tinuro ng dalawa lalaki na nasa magkabila gilid nito ang lalaki na berde ang T-shirt na pinatungan ng itim na jacket. Cool lang ito nakahalukipkip. Huh! Ito pala ang gitarista nila na ayon sa mga babae na nasa labas ng studio eh ubod daw ng gwapo. Tss! Gwapo nga ang ubod naman ng yabang! Agaw pansin ang kulay berde nitong hikaw sa magkabila nito tainga. Pa-Cool! Tse! "Greenhulk ang pangalan ng banda so they expect na puro lalaki kami...kaya naman,Miss..we're sorry..mukha nagkamali lang ang nag-ayos ng mga magreregistered.."balewala lang nito saad. Naikuyom niya ang mga palad. "Siguro nga..pero alam mo ba na wala sa pangalan kung ano klase ang bumubuo dito?" Amuse na napa-wooh ang dalawa lalaki sabay baling sa napapagitnaan ng mga ito. Ngumisi ang lalaki, mayabang na tumayo ito at lumapit sa kanya. Pinatili niya na matapang sa harapan nito. Kahit babae siya hindi siya aatras. "Alam mo,Miss..maganda ka naman pero,I'm sorry..kung isa ka sa mga tagahanga ko na gusto magpapansin...not here,it is a serious for me dahil hindi makakatugtog ang banda ko na wala akong drummer..na lalaki.." matiim nito saad. "Ahh..So,minamaliit mo pala ang isang tulad kong babae?" mapakla niya saad. Pinagkrus nito ang mga braso at humagod ang mga mata nito sa kabuoan niya. Ngumisi ito. "Actually,gusto ko nga ang datingan mo..you look cool pero sa tingin ko hindi ikaw ang hinahanap ko.." Pinalinsikan niya ito ng mga mata. "Okay...wala naman pala kwenta itong pa-audition niyo eh.." inis niya saad sabay talikod dito. "You know what,Miss..if you want one kiss pagbibigyan kita para naman hindi naman  sayang ang oras mo sa tagal ng paghihintay mo.." Marahas siya lumingon rito. Kung nakakamatay lang ang tingin niya baka nakabulagta na ito kanina pa. "Mongoloid ka din eh noh? Kiss your asshole! Gunggung!" asik niya rito. Naulinigan niya ang malakas na tawanan ng dalawa lalaki kasama nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD